Looking For Anything Specific?

Matandang mag-asawa, naninirahan sa tagpi-tagping tent dahil pinabayaan at kinalimutan ng kanilang apat na anak, Kinaantigan!

Ang ating mga magulang ang nagdala sa atin sa mundong ito. Minahal, inaruga, binihisan at pinakain.

May mga pagkakataong hindi nagkakaintindihan ang dalawang panig ngunit hindi natin maiaalis ang katotohanang sa kanila nagmula an gating dugo at laman.

May mga anak na sinusuwerte sa magulang kaya naman nangangarap ang mga ito na balang araw ay makabawi sa kanila.

Samantala, may mga anak na pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa para sa kanila ay bigla na lang mawawala na parang isang bula na kung saan tuluyang kakalimutan at tatalikuran ang kanilang mga sariling magulang.

Kagaya na lamang ng mag- asawang ito na naninirahan sa isang tagpi- tagping tent sa Linabuan Norte, Kalibo Aklan dahil iniwan at pinabayaan na sila ng kanilang apat na anak na babae.

Ibinahagi ng Radio Anchor na si Archie Hilario ang video na nagpapakita ng kalagayan ng mag- asawa at ang kwentong buhay nito.

Ayon sa kanila, dalawa sa apat na anak nilang babae ay nasa Maynila. Matagal na silang walang balita sa mga ito dahil ni minsan ay hindi sila pinuntahan o kinamusta man lang.

Sinubukang sulatan ng mag- asawa ang kanilang dalawang anak na ito ngunit wala silang natanggap na tugon.

Ang isa pa nilang anak ay namayapa na habang ang isa pang natitirang anak ay naninirahan malapit sa kanila ngunit may pamilya na ito at kapos din sa buhay kaya’t hindi makatulong sa kanila.

Ayon sa mag- asawa, matagal na silang nananatili sa sira- sirang tent na ito. Dito sila natutulog at nagluluto. Wala silang ibang inaasahan kundi ang pabigay bigay ng kanilang anak na malapit sa kanila.

Inalok ni Archie na pagawaan ng bahay ang mag- asawa ngunit hindi nga lang magiging sa kanila ang pagtatayuan na lupa.

Ayon sa matandang ginang, ganoon man ang kanilang sinapit, ni minsan ay hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa kanilang mga anak.

Sa katunayan, nais lamang nilang malaman kung maayos ba ang kalagayan ng kanilang tatlong natitirang anak.

Post a Comment

0 Comments