Maliban sa mga supply ng pagkain, kabilang sa mga pangunahing kinakailngan ngayon ng marami nating kababayan ay ang mga vitamins, supplements, gamot para sa ibat-ibang uri ng sakit o karamdaman at iba pang mga medical supplies upang makaiwas sa banta ng kumakalat na sakit na CO’VID-19.
Ayon nga sa kasabihan, “Health is Weath” lalo na sa panahon ngayon na halos buong mundo ay nakakaranas ng pandemya.
Ang pinakamalahaga ngayon ay ang palakasin ang resistensya ng ating katawan upang hindi taman ng sakit na coronavirus, dahil hindi biro ang magagastos lalo na ngayon kapag na-ospital.
Ngunit sa kabila ng pangangailan ang iba natin Kababayan lalo na yung mga nasa laylayan ay hindi makabili kahit vitamins dahil sa mahal ng mga presyo nito.
Kaya ito ang nakikitang problema ng isang pharmacist mula sa Maynila kaya naman naisipan niyang mag lunsad na tinatawag na “community pharmacy”.
Ang nasabing Pharmacist ay nakilalang si Kaye Cirelos, siya ay nagmamay-ari din ng kanyang sariling Pharmacy.
Upang matugunan daw kahit papaano ang pangangailangang medikal ng mga Pinoy naisipan niyang magtayo ng sarili niyang bersyon na community pantry.
Matatagpuan ang “community pharmacy” ni Kaye sa Laon Laan Street sa Maynila.
Dito ay maaari kang makakuha ng libreng multivitamins, kits na mayroong facemask at alcohol at mayroon ding over-the-counter medicine at iba pang medical suplay.
“I was inspired by the Maginhawa community pantry din po, but since I’m in the pharmaceutical field, I decided po to give medical attention to others since marami na pong community food pantry”
“Little gift from God & from the people with generous hearts. Para sa inyo po lahat ito.” Ani ni Kaye.
Ayonpa kay Kaye, nakatanggap din siya ng tulong mula sa mga kaibigan na mga pharmacist din at mga indibidwal na naniniwala sa kanyang mga adbokasiya.
Nagbigay daw ang mga ito ng ibat-ibang medical items para sa kanyang community pharmacy.
Pahabol naman ni Kaye ay isang paghihikayat sa kapwa niya Pharmacy Owner na magtayo rin ng community pharmacy sa kanilang mga lugar at mamahagi ng libreng gamot at vitamins dahil sigurado daw na maraming pilipino ang nangangailangan nito ngayon.
COMMUNITY PHARMACY
Namimigay nang libreng gamot, vitamins, face mask, alcohol at iba pang medical items ang…
Posted by News5 on Thursday, April 29, 2021
0 Comments