May kasabihan na kapag pinanganak kang mahirap ay hindi mo kasalanan iyon, pero kapag namatay ka ng mahirap ay kasalanan mo na iyon. Pero kung minsan ang swerte ng tao ay kusang dumadating ng hindi inaasahan lalo na kapag nakalaan talaga para sayo.
Katulad na lamang ng dalawang couple na ito na nakatanggap lang naman ng tumatagingting na $14.2 Million matapos makapag bigay ng lalaking apo sa kanilang magulang.
Isang mayamang business tycoon ang natuwa matapos mabigyan ng apong lalaki sa kabila ng pagkakaroon ng purong babae na apo sa kanyang mga anak.
Matapos ianunsyo ng dalawang couple na si Mario Ho at kanyang asawa na supermodel na sila ay binayayaan ng lalaking anak nitong October 24. Pinangalanan nitong Ronaldo.
Natuwa ang mga netizens sa balitang ito sa kadahilanan na noong nakaraang buwan ay gusto ng kanilang nanay ng apo at kapag naging lalaki ang kanilang apo ay bibigyan nila ito ng 100 Million o $14.2 bilang regalo.
Tunay ngang masasabi na may gintong kutsara sa bibig ang kanilang baby na si Ronaldo. Pero hindi lang pala ang binigay nito ang patunay na talagang galante ang kanyang magulang dahil ayon sa balita.
Sa kabila ng pagiging simple ng seremonya ng kanilang kasal ay pinaniniwalaan naman na mas magiging engrande at talaga namang bongga ang party para sa kanilang anak.
Tunay ngang iba talaga ang pakiramdam ng mga magulang na malaman na merong isang apo na lalaki na magdadala ng kanilang apelyido sa susunod na henerasyon.
Lola, Nakunan Ng Kamera Na Nakasilip Sa Pre-Nup Shoot Ng Babaeng Apo Na Sya Mismo Nagpalaki
Ang pagpapakasal ay isa sa mga pangarap ng isang babae. Ito ay isang sagradong pangyayari sa pagitan ng isang babae at isang lalaki Ang pagmamahalan at pagtitiwala ng isat isa ang magiging sandigan ng dalawang ikakasal upang mapagtagumpayan ang kanilang magiging pamilya.
Sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi mainit na kanin na maaari mong iluwa bagkus ito ay isang sagrado o hindi dapat gawinh biro.
Ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan ay talaga namang masasabi nating isang bittersweet na pangyayari. Bittersweet dahil bukod sa sweet na pagsasamahan ng dalawa ay mayroon silang maiiwan. Iyon ay ang kanilang mga mahal nila sa buhay tulad ng kanilang mga magulang at ang mga taong nag alaga sa kanila.
Ang bawat panig ng dalawang pamilya ng ikakasal ay dapat na maging handa at kailangan magpakatatag dahil hindi na magiging tulad ng dati ang magiging samahan dahil bubuo na sila ng sarili nilang pamilya.
Trending ngayon itong si Lola mula sa Jiangsu, China na nakuhanan ng kamera habang nakasilip sa pinto ng isang kwarto.
Sa loob ng kuwartong iyon ay ang kanyang apo na inaayusan at minemake upan para sa kanyang kasal.
Ang kanyang apo na si Wang ay lumaki sa lola nya magmula noong magpasyang maghiwalay ang kanyang magulang. Tumayo si Lola bilang Ama at kanyang Ina.
Kaya naman di maiwasan ng kanyang Lola na malungkot dahil di siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang apo. Makikita niyo din sa larawan na umiiyak ang kanyang apo na si Wang habang nakayakap sa kanyang lola.
Pinayuhan pa nga ni Wang ang ating mga netizens na habang nandyan pa ang ating mga magulang o lolo at lola ay dapat na sulitin natin ang kada momentum na kasama sila dahil hindi natin alam kung hanggang kailan sila nariyan para sa atin.
Isang Lugar Sa Pilipinas, Hari At Reyna Ang Namumuno At May Sariling Money Currency Na Ginagamit
Karaniwan na sa ibang bansa na ang namumuno na mga Hari at Reyna, at ito ay pinapasa sa mga salinlahi ng bagong henerasyon. Sila ang mga ‘royal blood’ na itinuturing na mataas na uri ng mga tao sa isang bansa. Ngunit, mas nakakagulat na mayroon palang ganitong klaseng pamumuno sa bansang Pilipinas.
Naging bali-balita ngayon ang tungkol sa Hari at Reynang namumuno sa isang lugar sa Pilipinas. Marami ang hindi makapaniwala rito, sa kadahilanang ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumunong demokrasya kaya napaka-impossibleng may mamunong monarkiya sa bansa. Ano ng ba ang katotohanan mula rito?
Sa isang lugar sa Mindanao ang Iligan City, ang sinasabing may Hari at Reyna ang namumuno sa kanilang lugar na gumagamit sila ng sarili nilang money currency. Dito sa nasabing lugar na ito, maaaring gamitin ang kanilang sariling pera upang ibili sa kanilang sariling pamilihan. Makikita sa kanilang sariling pera na may nakasulat itong currency certificate at ang mukha ng kanilang Reyna, sila lang din mismo ang gumagamit ng mga perang ito.
Minsan na itong naipalabas sa isang episode ng programa sa Jessica Soho (KMJS), kung saan marami ang hindi makapaniwala na mayroong ganitong lugar pala sa Pilipinas. Ito ay tinatawag nilang Kingdom Filipina Hacienda, kung saan ito ay mayroong malaking kasaysayan sa buong Mindanao. Ang palasyong ito ay matatagpuan sa Pala-o, Iligan City. Ang mga naninirahan dito ang nagpapatunay na mayroon silang sariling pamunuan at ginagamit mismo nila ang kanilang sariling pera sa kanilang mga pamilihan.
Talaga nga namang nakakagulat ang ganitong kasaysayan sa Pilipinas hindi aakalain na mayroon pala itong dalawang pamunuan. Ngunit, ano pa man ang mga ganitong pangyayari ang mahalaga lahat ng tao ay nagkakaisa upang mapaunlad at mapanatiling maayos ang kanilang bansang kinabibilangan.
The post Isang Lolo, Nagregalo Ng 700-Milyon Sa Anak Matapos Mabigyan Ng Kauna-Unahang Lalaking Apo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments