Hindi madali ang buhay ng isang ina. Bukod sa pag-aalaga ng iyong mga anak, kailangan mo ring mag-asikaso ng mga gawaing-bahay. Mas lalo itong mahirap para sa mga working moms, na pinagsasabay ang kanilang trabaho at pagiging housewife. Kaya naman karamihan sa mga celebrity moms ay kumukuha ng kasambahay para maibsan ang kanilang mga gawain.
Isa na sa kanila ay ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. Bilang artista, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na talagang busy ang schedule ni Mariel. Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa kanilang mga trusted yaya na siyang nag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriella.

Kamakailan lang, ipinakita ni Mariel ang kanyang appreciation sa kanilang mga kasambahay. Sa kanyang latest vlog, ipinahayag ng “It’s Showtime” host na pansamantalang umalis ng bahay ang kanilang mga kasambahay dahil sa swab test, kaya naman siya lang mag-isa ang naiwang mag-alaga sa kanyang mga anak.
Si Robin naman ay nasa kabilang bahay nila, kung kaya’t hindi siya nito matulungan sa pagbabantay. Dahil dito, walang ibang choice si Mariel kundi tapusin ang lahat ng mga gawaing bahay nang mag isa lang siya. Kasama na dito ang pagbabantay kay Isabella at Gabriella.


Unang inasikaso ni Mariel ang kanyang mga anak. Ginising niya ang mga ito at pinakain niya. Matapos iyon ay naglinis naman si Mariel sa kanilang bahay at naghugas na rin siya ng pinggan. Talagang ramdam ni Mariel ang hirap nang walang katuwang sa bahay.
Kaya naman nang makabalik na ang kanyang mga kasambahay ay labis ang tuwa ni Mariel! Aniya, hindi talaga biro ang pagiging full time mom, kaya naman saludo rin siya sa lahat ng mga nanay na nagagawang pagsabayin ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Mariel Padilla, hinangaan ng marami dahil sa pagiging hands-on nito sa kanyang kauna-unahang negosyo na imported na baka
Talaga nga namang kinarir na ni Mariel Rodriguez ang pagiging negosyante.
Sa kanyang latest vlog na may title na “MAY pera sa baka, negosyo ni Cooking Ina”
Ipinakita ni Mariel ang kauna-unahan niyang negosyo.
Ito ay ang pagbebenta ng imported na baka mula sa mga bansang Australia at Brazil.
Sa ilang taong hinihikayat ng lolo at lola niya si Mariel Rodriguez na ipagpatuloy ang negosyong pagbebenta ng imported beef ay ngayon lang nito napag-isipan na tanggapin.

Habang parami nang parami ang nagiging vegan lately, karneng baka naman ang business ni Mariel Rodriguez-Padilla ngayon.

At hindi ordinary na karneng baka, rib eye and Picanha steak, sa kanyang cooking ina food market.

Dahilan ni Mariel kaya niya pinasok rin ang pagnenegosyo dahil pangarap daw talaga niya ito.

At pangarap din ng kanyang lolo at lola na siya ang magpatuloy ng kanilang negosyo.


Isa rin sa mga dahilan kay nagpupursige siya ay dahil gusto niyang ipasok sa magandang eskwelahan ang kanyang mga anak.

Nahihiya na din daw siya sa asawa niyang si Robin at gusto niya ay may ambag din daw siya sa pamilya nila.

Pero siyempre, bago naman ito sinimulan ni Mariel ay may inspirasyon siya.

Ang pagiging masipag ng grandpa at grandma niya ang isa sa mga inspirasyon din niya, “I grew up with my lolo and lola, every single day ‘yun and up to this day, nagtatrabaho sila.”

Aminado pa ang TV host na hindi madaling magsimula ng negosyo.

Dahil nga malaking puhunan ang ilalabas mo at hindi naman sigurado kung mababalik kaagad ito.
Marami namang netizens ang humanga sa kasipagan ni Mariel.
Kahit busy siya sa kanyang negosyo ay hands-on mommy pa din siya sa kaniyang pamilya.
Panoorin dito ang kanyang video:
Salute sa mga working mommies!
The post Mariel Rodriguez, Ramdam ang Hirap ng Pagiging Ina Matapos Umalis ang Kanyang mga Kasambahay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments