Ang aktres at modelong si Niña Jose ay unang nakilala sa naging edisyon ng Pinoy Big Brother. Mula sa pagiging housemate ni Niña, pinasok niya na ang pag-aartista at pagmo-modelo. Hindi katagalan ay binitawan ng aktres ang showbiz at nagpakasal kay Bayambang Mayor Cezar Quiambao noong 2017. At ngayon ay mayroon na silang isang anak na lalaki.
Si Niña ay 31 taong gulang lamang nang siya ay magpakasal sa kaniyang asawa na si Mayor Cezar Quiambao na 65 taong gulang na. Kahit mahigit na 35 taon ang kanilang agwat hindi naman ito naging hadlang upang matuloy ang kanilang pag-iibigan. Ang kanilang pagsasama ay maayos at hindi natitibag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Hindi man na siya napapanood sa mga palabas sa telebisyon aktibo naman siya sa mga community activities sa Bayambang, Pangasinan.
Dahil nga sa agwat ng edad ni Niña sa kaniyang asawa ay madalas siyang makarinig ng mga masasakit na salita noon ngunit ni minsan hindi niya ito pinapatulan pero ngayon ay tila punong-puno na ang aktres. Sa isang larawan na post ni Niña sa kaniyang social media account, kung kasama niya ang kaniyang asawa sa larawan. Sa post niyang ito, may dalawang netizen ang nagkomento sa larawan nilang mag-asawa. Sinagot naman ni Niña ang hindi magandang komento sa kanilang mag-asawa at ibinahagi niya ang kaniyang saloobin sa kaniyang facebook account.
Narito ang naturang sagot ng aktres,
“We all need to be kind. People shouldn’t be judging what we don’t understand. First time ko kayo makita sa live nyo ni Mayor kahit hindi ko kayo kilala personally I felt na super sincere po kayo sa isat isa and may concern sa ibang tao. The world needs more people like you,” saad ng aktres. Dagdag pa niya, “Ano naman kong matanda na? alam muba duon sa province namin uso duon matanda ang husband kahit hindi mayaman mga tao duon mahalaga yung love nyu isat isa.wala sa edad pag love mo.”
“Unang una, bakit ba ang daming nakikialam sa buhay ko? Hahahaha nakakatawa kayo! Tinalo niyo pa pamilya namin and mga kaibigan. Sige pa sa mga bumabatikos sakin, more pa! para more blessings ako from God”
“Minsan nakakasawa na din maging mabait, yung hindi papatol sa mga kung ano ano, yung tahimik lang. Pero kung sumagot ka naman ikaw masama? San ka lulugar diba? Nakakapagod and nakakasawa din talaga. Pero naalala ko na andyan ang Diyos para sa akin, he will forever give me strength and carry me whe I cannot handle things.”
Samantala ipinagtanggol naman siya ng kaniyang mga fans.
“Don’t m𝔦nd them ms. Niña Jose-Quiambao sobrang angat ka sa kanila kaya po may nasasabi sila sayo, actually kahit naman sino nakakaramdam ng tulad ng nararamdaman mo kahit ako kc marami talagang taong kahit walang kang ginagawa my masasabi at masasabi sayo. Ang tawag sa kanila is insecurang frog hayaan mo nalang po ang karma nila, basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama.”
“I can’t find reasons why binabatikos ka po Ma’am. You’re beautiful ins𝔦de and out..and most of all napaka humble. Just enjoy life and keep safe po always.”
Hindi man maganda sa mata ng ibang tao ang kanilang relasyon isa lang ang mahalaga sa aktres iyon ay ang masaya siya sa piling na kaniyang asawa at hindi siya sinasaktan nito bagkus labis siyang minamahal kasama na rin ang kaniyang pamilya. Masaya at proud mommy naman si Niña dahil naging instant ina siya sa walong anak ng kaniyang asawa maliban sa sarili nilang anak.
Kilalanin Ang Mga Artistang Super Rich Dahil Sa Kanilang Asawa
The post Aktres na si Niña Jose, sinagot ang isyung panghuhusga sa relasyon nila mag-asawa na si Mayor Cezar Quiambao. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed









0 Comments