Looking For Anything Specific?

Kathryn Bernardo, May Bwelta Sa Mga Lumalait Sa Kanyang Legs

Ang pagkakaroon ng insecurities sa katawan ay syang normal dahil isa sa atin ay may tinataglay na katangian na talagang patuloy na nilalait ng iba. Walang sino mang tao ang perpekto. Lahat ay may kasalan, lahat ay may ugaling di kanais nais.

Kaya naman, maging mga artista ay nakakaranas din ng pang lalait sa ibang tao dahil sa mga insecurities o di kaya naman anyo na kailanman ay di dapat ikinakahiya at dapat tanggapin ito.

Tulad ng aktres na si Kathryn Bernado na mula pa noong kabataan niya ay nakatanggap na ng mga panlalait tungkol sa kanyang mga paa. Kahit ano mang taglay niyang kagandahan sa mukha ay patuloy parin talaga ang pagtingin ng kanyang mga bashers sa legs nito at ginawang rason para siya ay laitin.

Kumakailangan ay nag post ng video si Kath sa kanyang YouTube Channel kung saan sinagot niya lahat ang mga panglalait o komento ng kanyang mga bashers tungkol sa kanyang pag-uugali at katawan.

Nang simula ito matapos mag trending ang panglalait sa kanya na “#sakangsikathryn” matapos isara ang Abs Cbn at patuloy din na binabash dahil panira lang daw ito sa gobyerno.

“Ang pangit ni Kathryn Bernardo, pangit na sakang pa!” sabi ng isang basher

“Oh boom! Ito yung hinihintay ko.”

Ang pagiging sakang nga niya ay isa sa mga insecurities niya sa sarili. Pero di nag tagal ay tanggap din niya ito. Ito din ang rason kung bakit hindi niya pinapa komento ang kanyang mga bashers sa kanyang IG account dahil noong una nasaktan daw siya sa mga binabasa niya.

Ngunit di nag tagal ay natanggap din ni Kath ang kanyang pagiging sakang at patuloy na minahal ang kanyang mga insecurities sa life.

Pero ang mas kiniligan ng lahat ay ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Sabi pa ni Kath even though marami syang insecurities at patuloy na nilalait eh nandyan ang kanyang boyfriend na una siyang tinanggap at patuloy na sinusuportahan at minamahal.

Ayun pa kay Kath,

“Before sobrang insecurity ko ito. Pero alam nyo sino nag pa realize sakin na huwag magpa insecure? Si DJ. Through DJ na overcome ko ang insecurity ko about my legs.”

 

“Na realized ko na lahat tayo may imperfections. Siguro nagkataon na ibnigay sa akin ni God yung legs ko. And ano gagawin ko?. E di nag workout ako para ma exercise siya. And, tatanggapin ko kasi helo? Hindi naman ako makukulong sa pagiging sakang ko.” dagdag pa ni Kath.

 

Maging artista ay nilalait. Walang ginawa ang Diyos na perpekto pagdating sa labas na anyo.

Sa huli tayo parin ay titingnan kung ano ang ating mga buting ginawa habang tayo ay nabubuhay, at kung ano ang nasa loob na dapat taglayin. Kung may taong hindi angkop sa iyong buhay, mahalin mo lang ang iyong sarili at tanggapin kung ano ang ibinigay sa iyo.

Liza Soberano at Kathryn Bernardo, hindi napigilang makapagmura nang ipaalam ni Riva Quenery ang kanyang pagbubuntis

Labis na naaliw ang maraming netizens sa naging reaksyon nina Kathryn Bernardo at Liza Soberano sa pagbubuntis ni Riva Quenery.

Masaya ang mga artistang kaibigan ni Riva Quenery para sa bago nitong papel na gagampanan bilang isang ina.

Sa pinakabagong vlog na inilabas ni Riva, makikita ang iba’t-ibang reaksiyon ng kanyang malalapit na kaibigan.

Kabilang sa kanyang mga sinabihan ay ang mga Kapamilya actress na sina Kathryn Bernardo at Liza Soberano.

Naging malapit si Riva kay Liza nang magkatrabaho sila sa telesryeng “Make It With You.”

Habang si Kathryn naman ay nakasama niya sa “House Arrest Of Us.”

Samantala, sa nasabing vlog, tinawagan ni Riva si Liza, makatapos ang kanilang kamustahan ay ipinakita ni Riva ang litrato ng ultrasound niya.

Noong una ay hindi makapaniwala si Liza at inakalang prank lang ito ng kaibigan.

Saad ni Liza, “No you’re kidding? Prank ba ‘to?. Alam mo kinakabahan talaga ako nung sinabi mo. Sabi ko, ‘Ipa-prank ba ako nito?’”

Nang tanunging naman ni Liza kung ilang buwan buntis na ito, sinabi ni Riva na limang buwan na siyang nagdadalang-tao.

Napamura naman si Liza sa kanyang pagkabigla. At inulit niya pang muli ang tanong na kung prank nga ba ito.

Sa huli ay sinabi naman ni Liza na masay siya at excited para sa kaibigan.

Samantala, naaliw naman ang mga netizens na parehas din ang nagin reaksyon ni Kathryn ukol dito.

Inakala niyang pank lang din ang ibinabahagi ng kaibigan.

“What?! This is a prank, guys. … Totoo? … Oh my God. … Tinotoo mo ‘yung role mo ha?” Ang tinutukoy ni Kathryn ay ang role ni Riva sa The House Arrest of Us kung saan buntis din ang kanyang karakter.

Sa huli ay natuwa din naman si Kathryn at sinabing, Okay yan, congratulations! I can’t believe it. Akala ko ginag*go mo lang ako”

The post Kathryn Bernardo, May Bwelta Sa Mga Lumalait Sa Kanyang Legs appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments