Looking For Anything Specific?

Sambayanan, Nagluksa sa Biglaang Pαgραnαω ng Dating Presidenteng Noynoy Aquino

Buong sambayanan ang nagluksa sa pagkawala ng isa sa mga pinakahinahangaang presidente ng Pilipinas. Huwebes, June 24 nang tuluyang mamaalam ang dating presidenteng si Benigno Aquino III, o mas kilala bilang Noynoy Aquino. Isang malapit na kamag-anak ng mga Aquino ang nagpahatid ng malungkot na balitang ito sa publiko.

Ayon sa report ng CNN Philippines, madaling-araw ng June 24 nang isugod sa ospital ang dating presidente. Isang source na dating senior Cabinet official ni former president Cory Aquino ang nagkumpirma na dinala si P-Noy sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Ilang oras lamang ang lumipas at binawian na ito ng buhay sa edad na 61. Taong 2019 pa lamang ay dumanas na ng iba’t-ibang karamdaman si P-Noy.

Bago pumanaw ay limang buwan na siyang nagda-dialysis dahil sa kidney failure. Kamakailan lang ay sumailalim rin si P-Noy sa isang heart operation.

Sa kanyang pagpanaw, maraming kilalang personalidad ang nagbalik tanaw sa anim na taong pamumuno ni P-Noy mula 2010 hanggang 2016.

Sa Facebook ay nagpahayag ng mensahe si former finance secretary Cesar Purisima, na nagsabing si P-Noy ay mayroong prinsipyo sa kabila ng mga mahihirap na desisyon na hinarap nito sa kanyang administrasyon.

“The character of his conviction shone the brightest in the most difficult moments: time and again, I saw him face down tough choices between the judgment of history on the one hand and the treatment of headlines on the other: always making a dignified decision for the former no matter the immediate repercussions,” pahayag ni Purisima.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Sambayanan, Nagluksa sa Biglaang Pαgραnαω ng Dating Presidenteng Noynoy Aquino appeared first on Light Feed.

Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments