Looking For Anything Specific?

Mag-asawa na P100 puhunan noon, kumikita na ng Php 50,000 kada isang araw matapos pasukin ang pag-ne-negosyo ng Siomai, usap-usapan!

Ang pagpasok sa isang negosyo ay maituturing na parang sugal dahil walang kasiguraduhan kung ito ba ay papatok o malulugi.

Ngunit mayroong mga taong hindi sumusuko hangga’t hindi nagtatagumpay. Kagaya na lamang ng mag- asawang ito na hindi nagpatinag sa kanilang pagkakadapa sa kanilang unang sabak sa negosyo.

Ang mag- asawa ay parehong minimum wages earner sa kanilang pinag tatrabahuhang restaurant sa Probinsya ng Batangas.

Ayon sa kanila, mayroong nag- alok sakanila ng binebentang hulugang bahay at lupa noon ngunit dahil sa kakarampot na sahod ay hindi muna nila ito tinanggap.

Kinalaunan ay napag- isip isip din nila na kung kukuhanin nila ang oportunidad na ito ay magakakaroon na sila ng kanilang kauna- unahang investment bilang mag- asawa.

Ito ang naging dahilan kung bakit kinailangan nilang magdoble kayod atumisip ng iba pang paraan upang kumita.

Una nilang sinubukan ang pagtitinda ng banana cue ngunit sa kanilang pagkakalkula, nakita nilang maliit lamang ang kita dito na umaabot lamang ng 100-150 kada araw.

Hindi sumuko ang mag- asawa bagkus ay mas naging madiskarte pa. Umisip sila ng ibang maibebenta kagaya ng siomai.

Pansin nila ang biglang pagtaas ng kanilang kita dahil binabalik balikan ito ng kanilang mga customers. Simula noon ay sa siomai na lamang sila nag focus ng pagbebenta.

Hindi nagtagal ay nakaipon na sila ng sapat upang makabili ng ilan pang mga foocart na magagamit ng kanilang mga resellers.

Huminto na sila pareho sa pagtatrabaho sa restaurant upang mapamahalaan ng maayos ang negosyo.

Sa katunayan, nabayaran na din nila ng mas mabilis ang kanilang hinuhulugang bahay at lupa dahil kumikita na sila ng Php 45,000-50,000 kada araw.

Post a Comment

0 Comments