Looking For Anything Specific?

Tunghayan ang nakakabilib na Tricycle na kauna-unahang tumawid sa Golden Gate Bridge sa San Francisco, California USA.

Isa sa sinasabing pinakamalaking grupo ng mga Pinoy Bikers sa America na NCPR o NorCal Pinoy Riders ibinida ang isa sa mga sikat dito sating bansa na pampublikong sasakyan na tinatawag nilang TNT tricycle.

Isinama ng naturang grupo ang TNT tricycle sa kanilang pagbyahe sa kanilang event na ginagawa nila taon-taon.

Ang nasabing pagtitipon ng grupo kamakailan ay nilahukan ng halos 80 na mga Pinoy motorcycle riders.

Maituturing na ang byaheng ito ay magiging makasaysayan sa kanila at sa lahat ng pinoy dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita sa lansangan ng bansang Amerika ang isa sa mga pangunahing pampublikong sasakyan dito sa Pilipinas.

Natawid lang naman ng tinaguriang TNT tricycle ang Golden Gate Bridge sa San Francisco hanggang sa Bodega Bay ng California USA.

Ang tinaguriang TNT tricycle ay napag-alaman na likha at pagmamay-ari nina Mike Arcega at Paolo Asuncion.

Ang pangyayaring ito ay mabilis na kumalat sa social media lalong lalo na dito sa atin dahil sa daming Pinoy na mahilig sa motorsiklo.

Ayon sa grupo ang TNT Tricycle ay pinondohan at tinulungan mabuo ng San Francisco Arts Commission / Individual Artist Commission at karagdagang tulong pinansyal na mula sa Awesome Foundation, San Francisco State University ay Balay Kreativ.

Sa ngayon ay mayroong bilang na 450 ang mga miyembro ng grupong NorCal Pinoy Bikers.

Samantala , dahil sa pangyayaring ito bilib na bilib ang mga Pinoy Netizens dahil sa bihirang pagkakataon na ito at marami ang nagsabi sa kanila na sanay magtuloy tuloy na mapansin ang iba pang kakaiba at natatanging kultura ng Pilipino.

Hindi lang sa bansang Amerika kundi maging sa buong Mundo.

Narito sa baba ang kabuuang video

Post a Comment

0 Comments