Jon Gutierrez hindi tumitigil sa pagsuyo sa kanyang misis na si Jelai Andres.
Sa mga nakalipas na buwan ay naging mainit na usapin sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Jon at Jelai.
Napabalita kasi na muli na namang nahuli ni Jelai ang asawang si Jon na may bagong babae na naman.

Kung matatandaan, unang naging dahilan ng kanilang hiwalayan noon ay ang pangbabae ni Jon.
Bago sila ikasal noong 2018 ay nahuli na niya ito at natukoy na ang babae ni Jon ng mga panahon na iyon ay si Toni Fowler.

Naulit namang muli ito noong 2019, at tuluyan na ngang naghiwalay sina Jon at Jelai.
Hindi na sila nagsama sa iisang bubong at lumayo na sa isa’t-isa.

Pero hindi tumigil sa panunuyo si Jon sa kanyang misis, muli niya itong niligawan at pinapaibig.

Gumawa pa nga siya ng kanta para sa asawa, at doon ay muling nagkamabutihan sila.

Muling nagkasama ang JoLai sa mga vlogs, at pati na din sa ilang programa sa Kapuso Network.

Di pa man sila nagsasamang muli sa isang bahay ay naging magkaibigan at maayos na uli ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.

Inabangan na nga ng kanilang mga fans ang kanilang muling pagbabalikan.

Ngunit hindi ito natuloy at tila nasira na ng tuluyan ang kanilang relasyon.
Ito ay nang mahuli nanamang muli ni Jelai na may bagong babae na namang kinalolokohan ang kanyang mister.

Nagdesisyon na nga si Jelai na magsampa ng kaso laban kay Jon at nais niya ng ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Ngunit gayunpaman, hindi tumitigil si Jon ng panunuyo sa kanyang misis.

Kamakailan nga lang ay ipina-tattoo ni King Badger ang mata ni Jelai sa kanyang binti.


Upang mapatunayan na handa na siyang magbago at si Jelai lamang ang kanyang mahal.
Tingin ninyo rurupok ba ulit si Jelai dito?
Jelai Andres, Nag-File Na Ng Kasσng Cσncυbinagє Laban Sa Asαωαng Si Jon Gutierrez

Nag-file na ng concubinage case si Jelai Andres laban sa kanyang asawa na si Jon Gutierrez sa Department of Justice sa Quezon city noong Hunyo 1.
Ang pagnanais niyang ipaglaban ang karapatan at ipaglaban ang hustisya ang ilan sa mga dahilan ni Jelai Andres sa pagsampa ng reklamo laban sa kanyan asawa.
“Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos yung kabilang panig pa yung naghahamon at parang matatapang.
“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.

“Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage.
“We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”
“We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”
Dagdag pa niya: “Huwag nilang i-normalize ang pakikiapid. Ignorance of the law is not an excuse, lalo na kung wala kang pakialam. Yung selfish ka, at handa kang makasira at makasakit ng tao, handa kang makasira sa pamilya ng iba.

“Kailangan ko lang ipaglaban ang pagkababae ko. Hindi lang bilang babae, kundi bilang tao po. Sobra na po kasi… Eto na, kailangang kong ipagtanggol ang pagkatao ko.”
May mga matibay daw na ebidensya na hawak ang kampo ni Jelai na magpapatunay sa pakikiapid ni Jon.


Maliban kay Jon ay sangkot din ang dalawang tao sa kaso na hindi pa pinapangalanan sa kasalukuyan.
Ikinasal si Jelai Andres and Jon Gutierrez noong October 2018 at nag-break noong March 2019 dahil umano sa pakikipagrelasyon ng huli sa ibang babae gayong sila ay kasal na.


Muling nagkabalikan ang dalawa noong nakaraang taon ngunit hindi naglaon ay nahulihang muli si Jon na nαgтαтαкѕιℓ sa kanyang asawa.
Ano nga ba ang Concubinage?
And concubinage ay ραкιкιαριd ng lalaki sa isang babaeng hindi nito asawa o ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code of the Philippines:
“Any husband who keeps a мιѕтrєss in the conjugal dwelling, or have ѕєχυαℓ ιηтєrcσυrѕє, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or cohabits with her in any other place…”
The post Jon Gutierrez, ipina-tattoo ang mata ni Jelai Andres sa kanyang binti sa gitna ng kontrobersiya nilang mag-asawa appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments