Looking For Anything Specific?

Groom Na Nagkamali Sa Pagsabi Ng Kanyang Wedding Vows, Viral Ngayon Sa SocMed

Ang karaniwang pag-iisang dibdib dito sa pilipinas ay pormal na okasyon na pagbubuklod ng dalawang tao. Kadalasan makikita sa isang kasalan ang matitinding emosyon tulad ng iyakan, kagalakan at walang pagsidlan ng pagmamahalan. Hindi puwedeng ma kompleto ang isang kasal ng hindi nagpapalitan ng vows ang bride at groom.

Subalit nabasag ang pormal na okasyon na ito ng matinding tawanan sa loob ng simbahan. Ang kasalan nila Shiela Llagas at Cleyford Llagas na taga Lucena City, Quezon Province.

Naging viral ang video clip ni Shiela sa kanyang socmed account dahil sa maliit na pagkakamaling ito ng kaniyang asawa. Sa panahon natin ngaun na pandemic, maraming nabuhay ng loob sa maiiksing video na ito.

Sa kanilang wedding video  mapapansin ang paggaya ni Cleyford sa sinasabi ng Pari, at ng siya ay nagkamali hindi  napigilan ng kaniyang Bride na si Shiela, ang kaniyang pagtawa pati ang mga bisita, maging ang pari na nagkakasal sa kanila.

Ang narining ng Pari bride at mga basita na sinabi ni Cleyford ay “Tinitipan kita maging aking bahay” imbes na “Tinitipan kita maging aking may bahay.”

Pagkarinig ni Shiela sa sinabi ni Cleyford hindi niya napigilan mapatawa pati na ang mga basita. Mabilis naman binawi ng Groom ang pakakamali.

Subalit hindi na rin napigilan ang kanilang pagtawa maging ang Groom ay natawa sa kanyang pagkakamali. Hindi tuloy napigilan ng Pari na mgbiro na “Take two, palibhasa Arkitekt ka, walang iniisip kung hindi bahay, bahay lagi. Sige ulet.”

Nakatutuwa din ang Caption ni Shiela sa video na kanyang  iniupload sa kanyang socmed account, Yung ikakasal na kayo pero yung isip ng asawa mo nasa trabaho pa yata.

Sa kasalukuyan maraming netizens ang natuwa sa kanilang video. Ang video clip nila Shiela ay umabot na sa 1.1 million views,  160,000 reacts at 16,000 comments sa kanyang socmed account.

TINGNAN: Pinuri ng mga netizens ang magkasintahang ito, na naging masaya sa kanilang kasal kahit na napakasimple lamang nito.

Ang dalawang taong nagmamahalan kahit anong hirap ng buhay magkasama yan sa lahat ng bagay. Kaya na lamang sa pagpapakasal kung saan hindi ito nagiging madali lalo na sa panahon ngayon.

Hindi biro ang mga gastusin kapag nagpapakasal kaya naman ang iba ay nagiging praktikal na lamang, kahit minsan ay nauuso pa rin ang magagarbong kasalan. Dahil na rin sa hirap ng buhay, may mga magkasintahan pa rin na pinipili ang simpleng pagpapakasal.

Basta’t ang mahalaga ay ang kanilang pagmamahalan. Katulad na lamang ng magkasintahan na ito, na naging usap usapan ngayon sa social media dahil sa kanilang naging napaka-simpleng kasalan.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Kenze Malmis Ponce, isang photographer na siyang kumuha mismo ng mga larawan kung saan makikita rito ang simpleng kasalanan na mag-asawang bagong kasal.

Ayon kay Kenze, matagal na di-umano nasubaybayan ang pagmamahalan ng magkasintahan. Dagdag pa niya, ang magkasintahan na ito ay matagal ng magkasama sa hirap na kanilang pamumuhay sa kabundukan.

Ang naging simpleng kasalan ng magkasintahan ay tila nagpaantig sa puso ng mga netizens. Kahit mismo si Kenze, ay naiyak sa naging kagapanan ng kasalan habang kinukuhaan niya ito ng magagandang larawan.

Kitang-kita sa larawan, na ang bagong kasal ay nasa harap ng kanilang napakasimpleng handaan. Mapapansin rin sa kanilang hapag kainan ang mga simpleng mga pagkain na kanilang inihanda para sa kanilang mga bisita na nakalagay sa mahabang lamesa kung saan naroroon ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at softdrinks na para naman sa kanilang mga primary sponsors.

Makikita rin dito ang napakasimple nilang dekorasyon at sobrang payak na kanilang naging selebrasyon.

Masarap rin sa pakiramdam ang venue ng kanilang kasal, dahil pwedeng makalanghap ng sariwang hangin at hindi nalalayo sa kanilang mga tahanan. Kaya mas lalo silang hinangaan ng mga netizens, dahil kahit simple lamang ang kanilang naging pagpapakasal, nababakas naman sa kanilang mga mukha ang kanilang kagalakan at tunay na pagmamahalan.

Ito ay nagpapatunay na sa pagmamahalan hindi mahalaga ang karangyaan sa buhay, ang tanging mahalaga ay ang taong makakasama mo sa habangbuhay. Na siyang magbibigay ng isang buong masayang pamilya.

Nawa’y maging inspirasyon ang magkasintahan na ito, lalo na sa mga taong may balak magpakasal. Na laging isipin na hindi mahalaga ang magarbong salo-salo, dahil ang mahalaga mahal ninyo at isa’t isa at handang magdamayan sa bawat pagsubok na mararanasan sa araw-araw.

The post Groom Na Nagkamali Sa Pagsabi Ng Kanyang Wedding Vows, Viral Ngayon Sa SocMed appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments