Kilalanin si Javi Bennitez, ang nagpapatibok ng puso ngayon ng Kapamilya actress na si Sue Ramirez.
Si Javi Benitez ay anak ng isang kilalang politiko na si Albee Benitez ng Negros Occidental. Maliban sa pagiging kilalang pulitiko ng ama ni Javi ay isa din itong kilalang negosyante.
Javier Lopez Benitez ang kanyang buong pangalan, ipinanganak noong October 8, 1994, sa Quezon City at lumaki sa Maynila.

Sa ngayon ay mayroon siyang 48,000 followers sa kanyang official Instagram account, 6,000 sa Facebook at kagagawa lang niya ng Twitter.

Unang nakilala si Javi Benitez noong 2008 nang siya ay magkaroon ng maliit na parte sa Studio 23’s sport themed tv show na tinatawag na Sports Kid.

Pansamantalang nilisan niya ang showbiz upang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Ngunit bumalik din sa isang tv segment na pinamagatang ANC’s Game Changer noong 2016.
Makalipas ang ilang taon ay naging isa siya sa mga bagong artista ng Kapamilya Network.

Ang una niyang naging proyekto ay ang pagiging isang businessman sa programang The General’s Daughter na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Nagkaroon din ang gwapong aktor ng sarili niyang pagbibidahan na programa at ito ay ang Kid Alpha One na pelikula.

Madami pang mga programa ang naging parte ang aktor na talagang naging daan upang makilala siya sa larangan ng showbusiness.

Samantala, sa kasalukuyan ang ama ni Javi ang chairman ng Leisure & Resorts World Corp, ang nagpapatakbo ng bingo parlors sa buong bansa.

Ito rin ang nagma-may ari ng Brightlight Productions, na may multi-million deal sa Kapatid network.

Isang malaking role ang ginagampanan ni Javi sa mga kumpanya ng kanyang ama.
Nito lamang nakaraang taon si Javi Benitez at Sue Ramirez ay naging usap-usapan sa social media.
Ito ay nang aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon.
Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Kapag Napangasawa Si Neil Arce, Ang Nag-Iisang Tagapagmana Ng Negosyo Nila
Sa isang relasyon, hindi mawawala na nakakarinig na magaling mag-alaga at humawak ng isang relasyon ang babae kapag lumalaki ang katawan ng isang lalaki sa mga taong nakapaligid sa atin. Ngunit, paano naman kung ang nadadagdagan ng timbang ay ang babae?
Siguro nga ang young businessman at fiance ni Angel Locsin na si Neil Arce ay talagang maalaga at magaling humawak ng kanilang relasyon kung kaya’t marami ang nakapapansin na tumataba ang sikat na aktress, na kung saan siya ay laging nakasuot ng jacket sa kaniyang serye na tinatangkilik ng marami.
Saad ng nakatrabaho ni Neil Arce sa kaniyang produksyon,
“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya.”
Sa kabilang banda, dinepensahan din nito si Neil Arce,
“Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan! Kaya nga nu’ng napabalitang meron daw siyang malaking pagkakautang, e, tinawanan lang niya ang balita.”
“Kilalang-kilala niya kasi ang sarili niya, kilala rin namin siya, kalokohan ang kuwentong ‘yun!”
Ang mga tagasuporta at tagasubaybay ni Angel Locsin ay dapat hindi mabahala at mag-alala sa kaniyang magiging kinabukasan dahil siguradong kayang kaya ni Neil Arce ibigay ang lahat ng gusto ng aktres at ang pag-aalaga na talaga namang nararapat lamang sa kaniya.
Sa kabilang banda, maraming mga netizens ang nais na magkaroon ng masaya at masaganang pagsasama sina Neil Arce at Angel Locsin. Ang ilan naman sa kanila ay hangad lamang ang kasiyahan ng dalawa.
The post Kilalanin ang pogi at anak ng bilyonaryong nobyo ngayon ng aktres na si Sue Ramirez appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments