Looking For Anything Specific?

Kris Bernal tapat na sinagot na walang siyang sakit dahil sa payat na pangangatawan nito, petite lang talaga daw siya

Mahigit walong taon nang consistent si Kris sa pagwowork-out para makamit niya ang kanyang fitness goals.

Ito umano ang dahilan kaya nanatiling petite ang kanyang figure.

Sa panayam ng aktres sa PEP.ph, inamin nito na hindi siya nababahala sa kanyang kapayatan.

Aniya ito daw ay resulta ng kanyang healthy lifestyle.

“Sa tagal ko nang nagwu-workout, hindi naman ako nagwo-workout para sa wala lang.

“Of course, kapag nagwu-workout ka, you wanna look good, di ba? And you wanna be confident about your body,” saad ni Kris.

Ibinahagi din niya na ang kanyang vital statistics ngayon ay  “32-23-32.”

Dagdag pa niya na maliit daw talaga ang kanyang beywang dahil petite daw talaga siya ever since.

Ilang beses na din umano niya ito ine-explain kaya wala na daw siyang pakealam sa mga bashers.

At hindi na raw siya affected tuwing pinapansin ng mga ito ang kanyang kapayatan.

“Sa tagal na nakaka-receive ako ng b0dy sha’ming, wala na. I know myself better. I feel I’m at my best right now. Malakas ako. Mabigat iyong mga nabubuhat ko.

“Mas mabilis akong tumakbo sa inyong lahat or whatever. So I think, hindi naman basehan ang pisikal para masabing may sakit ka,” paliwanag pa ng aktres.

Ayon pa kay Kris ay pagod na daw siya kakadepensa sa kanyang sarili laban sa mga nanghuhusga sa kanyang katawan.

Ilan beses na daw niyang in-explain sa mga netizens na fit at healthy siya pero marami pa din pumupuna sa kanyang timbang.

Sobrang bilis din umano ng kanyang metabolism kaya kahit anong lakas daw ng kain niya ay wala ding epekto.

Ang se’xy photoshoot ni Kris noong birthday niya last May ay selebrasyon din umano na na-achieve na niya ang kanyang fitness goal.

Kris Bernal, sobrang na-starstrucksa kagandahan ni Julia Montes ng makita niya ito sa personal

Napa-wow na lang si Kris Bernal sa kagandahan ni Julia Montes.

Isa si Julia Montes sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz.

Hindi naman talaga ito maitatanggi, kaya magpasa-hanggang ngayon ay marami pa rin siyang tagahanga. Kahit pa hindi na siya ganun ka-aktibo sa TV Screen o pelikula.

Sa kanyang social media accounts na lang bumabawi ang kanyang mga fans, kaya inaabangan ng mga ito ang bawat post tungkol sa kanya.

At lagi na ding nagiging usap-usapan ang bawat balita na lumalabas tungkol sa aktres.

Nakaraan nga ay trending ang paghuhugas niya ng plato sa bahay ni Dimples Romana. Kasunod naman nito ay ang paglilinis niya ng inidoro.

Bawat maliit na detalye na lumalabas tungkol kay Julia ay nagiging viral agad.

At kamakailan nga lang, isang video ni Kris Bernal ang naging usap-usapan.

Ito ay dahil na shookt ang Kapuso actress sa angking kagandahan ni Julia ng magkita sila sa isang salon.

“The Julia Montes, very beautiful pa din,” maririnig na saad ni Kris habang nag-vivideo. “Ang unfair ng world, so nice to see you,” dagdag pa nito.

Tila na starstruck si Kris nang muling makita ng personal si Julia makatapos ang mahabang panahon.

Kung matatandaan sa kanyang mga nakaraang panyam ibinahagi ni Kris na fan talaga siya ni Julia.

Noong nagkaroon pa nga siya ng cosmetic line ay isa si Julia sa mga pinadalhan niya ng mga make-ups.

Marami raw siyang pinadalhan ng kanyang makeup product, pero hindi lahat ng pinadalhan niya ay nag-post at nagbannggit ng kanyang produkto.

Isa si Julia sa mga hindi siya binigo at parang tulong na sa kanya na ipinost pa ng aktres ang kanyang produkto sa Instagram Story nito.

Samantala, sa nasabing video ay makikita rin na nakaroon ng chikahan time sina Julia at Kris.

Narito ang video:

The post Kris Bernal tapat na sinagot na walang siyang sakit dahil sa payat na pangangatawan nito, petite lang talaga daw siya appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments