Looking For Anything Specific?

Video ni Julia Barretto na ka-one on one interview ang kanyang ama na si Dennis Padilla naka-private na

Tampok na naman sa isang kontrobersiya ang aktres na si Julia Barretto.

Muli nanamang pinutakte ng mga bashers si Julia Barretto.

Ito ay nang mag viral ang interview ng kanyang ama na si Dennis Padilla with Ogie Diaz.

Sa nasabing panayam ay inilahad ni Dennis ang lahat ng sama ng loob niya para sa mga anak.

Tulad na lamang ng nais ng mga ito na palitan ang kanilang apelyido.

Pitong taon na ang nakararaan mula noong mangyari ang insidente na hanggang ngayon ay dinaramdam pa rin ni Dennis, pero kung nag-imbestiga itong mabuti, malalaman niyang hindi itinuloy ni Julia ang planong pagpalit ng apelyido.

Ibinahagi ni Dennis ang kanyang tunay na damdamin sa paraan ng pakikitungo sa kanya ng kanyang mga anak sa dating partner na si Marjorie Barretto.

Napag-usapan din nina Dennis at Ogie ang tungkol sa panayam ni Dennis with his daughter.

Ang nasabing panayam na iyon ay ang heart to heart talk ng mag-ama.

Ang personal at intimate conversation nila para sa YouTube Channel niya ang isa sa mga ginawa ni Julia.

Bago ito pumasok sa lock-in taping.

Nagmarka sa publiko ang pag-ako ni Dennis sa lahat ng mga pagkakamali dahil sa kanyang attitude at temper.

Sa nabanggit na vlog, ipinagtapat ni Julia kay Dennis na hindi niya isinuko ang kanilang relasyon bilang mag-ama, sa kabila ng mga takot na kanyang nararamdaman dahil sa temper ng komedyante.

Ngunit makalipas ang interview ni Dennis kay Ogie ay private naman na ngayon ang nasabing vlog ni Julia.

At nag-ugat na naman ito upang maging tampulan na naman siya ng mga bashers.

Wala namang pahayag si Julia ukol dito at kung ano ang dahilan niya bakit niya binura ang video nilang mag-ama.

Ano sa tingin mo ang dahilan ni Julia?

Dennis Padilla, hindi napigilang maging emosyonal ng mapag-usapan ang kontrobersyal na pagpalit ng family name ni Julia Barretto

Emosyonal na ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang saloobin ukol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak.

Nagkaroon ng panibagong pagkakataon si Dennis Padilla na masabi sa anak na si Julia Barretto ang hinanakit niya dito.

Nang magtangka itong palitan ang kanyang apelyido, from Baldivia to Barretto, ilang taon na ang nakararaan.

Sa pinaka latest vlog ni Ogie Diaz ay naging guest niya si Dennis.

Dito ay pinag-usapan nila ang mga pinagdadaanan ngayon ng komedyante.

Isa sa kanilang topic ay ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto.

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan noon.

Nag-file pa diumano noon ang girlfriend ni Gerald Anderson sa korte ng petition to change her last name last 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagsabi itong hindi na niya ipare-remove ang Baldivia sa kanyang last name.

Moving forward, nagkaayos na sila pero aminado pa rin si Dennis na isang C0’VID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon.

“That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yun,” saad ni Dennis.

“Bakit kailangan palitan ng family name, samantala ang gamit naman niya eh mas kilala sila ng tao sa Barretto bakit kailangan palitan yung name?”

Ito na lamang daw ang naisip ni Dennis ng sabihin sa kanya ng anak na, “Pa I’m sorry ah pinalitan na namin yung apelyido mo Barretto na kaming lahat.”

Panoorin dito ang panayam ni Ogie kay Dennis:

Anong masasabi mo?

The post Video ni Julia Barretto na ka-one on one interview ang kanyang ama na si Dennis Padilla naka-private na appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments