Looking For Anything Specific?

Isang Babaeng Customer Ng Jollibee, Nag-iwan Ng Madamdaming Sulat Sa Isang Tissue Na Siyang Ikinaiyak Ng Crew Na Nakabasa Nito

Naging viral kamakailan ang fastfood chain ng Jollibee dahil sa kanilang kumalat na isyu patungkol sa kanilang fried towel. Kaya halos naapektuhan ang nasabing branch ng fastfood chain na ito. May mga taong negatibo ang kanilang komento mayroon din namang ipinagtanggol din sila, dahil malaki ang naitutulong din naman nila sa ekonomiya ng bansa.

Pero magkaganoon pa man, marami pa rin naman ang tumatangkilik sa kanilang serbisyong hatid lalo na ang kanilang mga loyal customer. Ngunit, sa kanila namang tagline na ‘Bida ang Saya’ isang nakakalungkot na mensahe sa isang sulat ang natanggap ng mga staff ng isang Jollibee branch.

Dahil ang sulat na ito ay isang pamamaalam ng isang babaeng customer na idaanan na lamang sa sulat ang kaniyang mensahe. Noon lamang nakaraang buwan, isang staff ng Jollibee sa Taguig City, ang nakabasa ng mensahe ng babae at habang binabasa nga ito ng staff ay naantig ang kaniyang puso.

Ang sulat na ito ay ibinahagi ng isang staff ng Jollibee na si Mark Noguera sa kaniyang facebook account. Ayon kay Mark, ang babaeng ito sa tingin niya ay nasa 20-taong gulang na. Umupo raw ito sa isang bakanteng lamesa bandang alas-tres ng hapon sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig City. Nang matapos daw itong kumain ay pinuntahan niya agad ang lamesa nito upang magligpit at maglinis. Habang ito nga ay nililinis ni Mark, ay napansin niya ang isang tissue na may sulat na nakalagay lamang sa lamesa. Dahil sa kaniyang pagtataka kung ano ang nakasulat, ay kaniya itong binasa at dito niya napagtanto na ang sulat ng babae para talaga sa Jollibee.

Narito ang kabuuang mensahe sa sulat ng babae:
“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C–R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)”
Matapos itong mabasa ni Mark, tila nadurog ang kaniyang puso pati na rin ang kaniyang mga kapuwa crew na nakabasa rin nito dahil nga sa malungkot na mensahe na iniwan ng babae.

Kaya nang ibinahagi ito ni Mark sa social media, ito naman ang kaniyang naging caption:

“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”

Pati ang mga netizens ay napaantig din ang kanilang mga puso dahil sobrang lungkot na kaniyang mensahe. Isa rin itong patunay kung gaano kagusto ng babae ang serbisyo ng Jollibee.

Isang Hindi Kilalang Babae, Pinakain Ang Mag-amang Gutom Na Gutom Na Sa Jollibee

Talaga nga namang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin ang ating mga kababayan na pinipili pa din na maging mabuti at magbigay ng tulong para sa mga kapwang nangangailangan sa kabila ng mga pagsubok at problema na kinakaharap natin ngayon.

Katulad na lamang ng kabutihang ginawa ng babae na ito matapos ilibre ng makakain ang mag-amang pulubi na gutom na gutom.

Ayon sa post ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita umano ng babae ang mag-ama na namamalimos sa labas ng Jollibee kaya naman walang pag aalinlangan niyang pinapasok ang dalawa sa naturang fast food restaurant at ilibre sila ng makakain.

 

Dagdag pa ni Alexiefe, marami umano ang umiwas sa mag-ama dahil sa kanilang hitsura ngunit ang babae ay hindi nagdalawang isip na tulungan sila.

Ang mag-ama ay gutom na gutom na din daw dahil malayo pa ang kanilang pinanggalingan. Naglalakad lamang sila dahil wala silang sapat na pera para mamasahe pa.

Bukod sa pagkain na ibinigay ng babae sa mag-ama, binigyan niya din ang mga ito ng kaunting pera upang sila ay mabilis ng makarating sa kung saan man sila pupunta.

Lubos naman ang pasasalamat ng matandang lalaki para sa babae dahil sa kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita nito sa kanila kahit pa man ganoon ang kanilang hitsura.

Narito ang kabuuang post:

“Guys.. pasikatin natin itong babae..

“Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe, pero itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe, labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa’yo! nawa’y pagpalain ka ng Poong may Kapal.. thumbs up”

 

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawa ng hindi pa nakikilalang babae na hindi man lang nagdalawang isip na tulungan ang mag-ama.

Jollibee Service Crew, Kinamanghaan ng mga Netizens Matapos na Gawin Ito sa Isang Matandang May Kαραnѕαnαn!

Marami sa atin ang may pinagdadaanan sa buhay ngunit mahiråp man ay nananatili pa rin ang mga Pinoy na magpatuloy at maging positibo sa buhay. Sa araw-araw na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay marami pa rin ang may mabubuti ang kalooban. Isa na rito ang Jollibee Service Crew na naaktuhang tumutul0ng sa isang matandang ℓαℓαкι nα мαy kαραnѕαnαn.

Pauwi na ng mga oras na iyon ang service crew nang makita niya ang lalaking may кαραnѕαnån na tila gut0m na gut0m na at mukhang kulang din ang kanyang pera para makabili ng pagkain.

Dahil dito, inabonohan na lamang ng service crew ang pagkain ng lalaki. hiråp na rin itong sumubo kaya naman tinulungan pa siya ng service crew na makakain.

Marami ang lubhang namangha sa ginawa ng service crew. tunay nangng lamang ang kabutihan ng mga Pinoy. Saludo kami sa’yo kuya!

Narito naman ang ilang komento sa naturang post:

“Sana lahat tayo maging mabait at matulungin sa ating kapwa upang tayo ay kalugdan ng DIYOS higit pa sa ating naiitulong ang ipagkakaloob niya sa atin”

“Sana lahat ng jolibee crew ganyan…god bless always guapo”

The post Isang Babaeng Customer Ng Jollibee, Nag-iwan Ng Madamdaming Sulat Sa Isang Tissue Na Siyang Ikinaiyak Ng Crew Na Nakabasa Nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments