Hindi makapaniwala ang marami sa lumabas na balita tungkol sa isang kalapati, Dahil di umano ang isang kalapati ay naibenta ng P91 milyon!
Isang chinese ang hindi nagdalawang isip na gumastos ng malaki na tumataginting na $1.9 Milyon o mahigit P91 Milyon para sa isang kalapati.
Ayon sa ulat ng Forbes, Isang babaeng kalapati na may lahing Belgian-breed pigeon ang binili ng hindi nagpakilalang Chinese, ang beldan breed pigeon ay kilala sa mundo bilang pinakamagaling at mabilis sa karera ng kalapati.
Ang naturang kalapati daw ay inilagay sa isang Auction, umabot daw sa $1.5 milyon ang bid sa kalapati sa loob ng dalaaang linggo.
Ang pigeon na nabenta ng P91 milyon ay nakilala bilang ‘Armando’.
Si Armando daw ang tinaguriang best long distance racing pigeon of all time. Nanalo na raw ito ng madaming karera at marami na rin nalagpasan na mga records.
Ang kalapating si Armando ay may limang taon na, sinasabing ito ay mayroong napakalakas na pakpak at matalas na sense of direction.
Nabili si Armando ng isang taong mahilig sa karera ng mga kalapati.
Ang naturang kalapati ay inalagaan sa Belzika ng isang 63 taong gulang na si Joel Verschoot, na nagsasabing alam niya ang lahat ng pangalan ng kanyang 500 mga ibon.
Naging tanyag at sikat ang karera ng pigeon sa mga nagdaang taon, Partikular na sa bansang China, kung saan nagbabayad ang mga racer ng malaking halaga para sa mga premyong ibon.
Ayon pa sa naging balita tungkol sa kalapati, Dalawang mayaman na chinese daw ang naglaban at nagpataasan ng bid kaya daw naging record-breakint ang naturang kalapati.
Sinasabi rin na ang kalapating si “Armando” ay noong dalawang taong gulang palang ay pinagretiro na sa pangangarera matapos kilalanin bilang “The Best Young Pigeon” sa belgium.
0 Comments