Looking For Anything Specific?

Manny Pacquiao, pinabilib si Karen Davila ng ipagluto niya ito personal sa pagbisita sa kanilang mansion sa Makati

Binisita ng ABS CBN broadcaster na si Karen Davila ang mansyon ni Manny Pacquiao sa Makati.

“Papapasukin ba ako nito o susuntukin ako?” ‘yan ang bungad ni Karen Davila sa kanyang YouTube channel.

Ito ay nang bisitahin niya ang mansyon ng Senator at boxing champ na si Manny Pacquiao.

Sa kanyang pagpasok sa mansyon ng mga Pacquiao napag-alaman ni Karen na 2011 unang nanirahan dito ang pamilya ni Manny.

Napakalawak at napakaganda ng mansyon, na ayon kay Manny ang asawang si Jinkee mismo ang pumili ng mga disenyo dito.

Sa dulo ng kanilang hallway ay makikita ang bible verse na Joshua 24:15 na nakalapat sa dingding ng pasilyo.

Sa kanilang panayam ay pinag-usapan nila Karen at Manny ang laki ng pinagbago ng huli pagdating sa buhay pamilya.

Kung noon daw ay wala siyang time sa family niya dahil napapalibutan siya noon ng bisy0.

Ngayon daw ay nawala na ang lahat ng ito at tuwing weekends ay mayroon na silang family bonding.

Nakausap din ni Karen maging ang mga anak nito at sinabi nila kung anong klaseng ama ang senador.

Sa kanilang paglilibot sa mansyon ng mga Pacquiao ay ipinasilip din sa video ang napakagandang opisina ng senador.

Pati na din ang napakalawak na garden at swimming pool.

Napakaaliwalas naman ng kusina ng mga Pacquiao na all white ang kulay.

Nang madako nga sila sa kusina ay nabigla si Karen, nabanggit nito na akala niya umano ay susuntukin siya ni Manny, iyon pala ay ipagluluto siya nito.

Manghang-mangha naman si Karen dahil mismong si Sen. Manny ang nagluto para sa kanya.

Pinagluto siya nito ng Escabeche, bilib na bilib naman si Karen dahil napag-alaman niyang bata pa lamang si Manny ay marunong na itong magluto.

Inamin kasi ni Karen na hindi pala siya marunong magluto na ikinagulat naman ni Sen. Manny.

Ganito Pala Kalaki Ang Tuition Fee Ng Mga Anak Ni Jinkee At Manny Pacquiao

Para sa isang magulang, wala na sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam na makita ang iyong mga anak na mamuhay ng komportable at masaya. Kaya naman lubos ang kanilang pagsusumikap at pagtatrabaho ng mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Katulad na lamang ni Manny Pacquiao at ng kaniyang asawa na si Jinkee. Sa maraming taon, ang Philippine Boxing Champ ay nagsumikap ng lubos para mabigyan ng komportableng buhay ang kaniyang mga anak.

Hindi maipagkakaila na isa sina Manny at Jinkee Pacquiao sa pinakamayaman na mag-asawa ngayon sa Pilipinas. Kaya naman hindi imporsible na kaya nitong pag-aralin ang kaniyang mga anak sa pinakamagandang paaralan sa bansa.

 

Nais lamang nina Manny at Jinkee na mabigyan ng magandang oportunidad ang kanilang mga anak, lalo na pagdating sa edukasyon kaya naman pinasok nila ang mga ito sa isang international school sa bansa. Sa katunayan nga nyan, ang tuition fee pa lamang ng mga anak ng dalawa ay nakakalula na!

Ang panganay na anak na si Jimuel ay nag-aaral sa Brent International School sa Manila. Ang kaniyang tuition fee ay umaabot sa $9,000 o mahigit na P400,000 kada taon. Siya ay mayroon ding mga miscellaneous fee na aabot sa P390,000. Samantala, parehas naman ng tuition fee ni Jimuel ang kapatid na si Michael Stephen na kasalukuyang Senior High School at nag-aaral sa Brent International School sa Laguna.

 

Ang pangatlong anak na si Mary Divine o kilala sa palayaw na Princess ay nasa middle school na kung saan umaabot ang tuition fee nito sa $8,74 o mahigit na P403,512. Hindi pa kasama dito ang ibang bayarin sa paaralan sa buong taon. Parehas naman sila ng tuition fee ni Queeni o mas kilala bilang si Queen Elizabeth. Sa kabilang banda, ang kanilang bunsong anak na si Israel ay hindi pa nag-aaral sa ngayon dahil siya ay 5-anyos pa lamang.

Gayunpaman, ang tuition fee naman nila ay masasabing worth it. Hindi naman maipagkakaila ang maraming magagandang benepisyo na maibibigay sayo ng pag-aaral sa mga international school. Ang paaran ng kanilang mga tinuturo ay mas advanced kumpara sa mga pampublikong paaralan.

Maliban sa kanilang mga subjects na mayroon ang ibang paaralan, ang mga estudyante din sa international schools ay tinuturuan ng mga kultura at tradisyon na mayroon ang iba’t ibang bansa sa buong mundo.

The post Manny Pacquiao, pinabilib si Karen Davila ng ipagluto niya ito personal sa pagbisita sa kanilang mansion sa Makati appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments