The Voice Kids 2015 grand winner na si Elha Nympha dalagang dalaga na!
Nakilala si Elha na isang cute at chubby little girl na napakagaling bumirit sa stage ng The Voice Kids.

Siya ang itinanghal na grand winner sa pamosong kompetisyon ng mga batang mang-aawit.

Magmula ng siya ay manalo, kabi-kabila na ang kanyang guestings noon sa Kapamilya Network.

Lumipas ang ilang taon ay malaki ang pinagbago ni Ella Nympha dahil ngayon ay isa na siyang ganap na dalaga.

Makikita sa kanyang social media account ang pagbabago ng singer ng magbahagi ito ng litrato niya na nakabikini noong nagbakasyon siya sa Bolinao, Pangasinan.

Madami sa mga netizens ang napahanga sa malaking transformation na nangyare kay Nympha. Ang dating cute na chubby na bata ay slim figure na ngayon.
Nang minsang makapanayam si Elha sa telebisyon ay ibinahagi niya ang tunay na dahilan kung bakit niya naisipang magbawas ng timbang. Ayon sa dalaga ay naiinip daw siya sa loob ng kanilang bahay kung kaya naman napag-isipan niyang mag-diyeta at mag-ehersisyo upang malibang naman siya.
Hindi niya akalain na magiging napakaganda pala ng resulta. Marami ang pumuri sa kaniya dahil sa naging pagpapahalaga niyang ito sa kaniyang sarili.

Gayundin naman ay mas marami pa ang humanga sa kaniya at nagkaroon ng inspirasyon dahil sa kaniya. Marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagsabing nais din nilang gawin ito hindi lamang upang mas maging payat ang kanilang pangangatawan kundi upang mas maging malusog din sila lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Kilala Niyo Pa Ba Si ‘Lyca Gairanod’? Ito Na Pala Siya Ngayon, Super Ganda Niya At May Sarili Pang Bagong Sasakyan
Naaalala niyo pa ba si Lyca Gairanod ang dating The Voice Kids Grand Winner, maraming pinahangang manonood at mga vocal coaches sa kanyang blind audition dahil sa kanyang kanta na Aegis hit ‘Halik’?


Noong 9-taon-gulang pa si Lyca ay sumali siya sa isang singing contest at nakuha niya ang kampoyanado bilang ‘The Voice Kids Philippines Season 1’ na isang singing competition dito sa Pilipinas sa Kapamilya Network.


Pero, noon pa man bago pa sumikat si Lyca naitampok pa ang kanyang buhay sa MMK na namumulot ito ng plastic bottles, mga newspaper at iba pang mga recyclable trash sa Tanza, Cavite para lamang may pantustos sa pang-araw-araw na gastusin.


Kaya naman matapos makuha ang kampyunada, ang dating mahirap noon at mayaman na ngayon at meron pang bagong sasakyan itong si Lyca na ibinahagi sa kanyang latest vlog. Noong taon 2015, ay may sarili na itong album na ang pamagat ‘Puede Nang Mangarap’ under ng MCA Music Inc.


Hindi lang diyan dahil nakuha din niya ang kanyang unang awit Award bilang Best Performance by a Child dahil sa kanyang kanta na ‘Narito Ako’ na ang orihinal na kumanta ay si Regine Velasquez.


Sa edad na 16 taon ay nakatravel an ito sa iba’t-ibang parte ng mundo. Kaya naman talagang masasabi mo na pinagpala talaga itong si Lyca. Ngunit, hindi man natin siya nakikita sa TV dahil nga mas inuuna niya ang pag-aaral pero wag mag-alala dahil meron siyang vlogs nang mga songs cover at gig na palaging pinopost sa kanyang YouTube channel.


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.
The post Elha Nympha, proud na ibinahagi ang malaking pagbabago sa kanyang katawan ngayon matapos magbawas ng timbang appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments