Looking For Anything Specific?

Xander Ford, inulan ng samut-saring komento matapos sabihing kamukha niya si Park Jimin

Trending nanaman ang internet personality na si Xander Ford.

Proud na proud na nagpost ng kanyang mga larawan si Marlou Arizala o mas kilalang Xander Ford ngayon.

Aniya siya daw ay kamukha ng sikat na miyembro ng South Korean Boyband Group na BTS na si Jimin.

Kalakip ng kanyang post ay ang mga litrato kung saan ginaya niya ang mga outfit at pose ni Jimin.

Binansagan pa niya mismo ang kanyang sarili na Pambansang Oppa ng Pilipinas.

Hindi pa nga natapos dito ang ilusyon nitong si Xander at nagpost pa ng video ng kanyang photoshoot.

Kung ang ilang ay natuwa sa kanyang post, marami naman ang nainis sa kahambugan daw umano ng binata.

Gigil na gigil sa kanya ang napakaraming miyembro ng BTS Army.

May ilan pa ngang nagsabi na baka daw nawawala na sa matinong pag-iisip si Xander.

Dahil hindi na umano nito alam ang kanyang mga sinasabi.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“Kulang ka ba sa clout, kinareer mo na din yung park jimin ph. Kulang nalang gawin mo na ding eyeshadow yung lip tint. Jusko naman.”

“Binansagan kaba talaga na parkjimin ng ph? Ikaw lg nman nag sabi niyan eh selfproclaimed amp.”

“Ayaw ko sana mangbash eh kaso sumosobra na sya hahahahaha layo mo po sobra Kay jimin haystt.”

“Kung idol mo siya, idol Lang ha, wag trying hard para maging kamukha siya Kasi Ang layo”

“tulog mo nalang yan….sumobra ata tinurok ng plastic surgeon sau kaya naapektuhan ang mata at utak mo”

“Nakatawa sakit tyan kooooo ph jimin daw ampp”

Si Marlou Arizala ay binash noon dahil sa hindi magandang itsura at ugali, binigyan siya ng make-over at inayos ang ugali subalit hanggang ngayon ay inuulan parin siya ng pang babatikos dahil sa mga hakbang nito at desisyon sa buhay.

Xander Ford, umamin na kamukha niya si Jimin ng ‘BTS’

Si Marlou Salcedo Arizala o mas kilala ngayun ng karamihan na Xander Ford, isang social media influencer at dating miyembro ng isang boygroup band na Hasht5 kung saan puro mga katutuwan ang mga video na biglang sumikat taon 2015, pero kinalaunan ay agad itong umalis para mag solo career. Noon pa lamang ay palagi na itong inuulan ng mga bashers at negatibong komento sa kanyang mga social media posts.

Sa isang larawan na kanyang ibinahagi noong Setyembre 16, taon 2020 ay agad itong nag-viral dahil mismo siya ang umamin na kamukha niya si Jimin o Park Ji-min ng boygroup band na BTS. Dahil dito ang nasabing post niya agad naman binatikos ng mga netizens dahil sa pagbabatikos ang nasabing post ay umani na sa mahigit 107k reactions, 34k comments at 79k shares.

“Ako lang ata kamuka ni JIMIN – BTS sa pinas.

태풍이 지나가서 다행입니다
다음주에 또 온다고 하니 조심하세요,” ani pa sa caption ng kanyang FB post.

Matapos mag-upload ng larawan ay agad itong sinundan ng video niya na ang caption ay “Pambangsang Oppa Park Jimin Ph” dahil dito ang nasabing video ay agad umani ng iba’t-ibang saring reactions may iba na natutuwa meron ding iba ang nagagalit. Ang nasabing video ay pumalo sa mahigit 99k reactions, 21k comments at 30k shares na ang views nito ay nasa humigit 2million viewers.

Sa kabila ng natatanggap niyang mga batikos mula sa mga netizen ay wala itong pakialam si Xander Ford at patuloy pa rin ang kanyang pagpopost para magbigay aliw sa mga netizens.

Source: Xander Ford Facebook post

Ito pala ang dahilan kung bakit wala na si Xander Ford sa showbiz, dahil isa na pala siyang negosyante!

Usap-usapan ngayon sa social media ang nakakagulat na balita tungkol kay Marlou Arizala o mas kilala bilang si Xander Ford. Si Xander Ford ay isang dating miyembro ng groupband Hasht5 dito sa Pilipinas.

Sa tuwing magpopost si Xander Ford ng mga larawan o bidyo sa social media, talagang hindi mawala-wala ang mga bashers niya. Pero, ang hindi ninyo alam na ang mga panglalait at ano pa ang isasabi niyo kay Xander ito ang naging udyok niya para mas matupad pa niya ang kanyang pangarap sa buhay.

Dahil sa social media at internet, nakuha ni Xander Ford ang kanyang kasikatan.

Pero, Ang alam niyo ba na itong si Xander Ford ay isa na palang negosyante. Ito ang naging dahilan kung bakit hindi natin nakikita ang kanyang mga post o bidyo.

Kahit ano ang mangyari kay Xander Ford hinding hindi pa rin tama ang humusga ng tao lalo pa’t hindi naman alam ang mga nangyayari. Dahil sa huli tanging ang diyos lamang ang huhusga sa ating lahat.

Ano po ang masasabi niyo dito? Mag-komento sa ibaba at huwag kalimutan na i-SHARE ang post na ito sa social media!

The post Xander Ford, inulan ng samut-saring komento matapos sabihing kamukha niya si Park Jimin appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments