Looking For Anything Specific?

Julia Barretto, walang kaarte-arteng nagkamay habang kumakain sa kanilang mukhang vlogs ng kaibigan ni Gerald

Tila walang kaarte-arteng Julia Barretto ang nasilayan sa vlog ng kaibigan ni Gerald Anderson.

Kamakailan lang ay naimbitahan si Julia nina Joe Vargas at Bianca Yanga sa kanilang vlog.

Sa nasabing vlog, gumawa ng video sina Joe at Bianca kasama si Julia na ginagawa ang mukbang challenge.

Iba’t-ibang Filipino foods ang nakahain, kabilang na dito ang Pork Barbecue, Fried Itik, Crispy Pata, at Ensalada.

Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ng maraming netizens ay ang pagkakamay ni Julia habang kumakain.

Saad ng ilan ay wala naman palang kaarte-arte itong si Julia.

Maliban dito ay kapansin pansin din ang pagiging kalog ni Julia sa nasabing video.

Game na game siyang nakipagkulitan at nakikipagbiruan sa mga kaibigan ng kanyang kasintahan.

At nang dahil sa videong iyon ay maraming fans nina Julia at Gerald ang nagrequest.

Nang ‘double date’ mukbang’ edition.

Tutal naman ay gumagawa na din si Gerald ng vlog para sa kanyang YouTube channel.

Madalas niya ngang kasama si Julia sa kanyang mga video.

Na laging nagbibigay kilig sa mga netizens.

Kamakailan nga lang ay isang intentse couple workout ang kanilang ginawa.

Kung saan naging personal trainer pa ni Julia si Gerald.

Nauna na din dito ang pagpapatikim ni Gerald sa kanyang nobya ng iba’t-ibang klaseng Street food.

Kung saan naging usap-usapan ang tungkol sa isaw.

Napulaan si Julia ng dahil sa isaw at naglabasan pa ang kanyang mga dating video.

Kaya naman bumawi ang aktres sa vlog nina Joe at bianca.

Umani siya ng papuri mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Nakakaaliw si Julia dito walang arte ha”

“Nagkakamay din naman pala siya game na game”

“Normal na normal si Juls sobrang natural”

“Abangan namin yung double mukbang date”

Narito ang kanilang video:

Dating video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw, umani ng samut-saring komento ngayon

Isang video ni Julia Barretto habang kumakain ng Isaw ang viral ngayon sa social media.

Kung matatandaan nakaraan lamang ay viral ang vlog ni Gerald Anderson kasama ang GF na si Julia.

Sa nasabing vlog ay pinakain ni Gerald ang kasintahan ng iba’t-ibang klaseng Street food.

Sa isang parte ng video, kumain si Julia ng Isaw, at dito ay sinabi din niya kay Gerald na first time niya daw ito.

Ang pahayag naman na ito ni Julia ay tila taliwas sa kumakalat na video niya online.

Isang netizen na nagngangalang Sizzling Hot MotherLily-Yoo ang nagpost nito sa Twitter.

Sa umpisa ng video ay ang bahagi ng vlog ni Gerald ang makikita kung saan tila diring diri si Julia kumain ng Isaw.

Ngunit sa bandang huli ng video ay makikita naman na kasama ni Julia ang dati niyang ka-love team na si Ronnie Alonte.

Bumili sila ng isaw at kitang kita na enjoy na enjoy si Julia na kainin ito.

Taliwas sa pahayag niya sa vlog ng kasintahan.

At dahil dito, muli nanamang umani ng batikos si Julia Barretto mula sa maraming netizens.

Sambit pa nga ng isa na nirepost ang video sa Twitter, “Julia Barretto gets namin mag deny ka na 3rd party ka sa bea -gerald break up na btw jowa mona ngayon.. Gets namin yun. Isa lang tanong ko bakit mo dine-deny ang ISAW????? Wag ganon juls. Bad yan. HAHAHA!”

“Di padin ako maka move on dito. I mean Julia B denying the pambang street food. ISAW is iconic HAHA. Wag kayo mag aalala aamin din yan after 2 yrs. Antay lang tayo mga marz,” saad muli nito aa isa pang post.

 

Sa ngayon ay wala pa namang reaksyon si Julia ukol dito.

The post Julia Barretto, walang kaarte-arteng nagkamay habang kumakain sa kanilang mukhang vlogs ng kaibigan ni Gerald appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments