Looking For Anything Specific?

Mader Sitang, pinutakte ng komento matapos magviral ang kanyang bagong transpormasyon ngayon

Mader Sitang sumailalim ngayon sa cosmetic surgery.

Naalala niyo pa ba ang Thai social media sensation na si Mader Sitang? Siya ay sumikat dahil sa viral videos niya kung saan siya nagsasayaw.

Taong 2018 nang siya ay pinag-usapan dahil sa mga nakakatuwa niyang videos na agad nagviral.

2018 ng siya ay pumunta dito sa Pilipinas para sa meet and greet niya sa mga fans niya sa bansa.

Si Wilbert Tolentino ang kanyang naging international manager ngunit hindi naging maganda ang kanilang samahan.

Nais pa ngang ideklara ni Wilbert si Mader Sitang na persona non grata sa bansa.

Dahil umano sa laki ng demand nito na talent fee sa kanya.

Gusto ni Mader Sitang na tumanggap siya ng 19.5M baht (katumbas ng PHP31.3M) bago ang contract signing.

Kailangan niya ng 9.5M baht (katumbas ng PHP15.3M) para sa bahay, opisina & mini-warehouse, plus 10M baht (katumbas ng PHP16M) para sa iba pang gastusin.

Nang malaman niyang walang dalang milyones si Wilbert, iniwan niya ang mga ito agad-agad.

Smantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan na nagparetoke daw diumano si Mader Sitang.

Sa report naman ng PEP.ph ay ito daw ay kinumpirma ng kanilang malapit na kaibigan.

Sinabi daw ni Dada Nawanghin na totoo ang balitang sumailalim sa cosmetic surgery procedure ang 60-year-old trans6ender woman

Isang mahusay na cosmetic surgeon sa Lelux Hospital sa Nonthaburi, Thailand ang naging instrumento upang matupad ang pangarap ni Sitang na magkaroon ng V-line shape wrinkle-free face at higit sa lahat, para bumata ang itsura niya na tampulan noon ng mga tukso at panglalait.

Ibinahagi naman ni Sitang ang mga larawan niya na maga pa ang kanyang mukha dahil sa operasyon.

Marami naman sa kanyang mga fans ang naghihintay sa resulta ng kung ano nga ba ang kanyang bagong itsura.

Ikaw excited ka na ba makita ang kanyang transpormasyon?

Kakai Bautista hindi na nakapagtimpi, binweltahan na ang kanyang mga bashers

Pinatulan na ni Kakai Bautista ang mga taong walang sawang pumupuna sa kanyang pangangatawan.

Sa kanyang post sa Instagram, isang video ang ibinahagi ni Kakai.

Kung saan deretsahan niyang binweltahan ang mga kumukutya sa kanyang pangangatawan.

“I have come across so many body shamers this past few days! And I just wanna say that… I do believe that food is very much essential in our lives. I love to eat. And… pak all that toxic Filipino culture that says chubby is not sexy and healthy. Black, brown, morena, kayumanggi is not beautiful. Pakdizall,” saad ni Kakai sa kanyang post.

Pagpapatuloy pa niya, “REAL TALK. Ang dami kong kilala payat na may sakit. And it’s not good. I will never be happy with that. Ang dami ko ring kaibigan na morena na haaaaay ang solid ng gandaaaa.”

Para kay Kakai, kahit anumang kulay ng balat ay may kanya-kanyang taglay na ganda ang bawat tao.

Ang importante aniya ay ang masaya siya sa buhay ngayon at kung ano siya.

“We can never appreciate other people’s beauty if we don’t appreciate ours. SORRY kung ikakalungkot ng IBA na mahal na mahal ko ang sarili ko. AND I AM ENJOYING every bit of what I am now and every second of my LIFE”

Mensahe pa niya sa mga taong walang magawa kundi manlait ng kapwa, “Iksi ng buhay, ‘wag mong pakialaman ang buhay ng iba. Pakialaman mo yung sa ‘yo. Gawin mong maganda, masaya at kapaki-pakinabang!”

Ginamit din ni Kakai ang mga hashtag na #NoToBodyShaming at #Confidenceispower.

 

Ogie, Proud na Ipinasilip ang Mukha ng Kanyang Misis na Bagong Gising at Walang Make-Up

Upang mapatagal ang pagsasama ng mag-asawa, dapat ay hindi kukupas ang pagmamahal sa isa’t-isa. Kahit pa ilang taon na ang inyong relasyon, dapat ay araw-araw mo pa ring sinusuyo ang iyong partner upang mapanatiling buhay ang inyong pagsasama. Ito rin ang sikreto ng celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Para sa maraming fans sa social media, maituturing na power couple ng showbiz industry si Ogie at Regine. Ilang dekada na ang pagsasama ng dalawa, bago pa man sila ikasal. Nagsimula sa pagkakaibigan, hanggang sa magkadevelopan ang dalawang singers. Hindi nagtagal ay nabiyayaan rin sila ng masayang pamilya.

Ngunit kahit pa matagal na ang kanilang relasyon, buhay na buhay pa rin ang romance sa kanilang pagsasama! Sa katunayan, hanggang ngayon ay pinapakilig pa rin ni Ogie ang kanyang misis. Isa ito sa mga sikreto ng kanilang matatag at mapayapang pagsasama sa loob ng ilang taon.

Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang napakasweet na post na ito ni Ogie. Sa Instagram, proud na ibinahagi ng singer-songwriter na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya tuwing nakikita ang kanyang asawa, kaya naman kahit bagong gising si Regine ay gandang-ganda pa rin siya dito.

Sa video, makikitang walang make-up at tila ba kakagising pa lang ni Regine. Sa kabila nito, proud si Ogie na i-flex ang natural beauty ng kanyang asawa: “Flex ko lang itong nakilala ko. Lord please help me. Guys, showta ko pohs. Nainlab akesh guysh,” pabirong caption nito.

Sa kabilang banda, maraming netizens at fellow celebrities rin ang kinilig sa post na ito ni Ogie. Talagang hindi maipagkakaila na maswerte sila sa isa’t-isa, dahil kahit pa ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang kilig sa kanilang pagsasama.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.

The post Mader Sitang, pinutakte ng komento matapos magviral ang kanyang bagong transpormasyon ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments