Looking For Anything Specific?

Derek Ramsay, inamin na walang nangyari sa kanila ni Ellen Adarna hanggang naging sila ‘officially couple’

Ellen Adarna at Derek Ramsay sumusumpa na hindi nila natikman ang kanilang first kiss hanggang maging opisyal na ang kanilang relasyon. Maling-mali rin daw na isipin ng karamiha, lalo na sa mga bashers nila sa social media na nagkatikiman muna bago ito na-in love sa isa’t-isa.

Naalala pa nina Ellen at Derek ang nakakatawang eksena nung una nila matikman ang kiss sa isa’t-isa kasi hindi labi ang ginamit ni Ellen para halikan si Derek kung hindi ngipin.

“Nothing happened for us, not even until naging kami,” sabi pa ni Derek sa interbyu sa kanya ni Dr. Vicki Belo kasama si Ellen sa latest vlog nito sa YouTube.

“There was something kasi she told me that night. ‘If this ever happens, it has to be when I’m sober so that I can feel the energy.’ She wasn’t sober. And all the other times when we were hanging out, it’s like, I wanted to respect her, I wanted to know where this was going. And then there was this one time, I took her home, and I said, okay, this is the night I think at least I’ll get a kiss,” dagdag pa ni Derek.

“And I think she was thinking the same thing. And we were there in the car. Then she kissed me, but not with her lips, she used her teeth. She jammed her teeth into my face,” natawa pa si Derek habang nagsasalita.

Kaya naman dahil dito bigla namang sumingit si Ellen Adarna at nag-explain.

“Because ang tagal kong inisip. Parang, okay, should I kiss him? Okay, ito na. And then natawa na ‘ko sa sarili ko. Why am I thinking about this? Why am I stressing about this? So finally, I decide to kiss him, and then natawa na ako sa sarili ko,” sabi pa ni Ellen.

“It was more like, ‘bam!’ And I was, like, in shock. And then she just gets out of the car and she dances to her house,” sagot naman ni Derek.

Sa YouTube vlog ni Dr. Vicki Belo na ikuwento pa ang araw nang tawagan siya mismo ni Derek at sinabi na natagpuan na niya ang babaeng gustong pakasalan at samahan habang buhay.

“This guy called me up. He calls me up, he goes, ‘This is the girl. I’m really going to propose. I’m getting married, Vicks. Do you know this?’ I told him, ‘Ha? How long have you known her?’ ‘Three days, it would be one month,” sabi pa ni Dr. Vicki Belo.

“So you were telling me that you guys didn’t kiss after one month. That means he already wanted to marry you (Ellen) before you kissed!,” dagdag pa ni Doktora.

At makalipas nga ang ilang buwan ng aminin nang dalawa na sila ay mag-couple, ginulat nila ang mga netizen dahil ang dalawang mag-couple noon, engaged na ngayon.

“There was just, it was just an instant connection. And that’s the thing! We didn’t test drive anything. I didn’t know that we were going to get married. I just know I wanted to marry her. So I wasn’t assuming that she’d say yes,” sabi pa ni Derek.

“He’d tell me (na gusto nga niya akong pakasalan). We talked about it. He told me three times before he really proposed.” sabi pa ni Ellen.

Pero, bago pa man siyang gustong pakasalan ni Derek, inamin mismo ni Ellen na wala pa siya talagang plano na magpakasal ngunit bigla itong nagbago nang maging sila ni Derek na sinuportahan naman ng kanilang mga tagahanga. Maraming mga netizens na nahanap na ni Ellen ang kanyang the one.

Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!

Source: Dr. Vicki Belo YouTube post

Magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay, muling kinakiligan ng marami dahil sa kanilang couple yoga pose

Nagbigay kilig nanamang muli ang pinakabagong larawan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Nitong mga nagdaang buwan ay naging laman ng iba’t-ibang balita at artikulo sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kamakailan nga lamang ay ginulat nila ang lahat sa biglaang marriage proposal ni Derek kay Ellen.

Dahil halos dalawang buwan pa lamang ang kanilang relasyon ng mangyari ang pagpo-propose ni Derek kay Ellen.

Si Ellen ang unang nag-post sa kanyang Instagram page ng mga larawan na kuha mula sa proposal na naganap na sinundan naman ni Derek.

Makikita sa larawan ang diamond engagement ring ni Ellen, ang nakasulat sa wall na “will you marry me?” proposal ni Derek, ang emosyonal na pagtanggap ng aktres ng proposal at ang masayang pagya­yakapan ng dalawa after.

At magmula nga noon ay laging nagbibigay ng kilig ang dalawa sa mga fans and followers nila.

Hindi alintana ng magkasintahan ang mga bashers sa kanilang paligid na hindi matanggap ang kanilang relasyon.

Nakaraan nga ay pinabulaanan ni Derek ang isyu na recycled daw diumano ang engagement ring na ibinigay niya kay Ellen.

At makatapos nga nito ay dedma nang muli ang dalawa sa mga batikos.

At kamakailan lang ay nagbahagi si Derek ng litrato nila ni Ellen kung saan makikita ang kakaiba nilang posisyon.

Ito ay habang sila ay nag-yoyoga, at makikitang sobrang flexible ng katawan ni Ellen upang maabot ang mga labi ni Derek.

Sa caption naman ng post ni Derek ay pinasalamatan niya ang nobya.

“Thank you for making me laugh and smile during tough times!” saad ni Derek.

Ito ay kasunod lamang ng pagdadalamhati ng aktor dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na alagang aso.

Nirepost naman ito ni Ellen at sinabing, “You’re lucky I’m naturally flexible.” 

The post Derek Ramsay, inamin na walang nangyari sa kanila ni Ellen Adarna hanggang naging sila ‘officially couple’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments