Looking For Anything Specific?

TINGNAN: Pinuri ng mga netizens ang magkasintahang ito, na naging masaya sa kanilang kasal kahit na napakasimple lamang nito.

Ang dalawang taong nagmamahalan kahit anong hirap ng buhay magkasama yan sa lahat ng bagay. Kaya na lamang sa pagpapakasal kung saan hindi ito nagiging madali lalo na sa panahon ngayon.

Hindi biro ang mga gastusin kapag nagpapakasal kaya naman ang iba ay nagiging praktikal na lamang, kahit minsan ay nauuso pa rin ang magagarbong kasalan. Dahil na rin sa hirap ng buhay, may mga magkasintahan pa rin na pinipili ang simpleng pagpapakasal.

Basta’t ang mahalaga ay ang kanilang pagmamahalan. Katulad na lamang ng magkasintahan na ito, na naging usap usapan ngayon sa social media dahil sa kanilang naging napaka-simpleng kasalan.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Kenze Malmis Ponce, isang photographer na siyang kumuha mismo ng mga larawan kung saan makikita rito ang simpleng kasalanan na mag-asawang bagong kasal.

Ayon kay Kenze, matagal na di-umano nasubaybayan ang pagmamahalan ng magkasintahan. Dagdag pa niya, ang magkasintahan na ito ay matagal ng magkasama sa hirap na kanilang pamumuhay sa kabundukan.

Ang naging simpleng kasalan ng magkasintahan ay tila nagpaantig sa puso ng mga netizens. Kahit mismo si Kenze, ay naiyak sa naging kagapanan ng kasalan habang kinukuhaan niya ito ng magagandang larawan.

Kitang-kita sa larawan, na ang bagong kasal ay nasa harap ng kanilang napakasimpleng handaan. Mapapansin rin sa kanilang hapag kainan ang mga simpleng mga pagkain na kanilang inihanda para sa kanilang mga bisita na nakalagay sa mahabang lamesa kung saan naroroon ang mga plato, kubyertos, kanin, ulam at softdrinks na para naman sa kanilang mga primary sponsors.

Makikita rin dito ang napakasimple nilang dekorasyon at sobrang payak na kanilang naging selebrasyon.

Masarap rin sa pakiramdam ang venue ng kanilang kasal, dahil pwedeng makalanghap ng sariwang hangin at hindi nalalayo sa kanilang mga tahanan. Kaya mas lalo silang hinangaan ng mga netizens, dahil kahit simple lamang ang kanilang naging pagpapakasal, nababakas naman sa kanilang mga mukha ang kanilang kagalakan at tunay na pagmamahalan.

Ito ay nagpapatunay na sa pagmamahalan hindi mahalaga ang karangyaan sa buhay, ang tanging mahalaga ay ang taong makakasama mo sa habangbuhay. Na siyang magbibigay ng isang buong masayang pamilya.

Nawa’y maging inspirasyon ang magkasintahan na ito, lalo na sa mga taong may balak magpakasal. Na laging isipin na hindi mahalaga ang magarbong salo-salo, dahil ang mahalaga mahal ninyo at isa’t isa at handang magdamayan sa bawat pagsubok na mararanasan sa araw-araw.

Walang Hadlang Sa Pangarap Ng Isang Bulag Na Nakapagtapos Bilang Suma Cum Laude

Mahirapan man ang daan patungong tagumpay, ay hindi sumuko ang isang dalagang may kapansanan. Bagamat hindi nakakakita ay gumraduate ito ng Suma Cum Laude sa kanilang paaralan.

Source: Minnie Aveline Juan

Walang hahadlang sa ating mga pangarap kundi tayo lamang. May ilan na nauunahan ng takot at kaba, at ang ilan naman ay sumusuko sa pagsubok. Ngunit para kay Minnie Aveline Juan ay malinaw na malinaw sa kanya ang daan upang maabot ang tagumpay.

Source: Minnie Aveline Juan

Marami ang humanga at nagsilbi pang inspirasyon si Minnie sa kanyang mga kamag-aral sa kanilang graduation nang maging Suma Cum Laude ito. Patunay lamang na walang criteria ang success at dapat ay patuloy ang pagsusumikap para maabot ang mga ito. Isa sa mga humahanga kay Minni ay ang kaklase nitong si Amelia Vicente at nagpahayag na hanga umano ito sa kabigan na hindi sumusuko sa anong pagsubok.

Source: Minnie Aveline Juan

Kung minsan sa buhay ay binibigyan tayo ng iba’t ibang pagsubok ngunit ang mga ito ay paraan lamang upang hasain tayo na maging makinang tulad ng pag hasa sa ginto. May iilan na nagworking student upang malampasan ang kahirapan at makapagtapos ng pagaaral, may iilan naman na hindi kapiling ang mga magulang ngunit kinaya ang pagsubok sa buhay. Sa panig naman ni Minni, kahit na bulag ay kinaya nitong maabot ang kanyang pinapangarap.

Source: Minnie Aveline Juan

Sa Virgen Milagrosa University Foundation sa San Carlos City nakapagtapos ng pagaaral si Minnie at isang karangalan ang magkaroon ng alumni na tulad niya. Apat na daang estudyante ang kasabay ni Minni sa kanyang graduation at mapalad ang lahat ng ito na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Source: Minnie Aveline Juan

Para naman sa pangarap ni Minnie ay binabalak nito umano maging isang guro para sa mga Persons With Disability o PWD na tulad niya. Nais nitong makapagturo matapos nitong kumuha ng kaniyang Master’s Degree. Dahil rito ay tiyak na magiging mabuting guro si Minni, hindi lamang sa akademya kundi magsisilbing inspirasyon sa mga kababayan natin na may kapansanan.

Bahay, Lupa, Pera at Mamahaling Sasakyan Ang Natanggap Ng Isang 23 years Old Na Lalaki Pagkatapos Magpakasal Sa Isang 38 years Old Na Ginang

Sa pag ibig, alam nating lahat na walang pinipiling kasarian, edad o estado ng buhay pag nag mamahal ka lahat pantay pantay. Ngunit hindi maiiwasan ang mga taong mapanghusga lalo na pag naiingit sila.

Ayon sa balita tungkol sa isang 23 taong gulang na lalaking na nagpakasal sa 38 gulang na ginang sa China ay pinagkaguluhan ng mga netizen dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad.

Ang babae ay may labing apat na taong gulang na anak at halos ka edad lamang nito ang magulang ng lalaki kaya hindi agad pumayag ang mga magulang ng lalaki na magpakasal ang dalawa.

Naisipang bigyan ng kayamanan ng babae ang mga magulang ng lalaki upang pumayag lamang sa gustong kasal nito sa anak nila. Lupa, bahay, pera at sasakyan ang binigay ng babae sa mga magulang nito.

Sa ngayon, ang lalaki ang mag-aalaga sa babae habang buntis ito at siya rin ang mag aalaga habang tumatanda ito.

Matapos ang kasal ng dalawa, marami ang nakakakita sa dalawa na masaya habang sakay ng mamahaling sportscar at may suot na mga alahas.

Sa usapang iyan, hati ang mga opinyon ng mga tao sa kasal at relasyon ng dalawa. Ang iba nagsasabing pinakasalan lamang ito ng lalaki dahil sa yaman at ari arian nito, ngunit ang iba ay talagang naniniwalang nagmamahalan ang dalawa at todo suporta sa relasyon nila.

Ngunit kahit anong sabihin ng iba walang magagawa ang kahit na sinuman sa desisyon nila, irespeto at tanggapin nalang ang meron sila.

The post TINGNAN: Pinuri ng mga netizens ang magkasintahang ito, na naging masaya sa kanilang kasal kahit na napakasimple lamang nito. appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments