Looking For Anything Specific?

Si Donny nga ba ang ‘mystery bf’ ? Maymay inamin na!

Magkarelasyon na nga ba sina Maymay Entrata at Donny Pangilinan?

Ito ang tanong ng nakararami dahil sa pagiging malapit diumano nina Donny at Maymay.

Matagal ng bulong bulungan, partikular na sa twitter world ang di-umano’y relasyon ng dalawang kapamilya stars na sina Donny at Maymay.

Marami ang naniniwalang may relasyon ang dalawa.

Base na rin umano sa mga kilos at galaw nito kapag nagsasama sa ASAP Natin ‘To.

Ngunit sa isang interview ay agad na nilinaw ni Maymay Entrata ang tunay na estado ng kaniyang puso ngayon.

Ibinahagi ni DJ Jhaiho ang isang larawan, nakasulat ang mga katagang “She’s (Maymay) in a relationship with Donny.”

At tinanong nga niya kay Maymay kung ano raw ito, kung paano nagsimula ang issue dahil kalat umano ito sa twitter.

“Oh my God, hindi ko…. Nakakatawa,” paunang reaksyon ni Maymay ng makita niya ang naturang larawan.

Ipinagdiinan ni Maymay na wala silang relasyon ni Donny, talagang naging malapit lang sila sa isa’t isa.

Dahil madalas silang nagkakasama sa iWant ASAP bilang mga host at performer.

Kasunod nito dinenay din niya ang mga naglalabasang chika na nagde-date sila ng kanyang ka-loveteam na si Edward Barber.

“Para ma clear na talaga, hindi ako in a relationship kay Donny or kay Edward man,” paliwanag ni Maymay.

Diretsahan ngang nilinaw ng dalaga na wala siyang karelasyon ngayon lalong lalo na kay Donny o kaya naman ay kay Edward.

Pag amin pa ng dalaga na maaaring dahil sa palaging magkasama sila ni Donny sa iWant ASAP kaya doon sila nagsimulang pag-usapan ng fans.

“Hindi ko alam talaga. Jusko day! Pero, hindi po kami ni Donny. Wala po kahit sino sa showbiz, wala,” paglilinaw ni Maymay.

“Ginagamit ka lang ng g*gong yan”- Pamilya ni Mahal, Tutol sa Pagsasama Nila ni Mygz Molino

‘You and me against the world’ ang peg ng celebrity couple na sina Mahal at Mygz Molino. Kahit pa tutol ang mga kamag-anak ni Mahal sa kanilang relasyon, nanindigan ito na patuloy pa rin niyang mamahalin ang 35-year-old na Youtuber. Kamakailan lang, nagpaunlak ng interview si Mahal sa Philippine Entertainment Portal, kung saan nagbigya siya ng mensahe sa mga tutol sa kanilang relasyon.

Ipinahayag ng komedyante ang kanyang dismaya dahil hindi pabor ang kanyang pamilya kay Mygz. Ayon kay Mahal, kahit pa mag-iisang taon na ang kanilang pagsasama ay hindi pa rin tanggap ng mga kamag-anak niya ang kanilang relasyon, bagay na ikinasama ng loob ng 46-anyos na komedyante.

“Hindi ako ginagamit ni Mygz! Ang masasabi ko diyan, magka-tandem kami ni Mygz. Huwag niyo po kaming husgahan, huwag po ninyo kaming pakialaman. Habang buhay na ang tandem namin, hanggang sa uugod-ugod na ako, hanggang sa mawala ako sa mundo,” pahayag ni Mahal sa kanyang exclusive interview.

Sa Facebook, isang concerned na kapamilya ni Mahal ang nagsabing hindi nila gusto ang treatment ni Mygz kay Mahal.

Kinondena rin nila ang mga pranks nito na di umano’y ilang beses na nagpaiyak kay Mahal. Dagdag pa nito, tila ba ginagamit lamang ni Mygz si Mahal para magkaroon ng maraming views sa kanyang Youtube channel.

Ayon pa sa kan

ila, concerned lamang sila sa kapakanan ng komedyante. Ayaw rin nilang maulit pa ang masaklap na nangyari dito dati, kaya naman nais nilang mapalayo si Mahal kay Mygz. Iginiit rin nila na lagi silang nakasuporta kay Mahal, lalo pa’t concerned lamang sila dito.

“Lahat kami dito naiinis at nagalit sa gagong ‘yan, ilang beses ka na ipaiyak kahit prank lang yun, masakit para sa amin na umiiyak ka. Ayaw lang naman na maulit uli ang nangyari sa ‘yo nuon. Ginamit ka lang gagong ‘yan, tapos sasabihin niya hindi ka niya ginagamit. Kalokohan ‘yan Mahal. Walang ibang magmamahal sa ‘yo Mahal kondi mga pamilya mo lang.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon at parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook.

The post Si Donny nga ba ang ‘mystery bf’ ? Maymay inamin na! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments