Kahit marangya ang buhay, Joel Cruz nais pa ring matuto ng gawaing bahay ang kanyang mga anak.
Si Joel Cruz ay kilala bilang isang perfume mogul.
Tinaguriang “Lord of scents” sa industriya, siya ang may-ari ng sikat na pabangong Aficionado.
Hindi maikakaila na isa na siya sa mga successful na negosyante hindi lang sa Pinas kundi pati na din sa karatig bansa.
Kaya naman kabilang din siya sa isa sa pinkamayamang tao sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging matagumpay na negosyante, isang butihing ama din si Joel Cruz.
Siya ngayon ay may walong anak, from IVF, at iisa lang din ang nanay ng mga ito.
Ang kanyang mga anak ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid at Ziv.
Ang kanyang mga chikiting ay ipinanganak lahat sa bansang Russia.
Lilia ang pangalan ng kanilang ina, isang blonde Russian na may hawig umano kay Julia Roberts.
Samantala, kamakailan lang ay nakapanayam si Joel Cruz ng beteranang kolumnistang si Aster Amoyo.
Dito ay pinagusapan nila kung paano palakihin ni Joel ang kanyang walong anak.
Kwento ng negosyante ay kahit marami silang kasambahay, hindi niya hinahayaang walang matutunan ang mga anak sa mga gawaing bahay.
Tumutulong umano ang mga ito at hinahayaang gawin ang ilang bagay kagaya ng paliligo at pagligpit ng kanilang pinaghigaan.
Kahit angat sa buhay ay hindi umano binibilhan ni Joel ang kanyang mga anak ng gadgets.
Hineheram lang daw ng mga ito ang kanyang cellphone at naghihiraman lamang ang mga ito.
Nililimitahan din niya ang oras sa paggamit ng gadget.
Marami naman ang humanga sa pamamaraang ito ni Joel.
Anila, kahit daw napakarangyang tao na nito ay pagiging simple pa din ang itinuturo niya para sa kanyang mga anak.
Ganito Pala Kalaki Ang Tuition Fee Ng Mga Anak Ni Jinkee At Manny Pacquiao
Para sa isang magulang, wala na sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam na makita ang iyong mga anak na mamuhay ng komportable at masaya. Kaya naman lubos ang kanilang pagsusumikap at pagtatrabaho ng mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.
Katulad na lamang ni Manny Pacquiao at ng kaniyang asawa na si Jinkee. Sa maraming taon, ang Philippine Boxing Champ ay nagsumikap ng lubos para mabigyan ng komportableng buhay ang kaniyang mga anak.
Hindi maipagkakaila na isa sina Manny at Jinkee Pacquiao sa pinakamayaman na mag-asawa ngayon sa Pilipinas. Kaya naman hindi imporsible na kaya nitong pag-aralin ang kaniyang mga anak sa pinakamagandang paaralan sa bansa.
Nais lamang nina Manny at Jinkee na mabigyan ng magandang oportunidad ang kanilang mga anak, lalo na pagdating sa edukasyon kaya naman pinasok nila ang mga ito sa isang international school sa bansa. Sa katunayan nga nyan, ang tuition fee pa lamang ng mga anak ng dalawa ay nakakalula na!
Ang panganay na anak na si Jimuel ay nag-aaral sa Brent International School sa Manila. Ang kaniyang tuition fee ay umaabot sa $9,000 o mahigit na P400,000 kada taon. Siya ay mayroon ding mga miscellaneous fee na aabot sa P390,000. Samantala, parehas naman ng tuition fee ni Jimuel ang kapatid na si Michael Stephen na kasalukuyang Senior High School at nag-aaral sa Brent International School sa Laguna.
Ang pangatlong anak na si Mary Divine o kilala sa palayaw na Princess ay nasa middle school na kung saan umaabot ang tuition fee nito sa $8,74 o mahigit na P403,512. Hindi pa kasama dito ang ibang bayarin sa paaralan sa buong taon. Parehas naman sila ng tuition fee ni Queeni o mas kilala bilang si Queen Elizabeth. Sa kabilang banda, ang kanilang bunsong anak na si Israel ay hindi pa nag-aaral sa ngayon dahil siya ay 5-anyos pa lamang.
Gayunpaman, ang tuition fee naman nila ay masasabing worth it. Hindi naman maipagkakaila ang maraming magagandang benepisyo na maibibigay sayo ng pag-aaral sa mga international school. Ang paaran ng kanilang mga tinuturo ay mas advanced kumpara sa mga pampublikong paaralan.
Maliban sa kanilang mga subjects na mayroon ang ibang paaralan, ang mga estudyante din sa international schools ay tinuturuan ng mga kultura at tradisyon na mayroon ang iba’t ibang bansa sa buong mundo.
The post Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments