ALIMANG-LAW
Viral ngayon sa social media ang isang abogado na tumanggap ng kakaibang bayad para sa kanyang appearance fee sa isang hearing.
Hindi nagdalawang isip ang abogadong ito na tanggapin ang mga alimangong ibinigay sa kanya ng kanyang kliyente bilang kabayaran sa appearance nito sa korte.
Ibinahagi ni Attorney Noel Allen Bose sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules, June 16, ang araw niya bilang isang abogado sa Sorsogon.
Isinalaysay niya ang kanyang naging pag-uusap sa kanyang kliyente matapos ang isang hearing.
AKTWAL NA USAPAN:
Client: “Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sainyo?”
Me: “Aba, okay lang sakin.”
Ibinigay ng kliyente ang bagong huling alimango.
Client: ” Salamat po Atty.!”
Me: “…”
(Ilang Twynsta, Arcoxia at Atenurix ang iinumin ko para dito?)
Pagkatanggap ni Atty. Bose sa bagong huling alimango ng kanyang kliyente ay di na siya nakapagsalita at naisip na niya agad ang kanyang mga gamot na kailangan pagkatapos makain ang mga fresh crabs.
Agad namang nag-viral ang post na ito ng naturang abogado at inulan ng mga nakakatuwang komento mula sa mga netizens.
Marami sa mga netizens ang nag-abot ng kanilang pagsaludo kay Atty. Bose dahil sa kahanga-hangang ugali nito.
Napakarami din ang nainspire at nagsabing sana lahat ng abogado ay maging katulad ni Atty. Bose na kahit kailangan niya din ng pera para sa kanyang serbisyo ay mas inunawa niya ang kalagayan ng kanyang kliyente na walang pambayad.
Karaniwang nasa P3,000 ang appearance fee ng isang abogado kada hearing o P1,000 kada oras.
Sa mababang hukuman, ang appearance fee ng isang abogado ay nasa P1,500 kada hearing o P800 kada oras.
Kung ang abogado naman ay nagpakita sa Supreme Court, ang appearance fee nito ay P10,000 kada hearing o P2,000 kada oras.
Ang isang “plain consultation” naman sa isang abogado ay nagkakahalagang P500 kada oras.
Ang pag-aaral ng law sa Pilipinas ay karaniwang tumatagal ng apat na taon o higit pa para makompleto. Pagkatapos makompleto ang pag-aaral ay maaari ng kumuha ng Bar Exam ang isang estudyante.
Noel Allen Bose
Doktor na Nagbigay ng Pera sa Mahirap na Pasyente, Laking Gulat Matapos Makatanggap ng Sobre Mula Dito!
The post Kinaaliwan Ang Abogadong Ito Na Tumanggap Ng Alimango Bilang Kabayaran Sa Appearance Fee Nito! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments