Looking For Anything Specific?

Kinagiliwan At Pumatok Sa Netizens Ang Sinigang Flavor Ice Candy Na Ito

Tuwing summer patok na patok ang mga pagkain na malalamig na pagkain kagaya na lang ng ice cream, halo-halo, mais con yelo at ice candy. Ito ang mga pagkain na pantagal init sa panahon ng tag-init na madalas pinagkikitaan ng mga pinoy. Ang ice candy na masarap at malamig na best seller ng mga pinoy ay viral ngayon sa social media dahil sa kakaibang flavor nito na talagang kinagiliwan ng mga netizens.

Source: Andreana Del Rosario

Ang ice candy na sinigang flavor ay ginawang kakatawanan ngayon, ito ay ibinahagi ni Andreana del Rosario sa kaniyang facebook account. Pumatok ito sa mga netizens, dahil sa kakaibang flavor nito na may sabaw at sahog na pang sinigang na ulam. Kitang-kita sa ice candy ang mga ingredients ng ulam Pinoy na sinigang. Ang post na ito ni Andreana ay umani ng iba’t ibang nakakatuwang komento.

Ngunit ang totoo nito, isa lang talaga itong katuwaan kay Andreana. Pero siya talaga ay nagbebenta ng mga ice candy. Sa naging panayam sa kaniya ng PEP, na kung ganitong ice candy daw ang kaniyang ibebenta ay baka malugi daw siya sa mahal ng karneng baboy ngayon. Ayon kay Andreana, nakakain na raw siya ng mga oras na iyon pagkatapos niyang magbalot ng kaniyang mga panindang ice candy nang naisipan niyang ibalot sa ice candy wrapper ang kanilang ulam na sinigang. Dahil dito hindi inakala ng dalaga na marami ang magkakagusto sa kaniyang ice candy sinigang pero chocolate, pandan at melon flavor lang talaga ang kaniyang ice candy.

Source: Google

Si Andreana ay Senior High School student na darating na pasukan sa St. Paul University sa San Miguel Bulacan. Dagdag pa ni Andrea, ang paggawa raw ng ice candy ang kaniyang paraan upang matulungan niya ang kaniyang ina na mag-isa silang itinataguyod. Pangarap pati ng dalaga na magkaroon ng sariling negosyo kaya nagsasanay na siya ngayon sa pagnenegosyo, kumikita siya ng Php100 hanggang Php200 sa bawat araw na siya ay nagbebenta ng kaniyang ice candy na ang presyo ay Php5.

Source: Andreana Del Rosario

Bilang isang kabataan na pinahahalagahan ang pamilya, siya ay nagbigay ng payo sa kaniyang kapuwa kabataan na matutong tulungan ang magulang imbis na maging pasaway. Mas magkakaroon ng saysay ang buhay kung may nagagawang kapaki-pakinabang sa buhay.

Mapanindig balahibong “cockroach cake”, ibinida sa Davao City! Kakain ka ba nito?

KAKAIN KA BA NG CAKE, KUNG GANITO ANG HITSURA?

Isang 36-year-old baker mula sa Davao City ang gumawa ng isang mapanindig balahibo na birthday cake para sa kanyang kliyente noong May 1, 2021.

Agad naman itong naging viral sa social media dahil sa hitsura nito. Ito ay ang “cockroach cake” na ginawa ni Christine Gil Gestosani. Sa panayam kay Christine ng Philippine Star, sinabi niya na ang cake ay ireregalo daw ng kanyang customer sa asawa nitong matatakutin sa ipis.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Ayon pa sa uploader, lahat naman daw ng mga ipis pati na din ang maliliit na itlog nito na nasa cake ay puwedeng-puwede na makain. Kuwento pa niya na inabot siya ng tatlong araw sa pag-bake at sa pag-design ng naturang “cockroach cake”.

“Cockroaches (design) are like candies na dried fondant. [They are made of] moist chocolate with chocolate filling and covered with fondant (marshmallow and powdered sugar),” pagbabahagi ni Christine.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Eto umano ang unang beses na siya ay gumawa ng isang “cockroach cake.”

Dagdag pa niya, “now marami na may daga, ipis, centipede, and snakes. ‘Yung decorating and art part na ang pinaka fun part“.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Nagkakahalagang P2,000 ang anim na pulgadang “cockroack cake”. Sobra naman ang pagkagulat nila Christine ng biglang mag-viral ang ginawa nilang cake sa social media. Nakatanggap din ito ng samu’t saring reaksyon mula sa online community.

“Tawa lang kami nang tawa ni client [sabi sa] mga comments na kadiri daw. Ok na rin, meaning effective ‘yung design,” sabi ni Christine sa panayam niya sa Philippine Star.

Narito ang buong Facebook post ni Christine:

“Ditched cake competition for this hahahahah

“Tindig balahibo while working 

“But this is love noh??? Hahahha loving somone is to scare them with their iwn bday cake hahahahhaha

“Fyi all ipis are edible pati tiny eggs ”

Sa ngayon, ang naturang Facebook post ni Christine ay mayroon ng 6,700 reactions at 24,000 shares.

Ano po ang masasabi niyo sa “cockroach cake” na ito? Kaya niyo bang kumain ng ganyang cake na galing sa inyong loved ones?

May mga kakaibang kwentong cake din ba kayo? i-comment niyo na yan sa comment section sa baba!

The post Kinagiliwan At Pumatok Sa Netizens Ang Sinigang Flavor Ice Candy Na Ito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments