Looking For Anything Specific?

Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May Maipambili Ng Kanyang Gamot

Dulot ng kahirapan maraming mga Pilipino ang nagtitiyagang maghanapbuhay para lang kumita ng pera. Hindi na nagiging basehan ang edad sa paghahanapbuhay upang mabuhay lamang sa araw-araw. Upang matustusan ang mga pangangailangan kahit ang makikipagsapalaran sa kalye ay walang pag-alinlangang gagawin.

Katulad na lamang ng isang matandang lalaki na sa kabila ng kaniyang kalagayan ay pinipilit niyang maghanapbuhay upang makabili lang ng kaniyang gamot para sa araw-araw. Ibinahagi sa social media ang kwento ng matandang lalaking ito na namataan na naglalako ng mga basahan sa kalye kahit na tirik na tirik ang araw. Ayon sa nagbahagi ng kwento ng matanda, kapansin-pansin na hirap na ito sa paglalakad at napag-alaman pang siya ay may sakit. Ngunit hindi daw ito alintana sa matanda, dahil kinakailangan umano niyang makabenta upang may pambili siya ng kaniyang gamot na kaniyang iniinom araw-araw.

Ang matandang lalaking ito ay makikitang nagbebenta sa Pasig, siya ay naglalako sa bandang palengke at ang kaniyang basahan ay ibinebenta niya sa halagang 20Php. Sa kabila ng kaniyang kalagayan, pinipilit niya pa rin ang maghanapbuhay upang matustusan lang ang kaniyang kalusugan. Kahit na lubhang napaka-delikado para sa kaniya ang nasa labas hindi na iyon mahalaga sa kaniya ang importante ay mayroon siyang maiuwing pera at matugunan ang kaniyang mga pangangailangan lalo’t higit na ang kaniyang gamot.

Kaya ipinanawagan sa publiko ang mga taong may mabubuting puso na matulungan ang matandang lalaking ito na maubos ang kaniyang mga paninda upang siya ay makauwi na sa kanilang tahanan at makapagpahinga.

Source: Raffy Tulfo In Action

Sa awa ng Diyos ay natulungan din si Lolo ni Idol Raffy Tulfo, Binigyan siya ng negosyo at apartment. Tunay ngang hindi tulog ang Poong Maykapal at gumagamit ng mga instrumento upang makalasap ng ginhawa ang mga kaawa-awang tao. Sana ay dumami pa ang mga taong matulungin sa mundo.

Isang matandang lalaking pinalayas ng anak, Umiiyak sa gilid ng kalsada

Sa Pilipinas, natural ang pagsasama ng buong pamilya-mula sa Lolo at Lola hanggang sa mga apo. Likas saatin ang pagmamahal sa ating mga nakakatanda di tulad sa ibang bansa. Simula pagkabata ay ito na ang ating kinalakihang tradisyon. Ngunit sa paglipas ng panahon, napaparami na ang mga balitang iniiwan na lamang ang matatanda sa ibang lugar kadalasan pa ay sa kalsada.

Nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang matandang may sakit na umiiyak dahil sa pinalayas at inabandona na lamang sa kalsada. Mabilis itong kumalat dahil sa mga shares ng concerned netizens.

Napag-alaman na pinalayas umano siya ng kaniyang anak. Natagpuan umano ang umiiyak na matanda sa gilid na kalsada sa Balibago, Sta. Rosa, Laguna. Isang nakakalungkot na pangyayari nga ito na umani ng samut-saring reaksyon mula sa netizens.

Photo: Facebook/Araman Lat

Hindi sila makapaniwala na kaya itong gawin ng isang anak sa kaniyang magulang na nagbigay buhay sa kaniya. Kahit na ano pa man ang dahilan mabuti man ang ginagawa ng kanilang magulang o masama ay hindi tamang palayasin at abandunahin nila ang kanilang mga magulang sa kalsada lalo na kung ito ay matanda na.

“Baka po may nkka- kilala kay taytay sya po ay taga batangas.sya daw po ay pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po po”  Heto ang naging kabuuang post ni Araman Lat na nagbahagi ng larawan ng nakakaawang matanda. 

Bilang isang anak ay hindi tamang isukli ang ganitong gawain sa mga magulang kahit na may nagawa man itong mali. Mag-silbing aral ito sa mga anak na naway intindihin na lamang sapagkat matanda na ang kanilang mga magulang at hindi tama na palayasin kahit ano pa man ang nagawa nito. Mahalin natin ang ating mga magulang.

Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Maâ„“aman ang Kaâ„“agayan ng Isang Lola

Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,

“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awÃ¥ na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.

“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. ‘Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?’ Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. P@tay na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.
“Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin.”

The post Hinangaan At Kinaantigan Ang Isang Lolo Na Nagbebenta Ng Basahan Upang May Maipambili Ng Kanyang Gamot appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments