Looking For Anything Specific?

Netizen, Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Nangyari Sa Kapatid Dahil Sa Over-Using Ng Gadgets

Sadyang teknolohiya na nga ang siyang naging mabilisang paraan upang ma iproseso ang araw araw nating gawain sa labas o loob man ng ating tahanan.

Ang pagkakaroon ng teknolohiya sa mundo ay naging daan upang umasenso ang kabuhayan, pag aaral at iba pang magandang dulot nito sa ating buhay bilang isang tao. Ngunit meron itong maganda at di magandang kalalabasan kung hindi natin ito magamit sa tamang paraan.

Kagaya nalamang sa socmed post ni “Gaye Quiambao” kung saan labis ang kalagayan ng kanyang anak na si Wesley dulot ng over usage ng gadgets nito.

Ayon sa kwento ni Gaye, nabigla nalamang ang lola nito ng nanginig at natumba si Wesley sa sahig. Ito pala ay dinakip na siya ng Seizure. Nasa palengke noon si Gaye kasama ang kanyang asawa ng mangyari ang nasabing insidente.

“Last June 12, 2021 Saturday, at around 9:00 am, nag SEIZURE po si Wesley, sobrang tindi, He was seen by our mother sa sahig facedown and hard shaking. Nag sisigaw ang mama ko to wake up my brother, at the point kasi nasa palengke kami ng daddy nya at ni An.” pahayag ni  Gaye.

Ikinwento naman ni Gaye ang naging karanasan ng kanyang anak na si Welsey.

“According sa brother ko, sa sobrang tigas ng katawan ng anak ko with vigorous seizure nahirapan syang itihaya si wesley. Upon turning, doon nya nakita blue violet na kulay ni wesley, naka tirik ang mata at bumubula ang bibig sa laway habang nag shake pa din ang katawan. They immediately rushed him sa hospital. After ng seizure habang nasa tricycle, wala daw malay si Wesley. He said “akala ko mamatay si wesley” He was crying trying to wake up Wesley. Habang papunta sila ng hosp.

“Doon kami nagkita sa emergency, upon seeing my son, wala pa sya sa wisyo, he was dizzy at ang putla nya. We transfered to another hospital, habang sa biyahe, we are asking him questions, he only answer “wala akong naaalala”. After immediate assessment sa ER ng 2nd hospital. They test for motor and sensory function, then they let him rest.” dagdag pa ni Gaye.

 

 

Mabuti nalang daw at mabilisang naagapan si Welsey.

Sana magsilbi itong aral sa lahat ng kabataan na nalulong sa pagamit ng gadgets na limitahan lamang ang oras ng pagamit nito. Wag sanang sanayin ang katawan sa labis na pagpupuyat dahil kapag hindi lubusang ma alagaan maraming sakit o bunga ang iyong mararanasan.

Heto ang kabuuang post:

Limang Nakakaalarmang Panganib Ng Pagtulog Na Katabi Ang Cellphone Sa Higaan!

Marami sa atin ang nakasanayan na gamitin ang cellphone sa higaan bago matulog. At karamihan din sa atin ang nakaugalian na, na katabi ang mga gadgets na ito habang natutulog. Pero kahit na nasa bedside table mo pa ito nakalapag, basta malapit ito sa iyo ay may panganib pa rin itong dinadala.

Kaya kung madalas mong ginagawa ang gawaing ito ay dapat mo nang itigil. Narito ang mga nakakaalarmang panganib na dinudulot ng pagtulog na katabi ang cellphone.

1. Nag-eemit ng radiation

Ang mga electronic devices na ito ay nag-eemit ng electromagnetic radiation na nakakapinsala sa mga cells ng katawan. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization, ito ay mas delikado sa mga bata dahil mas manipis ang kanilang mga bungo kumpara sa mga matatanda.

2. Nakakaapekto sa iyong maayos na pagtulog

Ang blue light na inilalabas ng cellphone ay isang dahilan na nagdudulot ng pagkasira ng sleep cycle. Isa ring dahilan kung bakit nagkakaroon ka ng pagkaistorbo sa pagtulog o disturbed sleep ay dahil sa maya’t maya na pagtunog ng iyong cellphone. Kaya makakabuti na ilayo ang iyong cellphone sa iyong tabi kapag magtutulog.

3. Maaaring pagmulan ng sunog

Hindi maikakaila na karamihan sa mga taong gumagamit ng cellphone ay isinasaksak o china-charge ito sa tabi ng kama o nakalapag mismo sa higaan. Ang gawaing ito ang isa sa mga rason na pinagmumulan ng sunog. Dahil kapag nakatulugan ang pagcha-charge, maaaring uminit at sumabog ang baterya nito.

4. Mahihirapan kang magfocus kinabukasanAng paglalagay ng cellphone sa iyong tabi ay maaaring maging distraction sa iyong pagpapahinga. At kung ang katawan mo ay kulang sa pahinga, ang iyong utak ay mahihirapang makapagfocus kinabukasan at mawawalan ka ng konsentrasyons sa iyong ginagawa.

5. Nakakaapekto sa tamang paggana ng utak
Ang nakasinding cellphone ay naglalabas nang radiation na nakakaapekto sa function ng ating utak. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang cellphone radiation ay classified bilang “possible human c*rc*nogen” dahil sa naidudulot nitong mataas na tiyansa sa pagkakaroon ng brain c****r sa madalas at matagalang paggamit ng mga gadgets na ito.

The post Netizen, Ibinahagi Ang Nakakatakot Na Nangyari Sa Kapatid Dahil Sa Over-Using Ng Gadgets appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments