Looking For Anything Specific?

Tambalang Andrea-John Lloyd, Ellen-Derek, bali-balitang magtatapatan sa GMA Network

Battle of the exes.

Tila ganito ang mangyayari kina John Lloyd Cruz, Andrea Torres, Derek Ramsay, at Ellen Adarna.

Kamakailan ng ay umugong ang balita na magtatambal umano sina John Lloyd at Andrea sa isang sitcom.

Si Willie Revillame na mismo ang nagbahagi nito at siya din mismo ang magpo-produce.

Ito ay bahagi ng showbiz comeback ni John Lloyd na una ngang nasilayan sa Kapuso Network.

Kinumpirma ni kuya Wil ang nasabing sitcom at si Andrea nga ang ipapareha kay Lloydie.

Nang malaman naman ito ng Kapuso actress ay sinabi niyang isang karangalan daw ang makatrabaho niya si John Lloyd.

Dahil isa daw siya sa mga fans ng A-list actor.

Ayon sa aktres, hindi naman siya na-surprise dahil mas na-excite raw siya.

Samantala, ayon sa ulat ng Phil Star, may plano rin daw ang GMA Network na proyekto para kina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Si Derek daw ang mismong lumapit sa isang GMA executive para kuning artist si Ellen. Si Ellen ay may sitcom sa TV5 with John Estrada kung saan ang isa sa mga producers ng show ay si Derek.

Kuwento raw ng isang source, “Inalok o binanggit diumano ni Derek sa isang executive ng network na bakit hindi na lang kunin ng GMA si Ellen.”

Kung kukunin ng Kapuso si Ellen, may posibilidad na magsama sa isang project ang celebrity couple.

Kaya, puwedeng pantapat sa JLC-Andrea ang Derek-Ellen team-up.

Alam naman ng publiko na sina Derek at Ellen ay parehong ex nina JLC at Andrea.

Mukhang magkakaroon ng salpukan na sa iisang network lang mangyayari.

Samantala, isa din na inaabangan sa Kapuso ay ang aktres na si Bea Alonzo.

At mukhang sa GMA na din magkakaroon ng reunion sina Popoy at Basha.

Anong say mo dito?

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, usap-usapang magsasama sa isang sitcom na pinaplano ni kuya Wil

Naging usap-usapan nga ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz na unang mapapanood sa Kapuso Network.

Sa mga naunang report, kinumpirma ng GMA-7 na makakasama ni Willie Revillame si John Lloyd bilang guest sa Wowowin.

 

Kinumpirma na ito ng GMA Network sa kanilang social media post.

Sa nasabing post, ibinahagi ng GMA na malapit nang muling masilayan ng mga fans si Lloydie.

 

 

Sa naturang post, makikita si John Lloyd kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at si Direk Bobot Mortiz.

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” ayon sa post.

 

 

Marami naman ang nagulat ukol dito, dahil kilala si John Lloyd na nagsimula sa Kapamilya Network.

Pero mas marami ang excited sa kanyang muling pagbabalik.

 

 

Ngunit patikim lamang pala ang pag-guest ni Lloydie sa show ni Kuya Wil.

 

 

Dahil may mas malaking proyekto palang niluluto si Willie para kay John Lloyd at kasama pa si Andrea Torres.

 

 

Ayon sa report ng PEP.ph, ibinahagi ni Willie ang pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa ilalim ng kanyang production company.

Naganap ang pirmahan kagabi, May 29, sa H Bar ng Wil Tower Mall sa Quezon City.

 

 

Ibinahagi din ni Kuya Wil na ipinag-paalam daw niya si Lloydie kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

 

 

Kinausap niya ito tungkol sa sitcom na plano niyang gawin na makakasama nga si Lloydie at Andrea.

 

 

Pinayagan naman daw umano ni Katigbak si John Lloyd at inilarawan pa ni Willie na napakabait.

 

 

Personal daw niya itong tinawagan upang magbigay lang din ng respeto dahil ito ang namumuno sa home network ni Lloydie.

 

 

Paniguradong aabangan ang sitcom na ito dahil kay Andrea at John Lloyd.

 

Dahil ang mga ex nila ngayon ay nagsasama na.

The post Tambalang Andrea-John Lloyd, Ellen-Derek, bali-balitang magtatapatan sa GMA Network appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments