Sa sitwasyon ng maraming bansa ngayon, marahil marami sa atin ang naghahanap ng iba pang disenteng trabaho makaraos lang sa panahon ng pandemya.
Dahil sa walang pinipili ang pandemya, lahat ay naapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya. Halos buong mundo ay sumailalim sa quaratine at naging mahirap ang magtrabaho.

Bukod dito, marami din ang nawalan o nahinto sa paghahanap buhay. Lalo na ang nasa entertainment industry.
Nagresulta ito sa gutom para sa maraming pamilya. Kaya’t gagwin natin ang lahat upang matugunan lamang ang pangangailangan ng ating mga pamilya.

Ang isang magandang halimbawa dito ay ang isang Thai actor na nagtatrabaho bilang isang Grab rider sa panahon ng quarantine. Dahil wala siyang mga proyekto, wala din kita, kaya naman naghanap siya ng alternatibong trabaho.

Siya si Amp Pheerawas, isang Thai actor na mayroon nang sariling pamilya. Ayon sa ulat, nagkaroon kahit papaano si Amp ng savings dahil tinatanggap niya ang lahat ng mga nagpapa-book.

Kahit na umuulan, pinipili ng karamihan sa rider na magpahinga, ngunit ginagamit niya ang pagkakataon na ito upang mas lalong magtrabaho. Hindi naging kahihiyan para sa kanya ang pasukin ang pagiging delivery rider basta kumita ka sa maayos na pamamaraan para sa iyong pamilya.

Maraming pumuri ang naging proud sa kanya sa dahil sa positive thinking na ito. Kahit na siya ay isang artista, hindi siya nag-atubiling gawin ang ganitong trabaho.

Sa katunayan, ang Amp ay isang malaking halimbawa ng isang responsableng ama.


Ikaw, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong pamilya?
Judy Ann Santos, pinili na huwag mag-alis ng mga empleyado sa kaniyang negosyo sa kabila ng pangambang walang kikitain
Gumawa ng paraan si Judy Ann Santos para hindi niya kailanganin magtanggal ng mga empleyado.
Naghanap ng paraan at solusyon ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para masigurong walang matatanggal na empleyado sa kanilang mga food business.

Alam ng celebrity couple kung gaano kahirap ang buhay ngayong panahon ng pandemya.

Kaya isa sa mga siniguro nina Juday at Ryan ay ang maipagpatuloy ang mga naipundar nilang mga negosyo.

Ito ay sa kabila ng health cri’sis para sa mga taong umaasa sa kanila.

Ayon kay Juday, na may restaurant na Angrydobo at ilan pang online business, gumawa sila ng paraan. Para manatiling busy ang kanilang mga tauhan.
“We started selling special items ng Angrydobo on Sunday Market Live noong January. It was Ryan’s idea actually,” ayon kay Juday sa interview kay G3 San Diego.

Saad ni Juday, okay lang kahit maliit lang ang kita basta may maipasuweldo sila sa kanilang mga empleyado.

“Kung ano yung kikitain natin kahit maliit okay na din. Kung walang kikitain okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap na ng buhay as it is. So that’s what happened,” aniya pa.

Samantala, suportado rin nina Juday at Ryan ang maliliit at mga bagong negosyong nagbubukas ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pagbili rin ng pagkain sa mga online sellers.

“Nagte-takeout din naman kami at umo-order din naman kami sa Instagram sellers ng mga food kasi natutuwa ako na ang daming nag-evolve dito sa pandemya. So, support the small businesses,” saad ng aktres.
Saludo rin siya sa lahat ng Pinoy na patuloy na lumalaban nang patas sa bu’hay sa kabila ng pandemya.
The post Sikat na Aktor Napilitan Mag Grab Driver Para Pang Tustos sa Pamilya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments