Mayroong iba’t ibang paraan ng pag iipon. Maaaring sa banko o di kaya man sa alikansya.
Mahirap iwasang gastusin ang mga perang iyong nakikita. Nakakatukso ito at sa huli, hindi ka din makakaipon.
Ang kagandahan sa pag-iipon ay mayroon kang pera kung sakali mang may biglaang pangyayari o di kaya man ay may gusto kang bilhing bagay.
Mayroong iba’t ibang klase ng alikansya. Mayroong plastic, babasagin o di kaya man ay alikansyang gawa sa kawayan.
May isang mapag malasakit na netizen na nag bigay ng babala para sa lahat sa pag gamit ng alikansyang gawa sa kawayan.
Ibinahagi ng isang Facebook page na Walwal ang mga litrato at larawan ng mga perang papel na sira- sira dahil kinain ito ng anay sa loob ng alikansyang gawa sa kawayan.
Ayon dito, talagang mga barya lamang ang pwedeng ihulog sa ganitong klase ng alikansya
Mayroong pang mas nakakapang hinayang na larawan na kung saan makikita na ang mga 1000 peso bills ay kinain din ng mga anayy. Naroon din ng napaka raming tig 50 at tig 100 na perang papel.
Nakalagay sa caption na “Huwag maglagay ng Perang Papel sa Bamboo Alkansya, Coins lang para di anayin”
Ang inaasahang matagumpay nap ag iipon ay nawakasan. Hindi naging magandang ideya ang pag lalagay ng perang papel sa alkansyang ito pagkat ito ay takaw anay. Ang post na ito ay umalarma sa mga netizens na nakabasa.
Huwag sayangin ang pera. Maging maalam sa pektibong paraan ng pag iipon.
0 Comments