Ang pag-iipon at pagtitipid ay hindi biro lalo na ngayon na sobrang hirap ng buhay.
Kaya naman kung ikaw ay nakakapagtago ng ipon malaki o maliit man ay napaka-importante na dahil hindi natin malalaman kung biglaang may emergency anumang oras o araw at kakailanganin natin ang Perang ito.
Samantala, kung pag-uusapan ay ang ipon Labis na nakakalungkot ang nangyari sa isang 95 taong gulang na lola.
Aksidente niya kasing naitapon ang kanyang perang naipon sa Apøy. Umaabot ng Php14,000 ang pera na ilang buwan din na kanyang inipon.
Ang naturang kwento ni Lola ay ibinahagi ng netizen na si SarahLie Gahis De Guzman sa mismo niyang Facebook Account.
Ayon kay De Guzman napagkamalan daw ni Lola Honarata Gahis na panggatong ang kanyang wallet kung saan narito ang lahat ng kanyang ipon.
Ayon pa dito, nang mga oras daw na iyon ay nagsasaing si Lola Honorata nang big la niyang maihagis ang kanyang wallet sa apøy.
Huli na noong napansin niya ito kaya naman hindi na niya naisalba ang pera na kanyang pinaghirapan na ipunin ng ilang buwan.
Makikita sa mga larawan na sunog na sunog ang mga Perang papel na nagkahati-hati pa na ang karamihan ay isang libong papel. Ang iba pa nga ay halos naabo na.
Samantala, Nanawagan naman si DeGuzman sa Bangko Sentral ng Pilipinas na sa pamamagitan ng kanyang post ay matulungan sila nito na sanay ay mapalitan ang perang aksidenteng nasunog ni Lola Honorata.
“Sana po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kung ito po ay pwede pang mapalitan… dahil sya po ay nagsasaing ng mga oras na nangyari po ‘yon,” giit pa ni De Guzman sa kanyang post.
Sa edad ni Lola Honorata na 95 taong gulang ay hindi na maiiwasan ang pagiging makalimutin, Kaya naman sana ay mayroong mga mabubuting puso na makabasa ng kwento ni Lola Honorata at ito ay matulungan.
0 Comments