Ngayong araw ay nasilayan ng muli ang A-List actor na si John Lloyd Cruz sa TV Screen.
Sobrang trending at pinag-usapan ang very first TV appearance ni John Lloyd makatapos ang apat na taon nitong showbiz hiatus.
Trending sa social media ang guesting ni John Lloyd sa isang event na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Live itong napanood sa GMA-7 kung saan kasama niya ang TV host na si Willie Revillame.

Si kuya Wil din ang host/producer ng show at siya ang responsable sa unang live television appearance ni John Lloyd sa Kapuso Network.

Binigyan ni Willie ng magandang introduction at exposure si John Lloyd sa nasabing event.

Kung saan kinanta nito ang awiting “Yakap” upang iparating sa lahat na siya ay tuluyan na ngang nagbalik.
Mababaks naman sa paglabas ni John Lloyd ang tila paninibagong muli sa pag-apak sa entablado.

At pagharap sa napakaraming tao na sumusubaybay sa kanya.

Mainit naman ang pagsalubong ni Willie sa kanya ng matapos ang kanyang awitin.
Dito ay inamin ni John Lloyd na nanginginig siya sa kanyang muling paglabas sa telebisyon.

Pinasalamatan niya din si Willie sa oportunidad na ibinigay nito sa kanya sa pagbabalik showbiz niya.

“Si Kuya Willie, ‘andito ako dahil sa’yo. Thank you,” saad ni John Lloyd.

Hindi naman napigilan ni Lloydie ang maging emosyonal ng pakinggan niya ang mensahe ni Kuya Wil para sa kanya.
Saad ni Willie, “Pinagdaanan ko rin ‘yan, marami rin tumulong sa akin… Pero ang importante nagkausap tayo… Na-miss ka ng tao… Fan mo ako, fan mo kaming lahat dahil napakabuti mong tao at napakagaling mong artista. Ang sambayanang Pilipino, sila ang dapat mong pasalamatan kung bakit ka nandito. Nadidinig ko, nararamdaman ko ang pagmamahal sa’yo ng tao. Welcome back.”
John Lloyd Cruz at Andrea Torres, usap-usapang magsasama sa isang sitcom na pinaplano ni kuya Wil

Naging usap-usapan nga ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz na unang mapapanood sa Kapuso Network.

Sa mga naunang report, kinumpirma ng GMA-7 na makakasama ni Willie Revillame si John Lloyd bilang guest sa Wowowin.

Kinumpirma na ito ng GMA Network sa kanilang social media post.
Sa nasabing post, ibinahagi ng GMA na malapit nang muling masilayan ng mga fans si Lloydie.

Sa naturang post, makikita si John Lloyd kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at si Direk Bobot Mortiz.
“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” ayon sa post.

Marami naman ang nagulat ukol dito, dahil kilala si John Lloyd na nagsimula sa Kapamilya Network.
Pero mas marami ang excited sa kanyang muling pagbabalik.

Ngunit patikim lamang pala ang pag-guest ni Lloydie sa show ni Kuya Wil.

Dahil may mas malaking proyekto palang niluluto si Willie para kay John Lloyd at kasama pa si Andrea Torres.

Ayon sa report ng PEP.ph, ibinahagi ni Willie ang pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa ilalim ng kanyang production company.
Naganap ang pirmahan kagabi, May 29, sa H Bar ng Wil Tower Mall sa Quezon City.

Ibinahagi din ni Kuya Wil na ipinag-paalam daw niya si Lloydie kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

Kinausap niya ito tungkol sa sitcom na plano niyang gawin na makakasama nga si Lloydie at Andrea.

Pinayagan naman daw umano ni Katigbak si John Lloyd at inilarawan pa ni Willie na napakabait.

Personal daw niya itong tinawagan upang magbigay lang din ng respeto dahil ito ang namumuno sa home network ni Lloydie.

Paniguradong aabangan ang sitcom na ito dahil kay Andrea at John Lloyd.

Dahil ang mga ex nila ngayon ay nagsasama na.
The post John Lloyd Cruz, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang kauna-unahang TV appearance sa GMA Network matapos ang apat na taong showbiz hiatus appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments