Ang tunay na pagkakaibigan, kahit ilang taon pa iyan ay hindi mo malilimutan. Minsa sa ating buhay, sa sobrang natural ng pagiging matulungin ng tao, nakakabuo tayo ng hindi inaasahang matibay at pinagkakatiwalaang relasyon.
Pinamangha ni Hiroyuki Arakawaan ang istorya ng kaniyang higanteng kaibigan na naninirahan sa malalim na bahagi ng dagat. Labing walong taong gulang pa lamang si Hiroyuki nang magsimula siyang lumangoy at maging scuba diver sa Japan.
Sa kasalukuyan, siya ay 70 taong gulang na at isang tagapangasiwa sa Torii Shinto religion shrine na matatagpuan sa Tateyama Bay sa Japan.
Sa nakalipas na 25 taon ng kaniyang buhay, nakagawian na niyang magpatunog ng kampanilya sa tuwing bibisitahin niya ang kaniyang kaibigan sa ilalim ng dagat at dali- dali namang lalangoy at lalapit sa kaniya ang isang higanteng Asian sheepshead wrasse na pinangalanan niyang Yoriko.
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan matapos sagipin ni Hiroyuki ang sheepshead warsse sa bingit ng kamatayan.
Kamuntik- muntikan na daw bawian ng buhay ang kaniyang kaibigan ngunit iniligtas niya ito sa abot ng kaniyang makakaya at inalagaan. Sa loob ng 10 araw ay pinapakain niya ito ng limang alimasag hanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Kitang kita naman sa video kung gaano nga kalapit ang tao at ang kaniyang kaibigang isda. Marahil ay natandaan lahat ng kamalasakitang ginawa ni Hiroyuki kay Yoriko kaya naman binabalik balikan niya ito.
Hindi din mawawala sa kanilang pagkikita ang isang halik na kung saan walang pag aalinlangang tatanggalin ni Hiroyuki ang kaniyang dive mask at regulator upang magawa ito.
0 Comments