Looking For Anything Specific?

Dalagita, Ibinenta Ang Motorsiklo Ng Ama Para Makita Lamang Ang Crush Sa Ibang Bansa

Saan nga ba aabot ang pag huhumaling o pag iidolo mo sa isang tao? Kung saan ito ay nakilala mo lang sa socmed.

Halos sa mga kabataan ngayon ay nahuhumaling pag dating sa social media. May ilan na ginagawa itong instrumento na makahanap ng kaibigan at ka-ibigan.

Sa mga naluluntad na mga bagong apps ngayon, hindi nga maakila na ito na ang kinagigiliwan ng mga kabataan sa ngayong henerasyon.

Noong dati, sadyang patentero lang ang siyang kinagigiliwan at naging daan upang maging masaya ang buhay bilang isang bata. Ngunit sa ngayon, halos pilitin nalang nung ilan na palabasin sa bahay upang maglaro. Sadyang marami na talaga ang nag bago. Kung sana pwde lang balikan.

Isang kwento tungkol sa isang dalagita sa bansang Indonesia ang usap usapan sa ngayon na kung saan ibinenta niya mismo ang motorsiklo ng kanyang ama upang mapuntahan ang kanyang crush nito sa Jakarta. Ang lalaki na ito ay nakilala niya lamang sa isang online game.

 

Hindi makapaniwala ang pamliya ng dalagita matapos siya itong makita sa Airport na umiiyak dahil daw hindi sumupot sa ang kanyang crush sa kanilang meet up.

Nag tataka naman ang ilang sales personnel kung bakit ito umiiyak at agad naman nila itong tinanong at pinuntahan.

Masakit man para sa dalaga ang nangyari ngunit wala itong ibang choice kundi bumalik na lamang sa kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya na sinundo siya.

Kahit na ganoon ang nangyari sa dalaga wala naman itong magagawa na ipa sa uli ang motorsiklo ng kanyang ama dahil kanya na itong ibinenta.

Kung tutuusin hindi mainam gawin ang kanyang pagkikita sa hindi man lang ya lubusang nakilala. Bilang magulang dapat tinatanong at kinukunsulta natin ang ating mga anak pag dating sa ganoong bagay. Sila ay nangangailangan ng gabay para sila ay aware sa mga gawain na hindi pa angkop sa kanilang edad.

Lalaki, Tinupad Ang Pangako Sa Ex-GF Na Pupunta Sa Graduation Nito Kahit Break Na Sila Ng Matagal

Sabi nila, “PROMISE IS MADE TO BE BROKEN”, ngunit ibahin ninyo itong kwento na ito na talagang mapapa “SANA ALL” ka.

Si Pao Atienza ay nagpromise sa kanyang girlfriend na umattend sa kanyang graduation. Ngunit, nang maghiwalay sila ay hindi niya binigo ang ex-girlfriend nya dahil tinupad niya ang pangako niya na pumunta sa graduation niya at lumikom lang naman ito ng mga positibong reaksyon sa socmed mula sa ating mga netizens.

Sinabi ni Pao sa kanyang post na nagdadalawang isip siya kung pupunta ba siya o hindi, dahil nga sa estado nila ngayon bilang mag-ex at wala na din silang komunikasyon sa isa’t-isa na buwan na din ang lumipas.

Ngunit, nanaig pa din ang pagkalalaki ni Pao at tinupad niya ang pangako sa ex-girlfriend niya.

Pumunta siya sa Graduation at nakita niya doon ang pamilya ng babae na siya namang kinausap siya bago magsimula ang seremonya.

Nang magsimula ang seremonya ay lumayo si Pao sa family ng babae at nang tinawag ang pangalan ng babae at nakita niya ito sa stage ay biglang napaluha si Pao. Nakita ito ng kapatid ng babae at sinabing, “OKAY KA LANG BA?,KAYA MO YAN.”

Marahil ay sobra ang galak ni Pao sa kanyang ex at proud na proud siya sa kanyang nakamit ng araw na iyon. Sabi niya pa nakakatuwa dahil natupad niya ang kanyang promise noong sila ay magkasintahan pa.

Nang oras na yun ay nagtext ang babae kay Pao at sinabi na natuwa siya dahil nafullfill nya ang promise ni Pao sa kanya at ginawa niya yun dahil nagpakalalaki siya at walang halong ibang interes na magkabalikan sila.

Nagkaroon sila ng picture nang araw na yon at ipinost ito ni Pao na siya namang ikinatrending nito dahil sa napaka sweet na pangyayari sa dalawa.

Sana All, tumutupad ng pangako, ika nga ng ibang netizens.

Dahil Sa Sobrang Selos, GF, Pinalagyan ng Ganito Ang Likod Upuan Ng Motorsiklo ng BF!

Kadalasan, isa sa mga punot dulo kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan ay ang pagkakaroon ng kalaguyo, kalandian or third party ng isa sa kanila habang nasa relasyon. Marami ang nasisirang relasyon dahil sa pagkakaroon ng ibang babae o lalake na kung saan ang pagpasok sa relasyon ng iba ay kailan ma’y hindi magiging tama.

Ang pagkakaroon ng ibang karelasyon o kalaguyo ay karaniwang nangyayari sa mga lalaki. na kung saan tila ba sa kanilang palagay ay mas nakakaangat o lumalakas ang dating sa ibang babae, isama pa ang pagkakaroon nila ng motorsiklo.

Dahil sa mga insidenteng marami ang pumapasok sa relasyon ng iba, naisip ng isang lalake na palagyan ng pako ang likuran ng kanyang motorsiklo upang hindi magkaproblema sa kanyang nobyang selosa at hindi na ito mag-isip na may kalaguyo siyang iba.

Subalit, dahil sa pagkakaroon ng mga pako sa likuran ng motorsiklo ng kanyang nobyo, ang babae ay nahirapang humanap ng komportableng upuan dahil hindi naman siya makakaupo sa likuran.

Ang larawan ng magnobyo ay nag-viral at umani ng katatawanan sa mga netizens. Ang mag nobyo ay nagnangalang Khoirul Anam (lalaki) at Intan Shinta (babae) na nakatira sa Magelang, Indonesia.

Sa relasyon, hindi lamang basta mahal mo at masaya ka sa iyong kasintahan, dapat alam mo kung paano siya pagkatiwalaan at tanggapin ng buo. Tiwala sa isa’t-isa ang pundasyon ng isang relasyon. Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakamagandang katangian sa isang relasyon. Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon sa pagmamahalan.

Ang pagkawala ng tiwala sa iyong nobyo/nobya ay maaaring magbunga upang kwestyunin ang galaw ng bawat isa, dito papasok ang paghihinala, na maaaring mag-ungat sa mas malalang problema na makakasakit sa damdamin ng iyong partner

Isa pa rito ay dapat isaalang-alang ng magkarelasyon ang mga bagay na makakaganda upang mag-usbong at umunlad ang isa’-isa. Hindi lamang para sa ikabubuti ng sarili kundi sa ikabubuti niyong dalawa.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

The post Dalagita, Ibinenta Ang Motorsiklo Ng Ama Para Makita Lamang Ang Crush Sa Ibang Bansa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments