Looking For Anything Specific?

Mga video diumano’y Kulto na gumagala at nangunguha di umano ng uIo sa Probinsya sa Mindanao, Nagdala ng takot sa mga Residente!

Totoo nga ba ang kumakalat na balita patungkol sa mga kulto na di umano’y gumagala sa ilang lugar sa mindanao at nangunguha ng Ulo ng tao?

Ito ngayon ang dahilan ng takot at pangamba ng mga residente sa ilang lugar sa Mindanao.

Ang nasabing kulto ay may mga masasamang balak daw sa mga taong naninirahan sa naturang lugar.

Ilang mga video na rin ang nagsilabasan sa social media kung saan mapapanood dito na ang ilang mga tao ay naghahanap sa di umanoy sinasabing miyembro ng nasabing kulto.

Ang nasabing grupo ng kulto ay gumagala daw mula 9:00 ng gabi hamggang 4:00 ng madaling araw.

Ginagawa umano ng mga kulto ay ang pagkatok sa mga bahay at kapag sila ay pinagbuksan nito ay kukuhanin umano ng mga kulto ang ulo ng mismong may-ari ng bahay.

Isa sa mga Netizen si Mariel M. Alianza ang nagpost ng ilang video na kuha sa ilang lugar sa Misamis Occidental kung saan di umano ay namataan ang mga nasabing kulto.

Sa ipinost na video ni Mariel, maririnig ang mga sigawan ng mga tao at makikita rin dito ang ilang miyembro ng otoridad na tumutulong sa paghahanap sa mga diumanoy miyembro ng kulto.

Sa isang video naman ay makikita ang ilang residente na iniilawan ang isang bubong kung saan daw ay nakita daw nila na may taong gumagapang dito.

May mga sinasabi rin ang mga residente dito na kanila raw nakuha ang mga damit na ginagamit ng nasabing grupo ng kulto, Ngunit hindi pa naman ito kinukumpirma ng mga otoridad.

Bukod sa mga video na kuha mismo ng tao, mayroon din nagkalat sa social media na mga kuha ng CCTV kung saan makikita ang ilang lalaki na tila may kapangyarihan dahil sa biglaang pag iiba ng mga pwesto nito.

Kung kayo ang tatanungin, Naniniwala kaba sa Kulto? Gaano nga kaya ito katotoo?

Narito sa baba ang ilang video ng di umanoy kulto daw na kumakalat sa social media.

Post a Comment

0 Comments