Looking For Anything Specific?

Raymart Santiago, very proud sa pag-graduate ng girlfriend na si Jodi Sta. Maria sa kolehiyo

Pinakita ni Raymart Santiago kung gaano siya ka-proud sa kanyang girlfriend na si Jodi Sta Maria.

Kamakailan nga lamang ay masayang ibinahagi ng aktres na si Jodi Sta Maria na nakagraduate na siya ng college.

Isa si Jodi sa malaki ang pagpapahalaga sa edukasyon. Kahit busy sa kaliwa’t kanang trabaho sa showbiz ay hindi niya iniwan ang pag-aaral.

At nagbunga na nga ang pagpupursige ng aktres ng ibahagi niya na napagtagumpayan na niya ang kanyang kurso.

Si Jodi ay nag-aaral ng kursong BS Psychology sa Southville International School and Colleges simula pa noong June 2017.

Kahit pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista, consistent dean’s lister ang aktres.

Matapos ang apat na taon na pagpupursige ay proud na ibinahagi ni Jodi na naka-graduate na siya kamakailan.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram post nakaraang araw lamang.

Ayon sa Kapamilya actress, pangarap talaga niyang makapagtapos ng pag-aaral bago pa man siya pumasok sa showbiz.

“I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Kalakip nito ang kanyang graduation photos. Aniya nais niyang maging inspirasyon sa ibang mga mag-aaral.

Saad pa nga ng aktres, “Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”

 

Samantala, sa comment section naman ng kanyang post ay makikita ang mesahe ng kanyang nobyo na si Raymart Santiago.

Sa mga emojis na comment ng aktor ay tila ipinapahayag nito kung gaano siya ka proud sa kanyang nobya.

At syempre dahil sa tatlong heart emojis ay mababanaag din kung gaano kamahal ni Raymart si Jodi.

Jodi Sta. Maria, Nakapagtapos ng Bachelor of Science in Psychology with Honors!

Si Jodi Chrissie Garcia Santamaria o mas kilala bilang Jodi Sta. Maria ay ipinanganak noong Hunyo 16, 1982. Siya ay kilalang batikang artista na nakatira sa Santa Rosa, Laguna. Si Jodi Sta. Maria ay bunsong anak. Pinalaking mag-isa si Jodi at ang kapatid niyang lalaki ng kanilang ina. Talagang aktibo sa pag-aaral si Jody maging sa extra-curricular activities.

Ikinasal si Jody kay Panfilo “Pampi” Lacson Jr., anak ni Sen. Panfilo Lacson at ngayon ay separado na sila. Nagkakilala ang dalawa noong taping ng Tabing Ilog at nagpakasal si Jody sa edad na 22 ngunit limang taon lamang ang tinagal ng kanilang pagsasama. Nagkaroon sila ng anak, Panfili “Thirdy” Lacson III.

Sa kabilang banda naman, ibinahagi ng aktres ang kanyang ilang larawan. Naging isang inspirasyon ang aktres matapos siyang maka-graduate sa kursong Bachelor of Science in Psch0logy (with honors).

“I dreamt of finishing my schooling ever since I entered show business and today, after more than a decade, marks the fulfillment of that dream. After 4 long years, I am here graduating from college,” pahayag ng aktres.

“I knew that God was with me all through out my college life and I kept holding on to his promise that I can do all things through Him who gave me strength and supplied me with more than I needed according to His glorious riches in Christ Jesus. God is always faithful to his word,” dagdag pa nito.

“Remember, it is never too late, and you are never too old to reach your stars.”

Ibinahagi ng KAMI sa kanilang facebook page ang ilang larawan ng aktres. Umabot naman ng 103k reactions, 4.3k comments at 2.5k shares ang naturang post. Marami ang bumati sa tagumapay ng aktres. Tunay ngang inspirasyon si Jody sa marami.

The post Raymart Santiago, very proud sa pag-graduate ng girlfriend na si Jodi Sta. Maria sa kolehiyo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments