Looking For Anything Specific?

Netizen, Laking Pagkadismaya Nang Matanggap Na Sa Wakas Ang Kanyang National ID

Hindi maitatangging maraming mga Pilipino ang nais na magkaroon ng sariling National ID dahil na rin sa pangangailangan ng Valid ID na maari nilang magamit sa pag-aapply sa trabaho, kung kaya naman marami ang nagtanong sa prosesong ginawa niya upang magkaroon nito.

Ang Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o tinatawag ding Pambansang Pagkakakilanlan ang opisyal na National ID card para sa mga Pilipino.

Kamakailan lang, isang netizen ang nag-viral matapos ibahagi ang natanggap nyang National ID kung saan ibang-iba raw ang kaniyang litrato dahil nagmukha raw siyang 55 anyos dito.

Kinilala ang netizeng ito na si Manelyn Barredo Biarcal. Sa kaniyang post, sinabi niyang ikinagulat niya ang kaniyang itsura sa litrato sa National ID dahil mukha umano siyang 55 taong gulang.
Kung kaya naman ibinahagi niya sa isa pang post kung ano ang mga kailangang dokyumento at proseso nang pagpaparehistro para sa pagkakaroon ng National ID.

Noong nakaraang taon daw, mayroon daw nag-house-to-house census sa kanilang lugar. Binigyan daw sila ng papel bilang patunay na tumuntong na sila sa unang hakbang nang pagpapagawa ng National ID. Iyon din daw ang kanilang dadalhin upang makatuntong sa pangalawang hakbang.

Nag-anunsyo lamang daw ang kanilang Local Government Unit (LGU) sa Facebook page ng mga ito kung kailan at saan gaganapin ang interview para sa pangalawang hakbang. Matapos daw nito, naghintay na lamang sila kung kailan na ito puwedeng makuha. Hindi niya raw alam ang mga prosesong ginagawa ng kanilang LGU.

Kilalanin Ang Tatℓσng Magkakaρatid Na Mayroong Super Unique Na Mga Pangalan Na Talagang Nakakamangha

Sa panahon ngayon, ang mga pangalan ng Pilipino ay nahahaluan na ng foreign names, hindi naman bawal ito dahil malaya naman ang Sinumang pumili ng pangalan ng kanilang mga anak, at wala namang batas na nagsasabing may guidelines sa pagbuo ng pangalan ng batang isinilang.

Katulad ng kwento ng mga magulang sa kanilang tatlong anak na mayroong kakaibang mga pangalan. Ang tatlong magkakapatid ay mula sa San Fabian, Pangasinan. Pinangalanan silang, Pzxydynn Yzzyr, Djyknyll Rysym at Dzywrygh Lynzh.

Sa kakaibang pangalan ng tatlong magkakapatid, talagang mahirap itong bigkasin at basahin ng sinuman.

Napagdesisyunan ng kanilang mga magulang na bigyan sila ng kakaibang pangalan dahil gusto nilang huwag matulad ang pangalan ng kanilang mga anak sa pangalan nilang mag-asawa na simple.

Ayon sa kwento ng ama, gusto nilang pangalanan ang kanilang ng walang katulad at kapareha. Nang may mag post ng kanilang ID sa social media, agad na nag trending ito dahil sa kakaibang pangalan na meron sila.

Dahil sa subrang unique na pangalan, nahihirapan daw ang kanilang mga guro at kaklase na bigkasin ito at tawagin sila sa kanilang pangalan.

Ayon pa sa isa nilang kaklase, ngayon lang daw siya nakakita ng pambihirang pangalan na walang vowels.

Ang pangalan ay isa lamang kilanlan sa isang tao, may ibat iba man tayong pangalan, mapa simple o kakaiba ang mahalaga ay ang respeto at pagkakaisa.

Binatang May Mahigit 40 Na Pangalan, Di Pa Rin Kabisado Ang Tamang Spelling Ng Mga ‘To

Sa panahon ngayon usong uso na ang pagbibigay ng iba’t-ibang klase ng pangalan sa mga anak. Kung dati ang mga madalas na ipinapangalan sa anak ay mga simpleng pangalan lamang o isang salita lamang katulad ng Peter, Joseph, Juan, Marie, Gracia, Julia, at iba pa. Pero sa panahon ngayon ang mga ipinapangalan na sa mga anak ay kadalasan dalawang salita o higit pa.

Kung minsan din ay hango sa iba-ibang bagay o kaya naman ay hango sa laro sa computer ang ginagamit upang walang katulad ang pangalan ng kanilang anak. Kaya naman kung minsan ay nagiging mahaba na ang pangalan ng anak na kung minsan ay umaabot pa ng higit sa apat na salita.

Pero alam niyo ba na sa lugar ng Urdaneta City Pangasinan ay mayroon isang lalaki na may kakaiba at sobrang unique na pangalan?

Siya si Ratziel Timshel Ismail Zerubbabel Zabud Zimry Pike Blavatsky Philo Judaeus Polidorus Isurenus Morya Nylghara Rakoczy Kuthumi Krishnamurti Ashram Jerram Akasha Aum Ultimus Rufinorum Jancsi Janko Diamond Hu Ziv Zane Zeke Wakeman Wye Muo Teletai Chohkmah Nesethrah Mercavah Nigel Seven Morningstar A. San Juan CCCII, na may edad na 22 taong gulang.

“Hindi ko po kayang isulat ‘yung pangalan ko, hindi ko po kabisado ‘yung spelling… Kapag kailangan kong gamitin ‘yung buong pangalan ko, kina-copy paste ko na lang.”

Dagdag pa nito, kanyang sinubukan na gamitin ang ibat-ibang pangalan sa mga subject sa paaralan ngunit mas lalo itong nalito. Ayon pa sakanya, ginagamit na lamang niya ang kanyang kompletong pangalan sa mga public documents at kapag sa mga ID ay inalalagay na lamang niya ang pangalan na “Ratziel A. San Juan”.

Hindi nga naman biro ang pagkakaroon ng mahabang pangalan lalo na kung ito ay iyong isusulat. Si Ratziel ay mayroon din dalawang nakatatandang kapatid at ayon sakanya, ang kanyang ate ay mayroon naman 20 salita sa kanyang pangalan at ganon din naman ang kanyang kuya.

Tunay ngang nais ng mga magulang nila Ratziel na mahaba ang kanilang pangalan pero ganun pa man ay desisnyon ito ng kanilang magulang.

Pero kung iisiping mabuti ay may kahirapan talaga ang pagkakaroon ng ganito kahabang pangalan. Pero kung nanaisin ni Ratziel na papalitan ang kanyang pangalan ay maaari naman niya itong gawin.

Kaya paalala sa mga magulang na magkakaroon ng anak. Maging paalala ito sa inyong ipapangalan sa anak na baka dahil sa kagusuthan na maging sobrang ganda o kakaiba ang pangalan ay maging dahilan pa ito upang mahirapan ang inyong anak.

 

The post Netizen, Laking Pagkadismaya Nang Matanggap Na Sa Wakas Ang Kanyang National ID appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments