Kim Chiu hindi palalampasin ang magbabalak na lumandi sa boyfriend niyang si Xian Lim.
Sa segment ng It’s Showtime na ‘Reina Ng Tahanan’ ay napag-usapan ang tungkol sa mga lumalandi sa isang relasyon.
Ito ang naging topic dahil sa pahayag ng isang contestant.
Kaya naman naitanong ni Vice Ganda na kung sakaling kay Kim mangyari ang ganoong bagay ay ano ang gagawin niya.
“Ikaw Kim Chiu pag may nang higad. Hindi naman pumapatol yung jowa mo pero alam mong parang nag papakitang motibo ‘tong si girl parang humaharot talaga. Anong gagawin mo?” tanong ni Vice.
Sagot naman ni Kim, “Siyempre ipaparamdam ko dun sa girl, siyempre di ko pa naman asawa, paparamdam ko lang dun sa girl na, ‘huy jows ko yan girl’…”
Sinundan naman ito ni Vice ng tanong na “Pano mo paparamdam?”
“Siyempre papakita ko sa kanya na sweet kaming dalawa ganun. Para naman, ‘huy hiya hiya din ng konti, kilabutan ka naman,” muling paliwanag naman ng aktres.
Saad naman ni Vice na kung wala namang talab sa babae ang nais mangyari ni Kim ay ano ang susunod niyang hakbang.
“Wala na, uhm papaku’lam ko nalang… charot…” nakakatuwang sagot naman ni Kim.
Sa sinabing iyon ni Kim ay nagtawanan na din ang mga kasama nila sa studio.
Lalo na ng ginatungan pa ito ni Vice at sinabing may kakilala siyang mangku’ku’lam.
Samantala, nakaraan lamang ay muling nagpakilig sina Kim Chiu at Xian Lim.
Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Xian ang mga litrato kasama ang nobya sa isang yate.
Matatandaang sunod-sunod ang sorpresa ni Xian sa kanyang nobya.
Nito lamang nakaraang buwan, tinupad ni Xian ang pangarap na maiangkas sa motorsiklo at bumiyahe ng malayo kasama si Kim.
Kim Chiu: ‘Hindi ako nagjojowa ng pangit’ sabi pa niya sa kanyang latest YouTube vlog
Sa isang “Truth or Drink Challenge” sa kanyang latest YouTube vlog. Sa unang laro pa lang ng kanyang challenge ay talo ka agad si siya at ang tanong niya kung ano ang kanyang pinakapangit na ginawa sa kanyang trabaho.
“I don’t think I do worst things,” sabi pa niya.
Dahil diyan, pinapili na lang siya nang iinumin. Pinili naman niya ang numero 8 na suka pala.
“Alam mo, ang pangalan ko kasi ay Kimberly Sue. Tapos ‘yung mga kaklase ko dati binu-b8lly nila ako na ang apelyido ko ‘raw ay Uy at hindi Sue. Sue Uy.,” ani pa niya.
“Sa Waray-Waray kasi ang Sue Uy ay isang suka. Hinahabol ako ng childhood memory ko,” dagdag pa niya.
Kaya naman, siyempre, natanong si Kim tungkol sa kanyang love-life. “Nagpautang ka na ba sa boyfriend or naging boyfriend mo?”
“No, wala pa. Pasalamat na laang sa Diyos at ang mga naging karelasyon ko ay may pera naman sila,” sagot pa ni Kim.
Natanong din siya if willing ba siya makipag-kaibigan sa kanyang huling ex-boyfriend.
“Friends naman kami, friends kami, ayaw niya lang akong maging friend,” tumatawang sabi ni Kim.
At nang tinanong na nga kung nagkaboyfriend na siya ng pangit.
“Pangit, hindi ako nagjojowa ng pangit,” sagot pa niya.
Sa tanong kung sinu-sino ang ayaw niyang maka-trabaho, nag-play safe si Kim at matapos niyang sumagot pinainom siya ng alak.
“Konti lang naman sila,” sagot pa niya.
At sa huli, natanong din si Kim kung naloko na ba siya ng isang tao.
“Yes! Truth! Truth!,” sagot pa ni Kim.
Sa ngayon, umani na sa mahigit 366k views ang kanyang Youtube views at 14k na naglikes. Sa mga gustong panoorin ang mismong video click niyo lang ang source sa ibaba at kung mapupunta na kayo video mismo skip ka agad sa 4 minutes and 10 seconds.
Narito ang iilan’ reaction ng iba’t-ibang netizen sa nasabing video:
“next vlog jojowain or trotropahin with xian pls.,” ani pa ni Nerlinda V.
“Yeheyy may bagong vlog na naman idol kimmy,” ani pa ni Jenive A.
“Yes Kimmy Never Ever lipatan na mangyayari Solid Kapamilya tayo mula sa Pbb sinubaybayan na Kita oras na lumipat ka malulungkot ako ng bonggang bongga,” ani pa ni Maria J.
“Miss you and Xian in vlogging.,” ani pa ni Rosario Y.
“Colab with ur boyfie xian plsss kimmy,” ani pa ni Let E.
Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!
Source: Kim Chiu PH Youtube post
Kim Chiu, pinutakte ng reaksyon matapos aminin na hindi nagbo-boyfriend ng pangit
Pinutakte na naman ng mga netizens ang Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Sa kanyang vlog noong May 30, sumabak si Kim sa “Truth or Drink Challenge”
Kung saan maraming bagay siyang naibahagi tungkol sa kanyang sarili, sa mga nakarelasyon, at kung anu-ano pa.
Sa challenge na ito ay may mga juicy questions ang mga staff and crew ni Kim. May two choices ito: Sabihin ang ‘truth’ o tunay na sagot sa mga slightly personal questions.
Kung ayaw naman niya itong sagutin ay kailangan niyang inumin ang mystery drink na nakalagay sa small cups. May toyo, hot sauce, empi, root beer at kung anu-ano pa.
Natawa na lamang si Kim nang mapag-usapan ang tungkol sa dati niyang nobyo na hindi niya pinangalanan.
Dito ay nalaman din na may ex-boyfriend siya na ayaw makipag-kaibigan sa kanya, may dalawang artistang nakatrabaho na siya na may attitude at meron din siyang ayaw nang makatambal.
Tinanong din si Kim kung naranasan na ba niyang manloko ng karelasyon.
Sagot niya, “Never!”
Sumunod na tanong sa kanya: “Have you ever been cheated by someone?”
Diretsong sagot ni Kim, “Yeeesss! Truuuuth! True!”
Natawa naman ang mga kasama ni Kim na kumukuha ng vlog niya, pero hindi na nagdetalye si Kim tungkol sa karanasang iyon.
Ang hindi raw naranasan ni Kim ay ang magpautang sa isang karelasyon.
Naikwento din ng aktres ang kauna-unahang karanasan niya na masampal on screen.
Pero ang pinakatumatak naman sa isip ng mga netizens ay tila ang bagong batas ni Kim.
Ito ay nang maitanong kung nagka-boyfriend na siya ng pangit.
Nakakatawang sagot naman ni Kim “Pangit, hindi ako nagjojowa ng pangit.”
Saad tuloy ng nga netizens ay ibang klase talaga si Kim pagdating sa di maintindihang standards niya.
The post Kim Chiu, tapat na inamin na ipapakulam kung merong manghigad sa kanyang boyfriend na si Xian Lim appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments