Isang baae na dapat ay ikakasal na ang lumapit kamakailan lamang sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong matapos i-kansela ng kaniyang fiance ang kanilang kasal dahil umano sa hindi pag-aprua ng kaniyang future in-laws.
Sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action noong Huwebes, Abril 14, sinabi ni Angeline Peralta na ang mga magulang ng kaniyang dating kasintahan na si Alexander John Brutas ay tutol umano sa kanilang kasal sa hindi malamang dahilan.
Nakilala umano ni Angeline si Alexander noong Marso 2020 at noong katapusan lamang ng Disyembre, napagpasyahan na nga ng dalawa na magpakasal na.
Upang linawin ang katotohanan, sinabi ni Alexander na hindi tinatanggihan ng kanyang mga magulang ang kasal, ito ay naglalaan lamang siya ng kaunting oras upang mapatunayan ang ilang impormasyon tungkol kay Angeline na hindi niya sinabi sa kaniya noong sila ay magkasintahan pa lamang.
Ibinahagi ni Alexander sa RTIA host na si Raffy Tulfo na sinusubukan niyang alamin kung totoo ba na nabuntis umano si Angeline ng dati nitong kasintahan na asawa pala ng kaniyang pinsan.
Dahil tila itinatago ni Anegline ang katotohanan at diumano ay hindi siya nakisama sa pakikipagtulungan upang mapatunayan na hindi siya kailanman nabunt1s, napagdesisyunan ni Alexander na huwag ng ipagpatuloy pa ang kanilang inaasahang kasal sana.
Gayunpaman, sinabi ni Angeline na dapat ay harapin ni Alexander ang responsibilidad nito para sa pangako na binitawan nito sa kaniya at iyon ay ang pakasalan siya at para na din sa emotional trauma na nakuha niya mula sa biglaang pagkansela ng kasal.
Sa dulo, sinabi ni Angeline na dapat ay bayaran siya ni Alexander ng P5-M para sa kahihiyan na ibinigay nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya, gayon na din sa epekto na dulot ng ginawa ni Alexander sa kaniya.
Samantala, umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang naturang episode ng RTIA.
Dahil Sa Sobrang Selos, GF, Pinalagyan ng Ganito Ang Likod Upuan Ng Motorsiklo ng BF!
Kadalasan, isa sa mga punot dulo kung bakit naghihiwalay ang mga magkasintahan ay ang pagkakaroon ng kalaguyo, kalandian or third party ng isa sa kanila habang nasa relasyon. Marami ang nasisirang relasyon dahil sa pagkakaroon ng ibang babae o lalake na kung saan ang pagpasok sa relasyon ng iba ay kailan ma’y hindi magiging tama.
Ang pagkakaroon ng ibang karelasyon o kalaguyo ay karaniwang nangyayari sa mga lalaki. na kung saan tila ba sa kanilang palagay ay mas nakakaangat o lumalakas ang dating sa ibang babae, isama pa ang pagkakaroon nila ng motorsiklo.
Dahil sa mga insidenteng marami ang pumapasok sa relasyon ng iba, naisip ng isang lalake na palagyan ng pako ang likuran ng kanyang motorsiklo upang hindi magkaproblema sa kanyang nobyang selosa at hindi na ito mag-isip na may kalaguyo siyang iba.
Subalit, dahil sa pagkakaroon ng mga pako sa likuran ng motorsiklo ng kanyang nobyo, ang babae ay nahirapang humanap ng komportableng upuan dahil hindi naman siya makakaupo sa likuran.
Ang larawan ng magnobyo ay nag-viral at umani ng katatawanan sa mga netizens. Ang mag nobyo ay nagnangalang Khoirul Anam (lalaki) at Intan Shinta (babae) na nakatira sa Magelang, Indonesia.
Sa relasyon, hindi lamang basta mahal mo at masaya ka sa iyong kasintahan, dapat alam mo kung paano siya pagkatiwalaan at tanggapin ng buo. Tiwala sa isa’t-isa ang pundasyon ng isang relasyon. Ang pagkakaroon ng tiwala ang pinakamagandang katangian sa isang relasyon. Kapag wala ito ay wala rin ang matibay na pundasyon sa pagmamahalan.
Ang pagkawala ng tiwala sa iyong nobyo/nobya ay maaaring magbunga upang kwestyunin ang galaw ng bawat isa, dito papasok ang paghihinala, na maaaring mag-ungat sa mas malalang problema na makakasakit sa damdamin ng iyong partner
Isa pa rito ay dapat isaalang-alang ng magkarelasyon ang mga bagay na makakaganda upang mag-usbong at umunlad ang isa’-isa. Hindi lamang para sa ikabubuti ng sarili kundi sa ikabubuti niyong dalawa.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
Lalaki, Tinupad Ang Pangako Sa Ex-GF Na Pupunta Sa Graduation Nito Kahit Break Na Sila Ng Matagal
Sabi nila, “PROMISE IS MADE TO BE BROKEN”, ngunit ibahin ninyo itong kwento na ito na talagang mapapa “SANA ALL” ka.
Si Pao Atienza ay nagpromise sa kanyang girlfriend na umattend sa kanyang graduation. Ngunit, nang maghiwalay sila ay hindi niya binigo ang ex-girlfriend nya dahil tinupad niya ang pangako niya na pumunta sa graduation niya at lumikom lang naman ito ng mga positibong reaksyon sa socmed mula sa ating mga netizens.
Sinabi ni Pao sa kanyang post na nagdadalawang isip siya kung pupunta ba siya o hindi, dahil nga sa estado nila ngayon bilang mag-ex at wala na din silang komunikasyon sa isa’t-isa na buwan na din ang lumipas.
Ngunit, nanaig pa din ang pagkalalaki ni Pao at tinupad niya ang pangako sa ex-girlfriend niya.
Pumunta siya sa Graduation at nakita niya doon ang pamilya ng babae na siya namang kinausap siya bago magsimula ang seremonya.
Nang magsimula ang seremonya ay lumayo si Pao sa family ng babae at nang tinawag ang pangalan ng babae at nakita niya ito sa stage ay biglang napaluha si Pao. Nakita ito ng kapatid ng babae at sinabing, “OKAY KA LANG BA?,KAYA MO YAN.”
Marahil ay sobra ang galak ni Pao sa kanyang ex at proud na proud siya sa kanyang nakamit ng araw na iyon. Sabi niya pa nakakatuwa dahil natupad niya ang kanyang promise noong sila ay magkasintahan pa.
Nang oras na yun ay nagtext ang babae kay Pao at sinabi na natuwa siya dahil nafullfill nya ang promise ni Pao sa kanya at ginawa niya yun dahil nagpakalalaki siya at walang halong ibang interes na magkabalikan sila.
Nagkaroon sila ng picture nang araw na yon at ipinost ito ni Pao na siya namang ikinatrending nito dahil sa napaka sweet na pangyayari sa dalawa.
The post Isang Babae, Humihingi Ng P5-M Sa Kaniyang Dating Kasintahan Sa Pag-kansela Ng Kanilang Kasal Sana! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments