Hindi umano pinagsisisihan ng vlogger na si Tim Sawyer ang naging hiwalayan nila ng dating kinakasamang si China Roces.
Sa eksklusibong panayam ni Tim Sawyer sa KAMI ay ipinahayg nito ang kanyang nararamdaman.
Sa on-going na kaso niya na isinampa ni China Roces.
Ayon kay Tim, ang mga akusasyon diumano ni China na sinasaktan niya ito ng pisikal ay wala umanong katotohanan.
“Nagsampa talaga siya ng kaso ang ‘di lang totoo yung pinagsasabi niyang guilty daw ako. ‘Di pa umakyat ng court yung kaso namin,” saad ni Tim.
Ibinahagi din niya na wala umano siyang pinagsisisihan na nagkahiwalay sila ni China dahil hindi na daw talaga niya ito mahal.
“Wala ako pinagsisisihan sa paghihiwalay namin. Ayoko na kasi talaga sa kanya, as in legit,” paliwanag ni Tim.
Para naman sa paparating na Father’s Day isa lamang daw ang hiling ni Tim.
At ito ay ang makasama niya ang kanyang anak kay China, “Makita ang anak ko… Di niya pinapakita sa akin yung bata.”
Matatandaan noong Agosto nakaraang taon ay nayanig ang mundo ng social media matapos maglive si China Roces sa mismong page ng kanyang partner vlogger na si Tim Sawyer.
Isiniwalat niya na nais ni Tim na hiwalayan at iwan silang mag-ina. Inilabas din niya ang issue patungkol sa kitaan ng kanilang mga vlogs na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo.
Hindi rito huminto ang kanilang pag-aaway at nauwi na nga sa hiwalayan.
Ilang buwan ang nakalipas ay tuluyan na ngang sinampahan ng kaso ni China si Tim Sawyer.
Tim Sawyer, nagsalita na tungkol sa paratang ng kanyang dating asawa na si China Roces matapos makatanggap ng warrant sa NBI
Naglabas na ng kanyang saloobin ang vlogger na si Tim Sawyer matapos masampahan ng kaso at maaresto.
Kamakailan nga ay usap-usapan ang paghahain ng warrant of arrest kay Tim Sawyer.
Ito ay kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ng dating live-in partner at kapwa vlogger na si China Roces.
Kung matatandaan ay nakapanayam noon ni Raffy Tulfo ang magkasintahan sa kanyang programa.
Dito ay nagka-ayos ang dalawa na nagkaroon ng hidwaan dahil umano sa pera.
Ngunit ilang buwan ang lumipas ay mas lalo raw lumala ang hindi magandang pag-uugali ni Tim na nauwi pa sa pananakit.
Kaya naman noong Enero nitong taon ay napagasyahan na ni China na ituloy ang kaso laban kay Tim.
At nitong May 27 nga ay naglabas na ang korte ng Trece Martires sa Cavite ng warrant of arrest para kay Tim.
Pinuntahan siya ng NBI sa dalawa umano nitong tinutuluyang bahay sa Cavite subalit nabigo ang mga itong matagpuan si Tim.
Siya ay pinatawan ng kasong Republic Act 9262 o ang Anti-V!0lence Against Women and Their Children Act.
Ang abogadong tumayo para kay China ay si Atty. Gareth Tungol ng Raffy Tulfo In Action.
Nang makapanayam naman ni Tulfo si Atty. Garreth Tungol, sinabi nitong nakapagpiyansa si Tim at nag-voluntary surrender ito.
Dagdag pa ni Atty. Garreth, 3 counts ng physical abu’se ang isinampang kaso sa vlogger kung saan maari siyang makulong ng anim hanggang walong taon.
Samantala, sa pamamagitan ng social media post ay tila nagbahagi na ng kanyang pahayag si Tim ukol dito.
Shinare niya ang isang video na naglalaman ng tungkol sa online search warrant diumano para sa kanya.
“DI TALAGA DAPAT.. SALAMAT SA GUMAWA NG VIDEO NATO PARA MA LIWANAGAN NAMAN MGA TAO ANO TALAGA NANG YARE DITO SA ONLINE CIRCUS NA GINAWA NG EX KO SAKIN..” saad ni Tim.
The post Tim Sawyer, inaming walang ano mang pagsisisi sa paghihiwalay nila ng dating kinakasamang si China Roces appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments