Looking For Anything Specific?

Estudyanteng anak ng magsasaka, nagantimpalaan ng $300,000 o P15.7m na scholarship sa Amerika dahil sa angking talino nito

Ang pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapag-iiwanan.

Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga anak na kalaunan ay inaasam rin na makapagtapos at maging isang produktibong nilalang.

Dito sa ating lipunan hindi lahat ay nagkakaroon at nabibigyan ng pribilehiyo makapag-aral. Dahil na rin ito sa maraming aspetong kadahilanan. Nangunguna na rito ang kahirapan sa buhay.

Sinong mag aakala na ang anak ng isang magsasaka ang magkakaroon ng pagkakataong mag aral ng libre sa isang kilalang unibersidad ng bansang Amerika?

Siya ay si Aldrean Paul Elvira Alogon na taga Sigma, Capiz. Dahil magsasaka ang kaniyang ama, sa bukid siya lumaki at nahubog kasama ang kaniyang mga minamahal na pamilya.

Siguro sa kagustuhang makabangon sa hirap at kalbaryo ng buhay, nagsumikap siya sap ag aaral. Elementarya pa lamang ay ipinamalas na niya ang kaniyang galing.

Nagtapos siya na may award na valedictorian. Kaya naman nakapag aral siya ng kaniyang highschool sa Philippine Science High School Western Visayas Campus sa Iloilo City.

Dalawang oras ang layo nito sa kanilang tahanan ngunit hindi niya na ito inisip at nagpatuloy pa din.

Aniya, mahilig daw siya magbasa ng mga encyclopedia at mga aklat na patungkol sa siyensa.

Dahil dito, mas lumalawak ang kaniyang kaalaman tungkol sa mga bagay bagay.

Dahil sa angking talino, si Aldrean ay ipinanlalaban ng kaniyang paaralan sa iba’t ibang patimpalak sa iba’t ibang lugar.

Muling sinubok ang sarili nang mag apply sa Freeman Asian scholarship sa isang sikat na unibersidad sa Amerika o mas kilalang Wesleyan University

Sinabi niya na “I grew up on a farm, Kung makita ko ang akon mga kaingud balay, kag akon family, na indi man gid ka as rich and as high social status, nasubuan gid ako.

Gusto ko na ma-experience man nila ang life na sang, at least, middle-class na Filipino.”

Siya ay nakapasa at nabigyan ng scholarship na may halagang 300,000 dollars o mahigit sa 15.7 million pesos.

Hindi rin magtatagal, magbubunga ng higit pa ang kaniyang mga pinag hihirapan.

Tunay nga ang angking talino at kasipagan ang isa sa mga susi upang makamit ang tagumpay. Hindi dahilan ang kahirapan upang hindi na ipagpatuloy ang iyong pangarap.

Post a Comment

0 Comments