Looking For Anything Specific?

John Lloyd Cruz, naging emosyonal ng makatanggap ng halik at yakap mula sa kanyang anak na si Elias Modesto

Mukhang finally ay nakasama na ni John Lloyd Cruz ang anak na si Elias sa pagdiriwang kahapon ng Father’s Day.

Nakakatuwa namang makita ang first-time dad na si John Lloyd Cruz habang pasan sa kanyang balikat ang anak na si Elias.

Sa isang litrato na ibinahagi ng aktor kahapon sa pagdiriwang ng Father’s Day.

Ibinahagi ni John Lloyd ang black-and-white picture sa Instagram nitong Hunyo 20.

 

Walang caption ang post ni John Lloyd at binigyan lang niya ng credit ang kumuha ng larawan nilang mag-ama.

Makalipas ang ilang oras ay nakitang nasa Boracay pa la ang A-list actor at ang kanyang unico hijo.

May video din na viral ngayon sa social media kung saan tila naging emosyonal ang aktor.

Ito ay nang makatanggap siya ng halik at yakap mula sa kanyang anak.

 

Sa nasabing video ay makikitang makikipag-high five sana si John Lloyd kay Elias ngunit isang matamis na halik ang ibinigay ng kanyang anak.

At sinundan pa ito ng napakahigpit na yakap. Tila nagpapakita na miss na miss nila ang isa’t-isa.

Matatandaang noong first week of June ay nag-post si JLC na nami-miss na niya ang anak.

Maraming netizens naman ang na-touch sa video ng mag-ama. May ilan pa ngang tumulo raw ang luha ng mapanood ang kanilang video.

Nagpasalamat naman ang ilan kay Elias dahil ito daw ang naging instrumento para magbalik showbiz muli si John Lloyd.

Matatandaan sa kanyang mga nakaraang panayam, inamin ng aktor na masarap talaga sa pakiramdam ang maging isang ama pero hindi ito ganoong kadali.

Sinabi din niya na ang kanyang anak ang nagbibigay kulay ngayon sa kanyang buhay.

Larawan ni John Lloyd Cruz kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto na nakasakay sa Hilicopter umani ng maraming reaksyon ngayon

A good example of a father figure.

Tila ganito ilarawan ng mga netizens ang A-List actor na si John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang ay namataan si John Lloyd sa Puerto Galera, sa beach resort na pagma-may-ari ni Willie Revillame.

Kung saan kasama niya din ang mga premyadong direktor at producer na sina Bobot Mortiz, Cathy Garcia Molina at Malou Santos.

Na mas lalong nagbigay excitement sa kanyang mga fans dahil sa muling pagbabalik niya sa industriya ng showbiz.

Tila may niluluto na daw agad na proyekto para sa kanyang showbiz comeback.

Ngunit mas kinagiliwan ng mga netizens ang litrato kung saan kasama ni John Lloyd ang kanyang anak.

Viral nga ngayon online ang litrato nila ni Elias Modesto kung saan nakasakay sa helicopter ang mag-ama.

Sa nasabing litrato makikitang nakayakap si John Lloyd kay Elias habang cute na cute na naka-smile naman sa camera ang kanyang anak.

Hindi man malinaw kung saan pupunta ang mag-ama, hinid maiwasan ng mga netizens na maging masaya sa bonding nila.

Kung matatandaan sa mga nakaraang panayam ni Ellen Adarna, inilarawan niyang “present father” si John Lloyd sa kanilang anak.

Inulan naman agad ng maraming reaksyon ang litrato nina John Lloyd at Elias.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“good job lloydi mahirap na ibang ama ang kilalanin ng anak mo pogi pa naman! enjoy your time”

“atlest hnd ni pinag damot ni ellen ang anak nya sa tatay yong ibq kac pinag damot yong anak”

“ang sweet naman ng mag-ama”

“Happiest John Lloyd with his own son Elias, I can see his glowing eyes and I can feel his loving heart as a father.”

Sa panayam naman ni John Lloyd sa Radyo Kidlat 98.3 FM noong Sabado, May 16, inilahad niya na utang niya ang kanyang bu’hay sa kanyang anak.

The post John Lloyd Cruz, naging emosyonal ng makatanggap ng halik at yakap mula sa kanyang anak na si Elias Modesto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments