Looking For Anything Specific?

“Tamang proseso” nang pagrereklamo sa isang fastfood chain, Ibinihagi ng isang netizen

Kamakailan lamang, trending ang isang post sa Facebook nang isang netizen na kinilalang si Jay Rome, Sa kanyang post ibinihagi niya na minsan na siyang nakakain ng plastik sa sopas ng Jollibee pero ang ginawa niya lamang ay hindi ito pinost dahil hindi ‘daw mapapalitan ng viewers at followers ang kanyang sopas.

Kaya naman ang kanyang ginawa ay simple lang at ito ang dapat natin’ sundin kung sakasakaling tayo naman ang maka-encounter sa ganitong isyu, Well, Ang ginawa lang naman niya is binulungan niya ang crew mismo dahil siyempre tao ‘din sila at kumikita lang kahit na hindi naman malaki ang sahod pero sakto lang na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Pagbalik ng crew ay siyempre hindi lang sopas ang kanyang natanggap kung hindi may ice cream pa itong dala.

“Minsan na akong nakakain ng plastic sa sopas ng Jollibee, pero hindi ko pinost sa social media dahil hindi naman mapapalitan ng viewers at followers ang sopas ko.  Binulungan ko yung crew baka kasi mapagalitan, pagbalik nya may bagong sopas at may Ice Cream pang dala

Ganoon lang naman kasimple, minsan isipin din natin ang kapakanan ng iba bago tayo mag-inarte
PS.
PAGLILINAW LANG PO PARA SA MGA SOBRANG TALINO
Wala po akong pake dun sa fried towel. Ang akin lang ay ma-i-share ko ang sarili kong [Bad] experience sa Jollibee, pero tamang proseso ang ginawa kong PAGREREKLAMO. Walang natapakang tao. Syempre na-i-report din ng crew yung sinabi ko sa kanya kasi hindi naman yun papalitan basta-basta  Mag-isip din kayo bago kayo kumuda at magmagaling sa comment section.  Saka experience ko ito at pananaw ko, hwag kayong nakikialam
Isa pa malay ko bang i-copy and paste nila ang post ko at mag-trending!
Responsibilidad ko kung anuman ang sabihin ko sa post ko pero hindi ko responsibilidad kung paano mo ito tatanggapin at iintindihin.
MAG-CHICKENJOY KAYO PARA SUMAYA BUHAY NYO. ,” ani pa niya sa kanyang Facebook post.

Kaya naman dahil dito umani na sa mahigit 172k reaction ang nasabing post at 133k na nagbahagi na patuloy ang pagdami nito dahil sa maganda at tamang pag-proseso ng pagrereklamo. Pero, siyempre depende na ‘rin sa tao yan kung paano niya ihandle ang ganitong sitwasyon.

Narito ang naging reaksyon ng iba’t-ibang netizen sa naturang post:

“Korek babe! Sa pangyayaring ito, sa tingin nila ano mangyayari sa crew na in charge ng pag luluto ng chicken? Or ng manager or ng buong crew? Mesyedo nemen kesi.,” ani pa ni Maria R.

“malamang ndi un nag reklamo sa store manager or sa crew..kaya derecho agad social media..,” ani pa ni Janel C. V.

“Sa panahon ngayon sa hirap ng buhay….lalo nya pinahirapan ang kapwa nya…pwede naman na palitan baka doble pa binalik sa kanya.,” ani pa ni Elaine E.

“Ah basta ako favorite ko Chicken Joy. One time nga may dugo pa. Kinuha muna namin ‘yong part na walang dugo tsaka namin pinapalitan HAHAHA Sayang e baka itapon lang nila.,” ani pa ni Joemarie C.

“true sir jollibee pa din po the best!!!,” ani pa ni Christine J. C.

Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!

Dating Jollibee Manager, may buwelta sa babaeng nagpaTulfo at nagpost ng Fried Tuwalya!

Trending ang buwelta ng isang dating manager sa Jollibee kay Alique Perez, ang babaeng nagbahagi ng karansan niya matapos na makatanggap ng crispy towel imbes na crispy chicken.

Ilang araw matapos mag viral ang kaniyang post sa social media ay dumulog si Perez sa programa ni Raffy Tulfo upang aniya ay mabigyang aksyon ang di katanggap-tanggap na nangyari sa kaniya.

Sa nasabing programa ay sinabi niya na kumuha siya ng lawyer at humihiling ng danyos para sa natanggap niyang crispy towel, na taliwas sa nauna niyang pahayag na for awareness ang kaniyang pagbabahagi ng kwento, lalo pa’t hindi naman daw nila ito nakain.

Photo: Facebook/Jeffrey Sabino Padoga

Sa kabilang Facebook post naman ay nagbahagi ng kaniyang saloobin ang dating manager ng Jollibee na si Jeffrey Sabino Padoga, patungkol sa tila kwestyunableng pakay ni Perez.

“TULFO agad mam?, pwede naman between you and the branch lang for sure aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin 40 plus yra na si jollibee alam nila gagawin sa complaint,” panimula ng post ni Padoga.

Ibinahagi nito na hindi naman daw si Tulfo ang makakapag-ayos ng bagay na ito, kung kinakailangan pa nga ay si Jollibee pa umano mismo ang gagastos sa pagpapa medical nito

“And di naman tulfo ang magsosolve ng prob.. Hindi naman po kinaen yung towel fried ehh
if ang concern dn is yung safety pwede po kau magpa medical or if sino mam incase natikman or nakagat ung towel sagot ni jollibee yung all expenses sa medical,” dagdag pa niya.

Kwinestiyon din nito ang tila biglang pagbabago ng isip ni Perez na noong una ay for awareness lamang ang gusto ngunit ngayon ay humihingi na ng danyos.

“Sa unang statement mo Mam sabi mo wlaa kang habol sa jollibee sabi mo for awareness lang… then kini clear ni Tulfo na for awareness lang ba daw ang post nya walang money purposes? biglang meron na din daw hmmmmm,” pagdududang sabi ng dating manager.

Samantala binura na ni Alique Perez ang trending post niya sa kanyang social media account matapos na maglabas ng statement ang pamunuan ng Jollibee.

Narito ang buong pahayag ni Padoga:

“TULFO agad mam?

“pwede naman between you and the branch
lang for sure aasikasuhin ka nila internal and if ano ang mga dapat gawin 40 plus yra na si jollibee alam. Nila gagawin sa complaint..

“and di naman tulfo ang magsosolve ng prob..
Hindi naman po kinaen yung towel fried ehh
if ang concern dn is yung safety pwede po kau magpa medical or if sino mam incase natikman or nakagat ung towel Sahot ni jollibee yung all expenses sa medical

“ang init ng mantika non mam 350’F kakahiya sa germs if mabuhay pa sya sa init na un
ung towel fresh na fresh pa nakakapag taka ahha

“Then sa unag statement mo Mam sabi mo wlaa kang habol sa jollibee sabi mo for awareness lang

“then ung tinanong kna ni Tulfo if me habol kaba anything damage fee or else

“may pera naman daw sila ng asawa nya and gusto nya mag public apology ang mga heads ng jollibee
Coming from you mam Walankang habol sa perampero biglang nag ka lawyer bigalng gusto mona bayaran damag le hmmmm

“naka usap kanapala mam ng branch head di naman po un dun matatapos for sure pupuntahan ka nil
para magsorry personal.. haist

“Biglang nabago ang isip me lawyer pa heheheh
then kini clear ni Tulfo na for awareness lang ba daw ang post nya walang money purposes? biglang meron na din daw hmmmmm

“mam if safety ang ang concern peede po kau magpa medical Sagot ng branch then bbigyan kau ng atonement na possible lang ng branch

“iba nga dami complain pero naiintindihan nila
nonperfect fastfoods and atill gusto parn nila
sa jollibee pero sayo kakaiba hahahha

“sa mga COOMENT agains or not welcome po here hahaha

“Its my own opinion then ok lng any openion bawal pikon ahhh GOD bless

“pa: This post is only for awareness din po”

Isang netizen ang nagrereklamo dahil sa kanyang nakuhang order mula sa isang fastfood chain!

Kamakailan lamang naging usap-usapan sa social media ang isang post nang netizen na kinilalang si Kish Trinidad, sa kanyang post ibinahagi niya dito na ang kanyang na order na pagkain galing sa isang sikat na fastfood chain dito sa Pilipinas ay may paa ng isang 1pis o isang 1ns3kto. Isa na naman ba itong kaso ng sab0tahe ng mga fastfood crew?

“Kung ang chicken ni jollibee ay naging TOWEL, Ang chicken naman ni Tokyo-tokyo SM DASMARINAS ay may PAA NG IPIS!! 

Nag order kami ng sumo meals, chicken karaage and beef misono. Dahil gutom na kami tuloy-tuloy yung kain namin, ang hindi namin alam may ganito pala kaming makikita!! SHOUTOUT TOKYO TOKYO SM DASMARIÑAS!! Okay na sana. Papalampasin na pero YUNG GAWIN KAMING TANGA AT SABIHIN NA FRIED BAWANG AT SA SAUCE YUN AY HINDI KATANGGAP TANGGAP! IMBIS NA MAG SORRY PINANINDIGAN NYANG FRIED BAWANG YUNG NASA CHICKEN!! Hindi ko sure kung manager yung nakausap namin kasi wala syang suot na name tag. Sabi nya babalik sya kasi kinuha nya yung food dahil kailangan nya i check yung food. Nag antay kami ng 10-15mins pero hindi na sya bumalik samin para kausapin kami regarding sa nangyari. Pero bumalik na sya pag take ng orders ng ibang customer na parang walang nangyari. okay lang sana kung ibang insekto, pero kasi IPIS yon! Alam naman nating lahat na IPIS ang pinaka maruming insekto.
Ps: I have to post this para maging aware din yung iba na kumakain sa labas. Palaging i check yung inoorder na food. Unfortunately hindi ko na check yung food kasi sobrang gutom nako and sure naman ako na malinis pero hindi pala.
Pps: Yes paubos na namin sya nakita and common sense nalang, kung nakita kong may paa ng ipis satingin mo kakainin ko pa yan? Diba hindi? 
#TOKYOTOKYOSMDASMARINAS!
#FRIEDBAWANG
#PAANGIPIS,” ani pa niya sa kanyang Facebook caption post.

Kaya naman ang nasabing post ay agad umani ng mahigit 17k reaction at 16k na nagbahagi nito sa social media na patuloy pang dumadami ang ito.

Kaya naman sa mga netizen binabalaan ang lahat na laging tignan maigi ang inoorder nating pagkain kahit anong pagkain — mapa-fastfood man o hindi dahil lalo na ngayon p4ndemya mahirap ang magkasakit. Kaya maging mapanuri at mag-ingat palagi at mas mabuting idouble-check kaagad ang mga pagkain matapos ito makuha. Health is wealth ika-nga nila.

Narito ang iilan’ komento ng nasabing post:

“ay syuta.. huli mo na nakita?,” ani pa ni Fhaye V.

“nagreklamo ka kisha refund mo ang binayad mo,” ani pa ni Maryjoy Z. V.

“Nireklamo mo dpt..indi pede plampasin mga ganyan pangya2ri,” ani pa ni Joan V.

“Fave ko pa naman dyan.,” ani pa ni Juno E.

“Hala kish. Grabee naman.,” ani pa ni Ian C.

Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!

Source: Kish Trinidad Facebook post

The post “Tamang proseso” nang pagrereklamo sa isang fastfood chain, Ibinihagi ng isang netizen appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments