Looking For Anything Specific?

Pinoy Singer, niIait at mînüra ng kapwa Pilipino dahil sa kaniyang hitsura imbis na mamangha sa kaniyang angking talento

Hindi na bago ang diskriminasyon at panlalait lalo na sa ating mga Pilipino.

Madalas ay ginagawang katatawanan ang pisikal na kaanyuan ng tao ngunit ang totoo, ang hitsurang nakikita mo ay hitsura ng tunay na Pilipino.

Samantala, may mga taong hindi man kagandahan o kagwapuhan ngunit may natatanging talentong kayang ipamalas. Ngunit lahat ng iyon ay nababalewala dahil lamang sa mga matang mapanghusga.

Kagaya na lamang ng singer na si Jong Madaliday kung saan ibinahagi niya ang kaniyang mapait na karanasan mismo sa kapwa niya Pilipino.

Binatikos siya hindi dahil sa kaniyang boses kundi dahil sa kaniyang ilong.

Siya ay minura mura at nilait ng walang pakundangang bibig mula sa grupo ng mga kabataang naka-video chat niya at sinabing “T***-i** ka, Hay*p ka. Bakit ganyan ang ilong mo? L*ntek na ilong ‘yan, butas-butas

“Gusto ko lang naman kayo pasayahin pero bakit ganun? Haha 1st time ko dito andami kasi nagrerequest na mga Pinoy naman daw haranahin ko pero ganito ang naingkwentro ko.” Pahayag ni Jong.

“MAS OKAY NA ‘YONG B*GB*GIN KA, MATATANGAL PA ‘YONG SAKIT PERO MASASAKTAN KA EMOTIONAL SH*T, ‘DI KO KAYA.” Dagdag pa niya

“Dito sa Pilipinas, ‘di sapat na may talento ka kasi lahat kayang gawan ng issue. Woah! Grabe, ito ‘yong time na sana sa ibang bansa na lang ako nakatira, siguro mas tanggap nila ako.”

Sa katunayan, mas naaappreciate pa siya ng mga foreigner audience niya sa tuwing siya ay kumakanta.

Kaya’t hiling niya n asana ay sa ibang bansa na lamang siya nakatira baka sakaling doon ay mapahalagahan at mas mangibabaw ang kaniyang talento kesa hitsura.

“Mas ma-a-appreciate nila ang hitsura ko, ang kulay ko, at ang talento ko. Napaka-hirap mag-excel sa Pilipinas kung ‘ganito’ ka lang (sad face emoji),” aniya pa.

Ayon sa naka-chat ni Jong na taga-US, “If I have a golden buzzer right now, I’ve been hitting that.”dahil sa sobrang pagkamangha nito sa kaniyang pagkanta

Paalala ng Kapuso singer, ang pang-iinsulto at pamb*b*lly ng ibang tao ay hindi kailan man magdudulot ng magandang epekto.

“Hindi ko lang ito pinost para sakin, pinost ko’to para sa lahat ng mga binub*lly rin to raise awareness na it’s not okay, may nasisirang mga buhay dahil sa pagiging reckless either it is unintentional or what.”

“Wala naman mawawala satin kung magiging kind tayo sa isa’t isa. Let’s spread happiness and be kind to everyone please.

Kasi di natin alam sa konting act ng kindness natin nakakasave tayo ng buhay. Please be kind please. Sending my love to you guys stay safe”

Source: Bandera

Post a Comment

0 Comments