Looking For Anything Specific?

Isang Lalaki, Nakapagpatayo ng Isla at Bahay gamit ang mahigit 100,000 piraso ng Plastic Bottles.

Usap-usapan ngayon ng mga netizens sa social media ang isang lalaki, ito ay matapos makapagpatayo ang naturang lalaki ng isang bahay gamit lamang ang mahigit 100,000 na mga plastic bottles.

Ang lalaki ay nakilalang si Richart Sowa, 61 taong gulang. Siya ay isang environmentalist at architect. Naisipan ni Richart na gumawa ng isang “artificial floationg island” na gawa sa 150,000 piraso ng mga plastic bottles.

Kasabay nito dito na rin niya itinayo ang kanyang bahay noong 2008 at hanggang ngayon ay dito pa rin siya naninirahan.

Ayon sa kwento ni Richart, taong 2015 nang simulan niya ang paggawa ng “artificial” na isla. Ngunit dahil sa mapaminsalang panahon ito ay nasira.

Bukod dito naapektuhan din ang isang maliit na isla na siya rin mismo ang gumawa na tinatawag niyang “spiral island”.

Ngunit sa kabila ng mga nangyari ay hindi pa rin sumuka sa kanyang pangarap at plano si Richart. Sa kanyang ikatlong pagkakataon ay gumawa siya ng isang lagoon.

Dahil sa tulong ng karpintero nakabuo si Richart ng matibay nitong pundasyon na may habang 25 meters na hindi raw basta-basta magigiba ng anumang bagyo.

Dagdag pa ni Richart, mas matibay pa raw ito kaysa sa frame na gawa sa mga kawayan na nilalagyan pa ng kahoy at buhangin. Naglagay rin si Richart ng sandamakmak na plastic bottles na magbibigay ng suporta sa kanyang bahay para kahit ano pang bagay o gamit ang ipasok dito.

Makalipas ang pitong taon, natupad na ang pangarap ni Richart na mabuo ang kanyang “floating island” at ito ay tinawag niyang “Joyxee Island.”

Ang naturang bahay na itinayo ni Richart ay mayroong tatlong palapag na gawa naman sa mga shells. Sa loob nito ay mayroong dalawang bedrooms, tatlong showers, kysina at isang wave-powered washing machine nakakonekta din sa isla ang 100-ft na cable nagbibigay ng supply ng kuryente, internet access at tubig.

Hindi lang yan, mayroon din itong filtered piol kung saan dito na liligo si Richart, mayroon din nakahiwalay na isa pang poll na nagsisilbi naman nitong Hot Tub.

Sa Isla ni Richart, nagtanim din siya ng ibat-ibang halaman, mula sa mga namumungang Puno hanggang sa maliliit na halaman. Ito daw ay dahil gusto niyang punan ang kaniyang sariling pangangailangan gamit lamang ang sariling kakayahan.

Ayon kay Richart , “My plan is to become self-sufficient. I am vegetarian, and have many plants growing on the island which I eat, but for more variety I go by bicycle to the newrby local shop. I have ferry I also made from plastic bottles, which can carry up to eight people to and from the shore.”

Para naman sa isang Mexian Authority na kung tawagin ay “sobify”, ang ginawa ni richart na “man-made island” ay itinuturing na isang “eco-boat”.

Sa madaling salita kinakailanhan pa rin ni richart na sumunod sa patakaran ng boatig rules. Kung kaya dapat ay makikitaan ng mga emergency equipment ang “Joyxee Island” tulad ng ring bouys, fire extinguisher at emergency kits.

At ngayon hindi na nag-iisa si Richart sa kanyang Isla, dahil taong 2014 ay nakilala niya sa Facebook si Jodi Bowlin, 42 taong gulang isang dating japanese supermodel.

Ang dalawa ay masayang nagsasama ngayon sa isla , malaki daw ang naitulong ni Bowlin isla dahil lalo raw itong gumanda ng ito ay lagyan nila ng “woman’s touch”.

Post a Comment

0 Comments