Bilang asawa, hindi na ipinagkaila ni Danica Sotto-Pingris na minsan na siyang naging emosyonal matapos niyang malaman ang desisyon ng kaniyang asawang si Marc Pingris na pag reretiro sa basketball.
Sa kaniyang Instagram post na dedicated para sa kaniyang asawa a sa halos na labing anim na taon niyang karera sa basketball, inamin niyang malungkot man ay masaya pa rin siyang susuportahan ang kaniyang kabiyak sa kagustuhan nitong mamahinga.

“Every time Marc has a game, especially an important one, yung tipong mga do or die games… di mo makaka usap yan!
“He’s quiet and not his usual kulit self. Naka focus sa talaga sa game. Minsan ilang araw pa. I give him his space kasi nag iisip talaga yan ng malalim.
“But once the game is over… he will always look for me and the kids in the crowd so he can hug us and say he loves us.” ayon sa kaniya.

Dagdag ng aktres, “Pag ganyan na siya saakin it means mission accomplished na siya. Nanalo na team nila, para sa family namin o kaya para sa bayan.”
Mami-miss daw ni Danica ang mga bawat pagkakataon na may laro ang asawa, ngunit lubusan niyang naiintindihan ang desisyon ni Pingris.
“I will definitely miss watching him play but I’m also excited for what lies ahead. I know God has even greater plans.

The post Danica Sotto, Hindi Napigilang Maiyak Matapos Malaman Ang Desisyon Ng Asawang Si Marc Pingris appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed








0 Comments