Looking For Anything Specific?

Lihim na pintuan na nakita sa gitna ng kagubatan, ikinagulat at kinilabutan nang makita ang hitsura sa loob

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang mundo ay madami nang pinag daanang kasaysayan na magpasahanggang ngayon ay nakatatak at itinuturo pa sa eskwelahan.

Ngunit ang iba ay nananatili pa ding malaking katanungan. Mabuti na lamang ay may mga taong handang isakripisyo ang kanilang sariling kaligtasan upang matunghayan at madiskubre ang mga bagay na maaari pang malaman.

Isang malaking tulong ang pag kakaroon ng mga websites, pages, at YouTube Channel ukol sa mga ganitong bagay dahil hindi naman lahat ng tao ay may kakayanang gawin ito.

Isa na diyan ay ang WWII Hunter na kung saan ay mas pinagtutuunan niya ng pansin ang mga lugar na pinangyarihan ng nasabing panahon ng gyera.

Sa isang mayelong kagubatan sa may Atlantic Region, naglakas loob siyang maglakad at ipagpatuloy ang kaniyang agenda.

Hindi naman siya nabigo pagkat nakahanap siya ng piraso ng bomba na nababalot na ng lupa, nabubulok na lalagyanan ng bala at patungan ng rifle na bar!l.

Ngunit sa hindi inaasahan ay natagpuan niya umano ang hinihinalang kuta ng mga German.

Kung iyong titingnan, ito ay isang maliit na pintuang bakal lamang at walang mag- aakala na isa itong lagusan dahil nasa gitna ito ng kagubatan.

Nang buksan ang bakal na pinto, bumungad dito ay ang mga bakal na hagdan at espasyo na nasa 3 km ang haba.

Makikita din doon ang maliliit na kwarto na malamang ay pahingahan ngunit ngayon sa kasalukuyan ay napuno na lamang ng mga bato.

Natuklasan din nila ang mga maliliit na butas na labasan ng baril na marahil ginagamit nila upang mapatay ang kanilang kalaban.

Post a Comment

0 Comments