Looking For Anything Specific?

Isang Ama Hinangaan Nang Mapagtapos Ang Kanyang 4 Na Anak Sa Pagbebenta Ng Tali Sa Buhok

Ititinuturing ng marami ang kanilang mga ama bilang isang superhero dahil ginagawa ng ama ang lahat upang mabuhay ang kaniyang pamilya at ang ilan ay nagsusumikap para maiahon sila sa kahirapan na di matutumbasan ng kahit na sinuman. Nagtitiis ng hirap at pagod sa pagtatrabaho ang mga responsableng ama dahil gusto nilang bigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak dahil pangarap ng isang ama ang makita ang kaniyang mga anak na makapagtapos at maabot ang mga pangarap nito sa buhay.

Isang ama na naman ang nagviral dahil sa pagsusumikap nitong pagbebenta ng mga scrunchies, ang litrato ni tatay Geronimo ay kuha at ibinahagi ni Krissa Mae Nieverra sa social media. Naglalakad raw noong araw na iyon si Krissa Mae sa Puregold monument ng makita niya si tatay Geronimo na naglalako ng mga tigsasampong pisong scrunchies. Mura man ang kaniyang paninda ay may magaganda naman itong kalidad.

Kilala si tatay Geronimo bilang isang masipag at mapagmahal na ama sa kaniyang mga anak at dahil dito nagbunga ang pagsusumikap ng isang mabuting ama dahil nakapagtapos ang kaniyang apat na anak dahil sa kasipagan niya.

Sobra ang tuwa at proud na proud si tatay Geronimo sa kaniyang mga anak ngunit mas proud ang kaniyang mga anak sa kaniya dahil iginapang niya at pinagsumikapang matustusan ang mga pangangailangan lalo na sa pag-aaral ng kaniyang mga anak. Sobrang nagpapasalamat ang kaniyang anak sa mga magagandang komentong natatanggap nila sa litrato ng kanilang ama. Pinatunayan ni Tatay Geronimo na kayang tiisin ng ama ang lahat ng pasakit at danasin ang mga paghihirap upang maging maayos lamang ang buhay ng kanilang mga anak.

Hindi dapat ikinahihiya ang trabaho ng ama bagamat dapat na ito’y ipagmalaki dahil ito’y isang pagpapakita na pagmamahal ng isang ama. Kaya sa mga tulad ni tatay Geromino nawa’y magkaroon pa kayo ng napakaraming taon sa inyong buhay upang masaksihan niyo pa ang mga magagandang at mahahalagang mangyayari sa inyong mga anak.

Mga Anak Ng Isang Tricycle Driver at Mananahi, Pinatayuan Ng Mansyon Ang Kanilang Magulang

Ang mga magulang ay nagsasakripisyo para sa kanilang mga anak, kahit anong hanapbuhay ay kanilang pinapasok upang matugunan lang ang bawat pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi na alintana sa kanila ang pagod at hirap, dahil ang tanging mahalaga sa kanila ay ang maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak at makita itong maging matagumpay sa buhay.

At bilang anak, mas masarap sa pakiramdam na nakamit mo ang tagumpay dahil sa pagsusumikap. Lahat ng tao ay may kwento ng tagumpay sa buhay mula sa hirap patungo sa nakamit na magandang kinabukasan. Sa Facebook Page ng Peso Sense, kanilang ibinahagi ang kwentong tagumpay ng apat na makakapatid na anak ng isang tricycle driver at isang mananahi.

Ayon sa kanilang post, ang apat na magkakapatid na ito ay naging working student habang sila ay nag-aaral sa kolehiyo. Dahil hindi sapat ang kinikita ng kanilang mga magulang sa pamamasada at pananahi, kaya naisipan ng magkakapatid na ito ang magtrabaho habang nag-aaral. Para makatulong na rin sa kanilang gastusin sa araw-araw. Kaya nagsumikap silang makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo at sinikap din nilang makapasa sa board exam. At sa awa ng Diyos ang apat na magkakapatid na ito ay naka isang take lang ng kanilang board exam.

Ngayon ang magkakapatid na ito ay may magaganda ng trabaho, ang panganay na anak ay isa ring Electrical Engineer, ang ikalawa naman ay isang Civil Engineer, ang ikatlo naman ay isang Math Teacher at ang kanilang bunso ay isang Mechanical Engineer. Ayon sa panganay ng magkakapatid, binabalikan nila ang kanilang buhay noon kung paano sila natutulog sa sala ng kanilang bahay kung saan sila ay nagsiksikan pa. Pero ngayon, may kaniya-kaniya na silang mga magagandang kwarto dahil pinagawan nila ng napakalaking bahay ang kanilang mga magulang bilang kanilang pasasalamat sa lahat ng sakripisyo at para lang maitaguyod sila sa araw-araw ng kanilang mga magulang.

Ang kanilang natamong tagumpay sa buhay ay isang patunay na walang imposible sa pag-abot sa mga pangarap. Sa tulong na rin ng Diyos, sila ay nagabayan na huwag sumuko sa pagkamit ng kanilang tagumpay sa kabila ng mga paghihirap na kanilang naranasan sa buhay.

Maraming mga netiznes ang na inspire at sumaludo sa naging sipag at tiyaga ng kanilang mga magulang na sa kakarampot nilang kita ay napagtapos nila ang kanilang mga anak. Sa pagbabago ng panahon, anak naman ang magbabalik ng kanilang pagmamahal para sa bawat sakripisyo ng kanilang mga magulang. Ito ay bilang pasasalamat natin sa lahat ng hirap na ginawa ng ating mga magulang para sa atin.

The post Isang Ama Hinangaan Nang Mapagtapos Ang Kanyang 4 Na Anak Sa Pagbebenta Ng Tali Sa Buhok appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments